Jema's
"Mama ang tagal naman po ni Papa" saad ni Marcus habang nakadapa sa isang mahaba at malaking couch
Gumagawa sila ng home work at halatang nahihirapan ang mga ito
Kung nandito lang si Deanna tiyak tutulungan nito ang mga bata
Kahit pagod or nag-over time sya gagawin parin nya ang mga assignment ng mga anak ko
Makikipag-laro sya at makikinig ng kwento sa buong araw na nangyari sa kambal
Minsan nga dun na sya nakakatulog sa tabi nila, dahil nadin sa pagod pero nag-lalaan parin ito ng oras para sakanila
"Miss ko na si Dada" biglang sabi ni Jasper
"Ako din" sang-ayon naman ni Marcus
"Mama, kailan ba tayo babalik kela Dada?" Napapikit ako sa tanong na yon ni Jasper
Hindi ko alam kung paano ko ba sasagutin iyon
Kasi kahit ako hindi ko alam kung makakabalik pa kami kay Deanna
Lalo pa nasa piling na kami ngayon ng Papa nila
Halos isang linggo na kaming nasa puder ni Gio
Tulad ng sabi ni Attorney, kung may paraan pa, para hindi umabot sa korte ang kaso gawin ko na
Malinaw naman ang sinabi nya eh, sobrang liit ng tyansang manalo ako
Dahil ang dami kong pag-kukulang para mabuhay ko sila kung sakaling ituloy ko ang laban
Ang sabi din ni Attorney na malaki ang tyansang mapunta kay Gio ang mga bata kung mag-aasawa ito
At habang wala pa syang asawa sa DSWD daw muna ang mga bata hanggang sa pagproseso ng pag-ampon sakanya o sakanila ng magiging asawa nito
Kaya ano pa ba ang magagawa ko? Kundi pumayag sa gusto ni Gio na mabuo kami para narin hindi mahirapan ang mga bata
Ma-iistress sila lalo na kung matatalo kami pareho ni Gio at kailangan namin sila ipa-ubaya sa ampunan
Dahil wala akong silbing Ina, hindi ko sila mabubuhay kung hindi ako babalik sa dati kong trabaho
Na isa rin sa dahilan kung bakit wala din akong laban sa custody nila dahil marumi akong babae
Hindi ako papaburan ng korte dahil lang mas pinili ko maging masama babae para lang mabuhay ang mga anak ko
Pero ganun lang nila kadali kukunin sakin kung sakali?
Napa-iyak nalang ako, miss na miss si Deanna
Namimiss ko sya kapag magulo ang isip ko at nahihirapan na ako
Kasi sya lang ang tanging nagiging sandalan ko
Pero kailangan ko syang iwan para sa kapakanan ng mga anak ko
Para hindi sila tuluyang mawala sakin
Ito lang ang tanging paraan, ang pakisamahan ang hayop nilang Ama
Napaka-makasarili nya! Bwisit sya!
"Mama ok ka lang po?" Tanong ni Jasper na pinupunasan na ang luha ko
Hindi na ako nakasagot dahil bumukas na ang pinto at niluwa si Gio
"Papa!" Sabay na sambit ng kambal at sinalubong ng yakap ang Papa nila
Agad ko naman pinunasan ang luha ko at tumayo sa couch
Pumunta ako sa kusina kung nasaan si Nanay na nagluluto ng hapunan namin

BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!