Chapter 48

3K 173 71
                                    

Deanna's

Nanginginig ang kamay ni Jessica na hawak ko habang hinihintay namin si Attorney Castillo sa labas ng tanggapan nito

Libre lang ang serbisyo nya dahil public servant or public Attorney ito

Siya rin ang kinuha namin noong abugado ni Papa

Wala itong hiningi kahit isang kusing saamin dahil trabaho daw nito ang maglingkod ng libre

Kahit hanggang ngayon inaapila parin nito sa husgado ang kaso ni Papa kahit na sumuko na kami dahil yon din ang gusto nito

Mabuti nalang talaga meron parin tapat sa sinumpaan nilang pangako sa Pilipinas na tulad ni Attorney Castillo

Dahil kahit papano may kakampi parin ang maliliit na taong katulad namin na madalas hindi pinapanigan ng batas

"Ok ka lang?" Umiling ito

"Wala tayong pera Deanna saan tayo kukuha ng pangbayad sa abugado?" Nag-aalalang tanong nito

"Kumalma ka nga, public Attorney si Ms. Castillo kaya wala tayong babayaran sakanya"

Hinaplos ko ang pisngi nito, kitang kita ang stress sa mukha nya

Masyado na itong nag-aalala, siguro natatakot sya sa lahat ng banta ni Sir Gio samin

Natatakot syang mawala ang mga bata sakanya

"Ms. Wong, please come in" bumukas ang pinto ng office ni Ms. Castillo

Nginitian ko ang secretary nito na nagpasok samin bago nito sinara ang pinto at iniwan kami sa loob ng office

"Please sit down, Ms. Wong" napatingin kami kay Ms. Castillo na naka-upo sa table nito

Agad kaming umupo sa harapan ng kina-uupuan nya

"Good morning po" nahihiyang bati ni Jessica

"Good morning din, so nasabi na sakin ni Mama mo ang sadya nyo sa akin ngayon" saad ni Ms. Castillo sakin

Bumaling ito kay Jessica "may mga katanungan lang ako, tungkol sayo at  sa nakaraan mo na makaka-apekto sa kaso. Kaya sana makipag-tulungan ka sa akin"

Napalunok naman si Jessica bago tumango

"Unang tanong ko, anong meron sa inyong dalawa?" Nagtinginan naman kami ni Jessica

"Live in partner po" nahihiyang tugon nito

"Unang tanong palang talo na tayo" napayuko kami pareho

Kailangan na naming masanay na itanggi nya ako lalo na sa hearing

Kailangan mapaniwala ang husgado na magkaibigan lang kami at wala kaming relasyon

Kaya siguro yon ang unang tinanong ni Attorney

Marami pang tinanong si Ms. Castillo Kay Jessica lalo na kung ano ang pinag-kakitaan nya ngayon at sino ang nag-babantay sa mga bata kapag wala sya

Sinagot naman nyang nag-aaral sya ngayon at si Nanay ang nag-aalaga sa kambal kapag nasa school at nung nagtatrabaho pa sya

Agad itong napalunok nang tanungin sya ni Attorney kung ano ang dati nyang trabaho

Napatingin sya sakin at puno ng pag-aalinlangan ang mga mata nito

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nito at ngitian sya

"Callgirl po" mahinang tugon nya kay Ms. Castillo

Isang malalim na hininga naman ang pinakawalan nito bago nag-salita

"Sobrang liit ng tyansang manalo tayo sa kasong ito"

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon