Chapter 39

3.5K 175 50
                                    

Jema's

Hindi parin ako dinadalaw ng antok  naka-ilang baling na ako sa kama

Hindi ko alam bakit sobrang kinakabahan ako

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko

Napaupo ako sa kama at tinignan ang relong nasa study table ni Deanna

Pasado alas dos na ng madaling araw wala parin ito

Masyado naman atang syang nag-enjoy sa birth day'an na yon

Sabagay sa pagkaka-alam ko ngayon nalang ulit ito nag-enjoy at naki-bonding sa mga katrabaho nya

Dahil nasubsub sya sa pag-tatrabaho nitong mga nakaraan buwan

At syempre sa pag-hahabol sakin hahaha charr

Biglang kumalma ang loob ko nung maisip kong deserved din pala talaga ni Deanna ang mag-enjoy ngayon

Saka alam ko naman na wala syang gagawing makakasira saming dalawa

Lalo pa't 3 days palang ata kaming official

Pero masasabi ko yong pagmamahal namin sa isa't isa ganun na kalalim

Lalo na si Deanna, sobra nya akong mahal kaya sobrang tiwala ko lang talaga sakanya

Napangiti ako at humiga nalang muli mukhang hinahatak narin ako ng antok

Dahil napalagay narin ang loob ko

Agad kong pinikit ang aking mga mata, hindi pa man lumalalim ang tulog ko nang may marinig akong galabog

Kinakabahan akong umupo sa kama kasabay ng pagpasok ni Deanna sa loob ng kwarto

Napatayo ako para puntahan at alalayan sya

Halos hindi kasi ito makatayo sobrang lasing siguro

Agad nya akong niyakap, amoy na amoy ko ang alak sa buong katawan nito lalo na sa hininga nya

Sinara ko muna ang pinto bago ito dinala sa kama namin

"Baby sorry!" Saad nyang nakayakap parin sakin

"Para saan?" Kinalas ko ang pagkakayakap nito sakin at inupo sa kama

Kumunot ang noo ko pag-kakita ko sa itsura nito

Nakatali ang buhok nito kaya kitang kita ko ang mukha at leeg nitong punong puno ng lipstick

"Ano yan?" Inis na tanong ko dito

"Makinig ka muna sakin, please? Wag ka muna magalit" pipikit-pikit na ang mata nya

Pinag-ekis ko ang mga braso ko sa ibabaw ng dibdib ko

Sabay tango rito habang nakataas ang kilay ko

"Wala naman nangyari maniwala ka" malumanay niyang panimula

"Si sir Gio kasi" agad nyang niyakap ang bewang ko at pinatong ang noo nya roon

"Niregalo nya ako kay Carly" napahawak ako sa balikat nito para alisin ang pagkakayakap nya sakin pero lalong humigpit ang yakap nito sakin

Tila uminit ata ang mukha ko dahil parang tumaas ata sa ulo ko lahat ng dugo ko sa inis sa babaeng ito

Bakit kailangan nyang pumayag na maging regalo sa babaeng alam naman nyang may gusto sakanya?

Mukhang yon ata ang dahilan ng pag-aalala ko kanina

Akala ko pa naman sapat na ang pag-mamahal nito sakin para iwasan ang tukso pero mali pala ako

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon