Chapter 27

3.4K 171 19
                                        


Tuwang tuwa ang kambal habang lulan ng tig-isang kabayo habang umiikot-ikot sa loob ng carousel

Lihim naman napangiti si Jema at Deanna at kapwa ninanakawan ng tingin ang isa't isa

Kapwa humigpit ang yakap nila sa kambal

Hinalikan ni Jema si Jasper sa kaniyang ulo na syang kasama nito sa isang kabayo ng carousel

At si Marcus naman ang kay Deanna

Ito na ata ang pinaka-masayang pagkakataon para sa dalawa

Tila ba naganap na ang simpleng hiling nila na mapasaya ang mga taong mahal nila

Si Jema ang makitang masaya ang mga bata kasama ang tanging taong nag-paparamdam din ng kakaiba saya sakanya

Si Deanna ang makitang masaya ang taong tangi niyang minamahal sa pamamagitan sa pag-papasaya sa mga batang napamahal narin sakanya

Tila ba isa silang masayang pamilya sa mga oras na ito

Sa kabila ng kasiyahan ng isang tila mag-anak ay may dalawang matang nakamasid sa mga ito

Ang isa'y masayang silang pinag-mamasdan at hindi mabura ang kaniyang ngiti sa mga labi

Samantalang ang isa nama'y nang-lilisik ang mga matang nakatunghay sakanila

Kinuyom niya ang mga palad nito at mabigat ang hakbang palayo sa kinaroroonan ng mga ito

---

Deanna's

Tulog na ang mga bata napagod siguro sa katatawa

Sobrang saya ba naman kasi nila at syempre sobrang saya ko rin

Tinignan ko si Jema na halos bumabagsak narin ang ulo dahil inaantok narin ito

Nakapikit sya at nilalabanan ang pag-galaw ng ulo nyang nakasandal sa taas ng bintana ng Jeep

Nasa bisig rin nya ang tulog na si Jasper at nasa akin naman si Marcus

Umusog ako palapit sakanya dinikit ko ang sarili ko sa pagitan ng mga balikat nila ni Jasper

Nilipat ko sa kabilang balikat ko ang pagkakahiga ni Marcus para maisandal ang ulo ni Jema sa likod ng balikat ko

Napangiti ako, medyo pagod na din ako dahil galing pa ako sa duty

Tapos sinamahaan ko si Kat na ipasyal ang mga anak nya

Pero lahat ng pagod ko nawala dahil sa sobrang saya ko sa piling ng mga taong sobrang lapit sakin ngayon

Humikab ako mukhang pagod narin talaga ako

"Sa bahay ka nalang matulog" sabi ni Jema, medyo umangat ang mukha nya para tignan ako

"Hindi na, maaga din kasi ang Duty ko bukas" tanggi ko

"Pagod ka na Deanna, wag ka ng tumanggi" giit nya sakin

Tumango nalang ako

Sa kwarto agad kami nila Jema dumeretso para ihiga agad ang mga bata

"Thank you ulit manang" nakangiting saad sakin ni Jema

Inismiran ko sya

"Alam mo isa pang tawag mo sakin ng manang hahalikan na kita dyan" natawa naman sya

"Hay naku! Puro salita lang naman po si manang" pang-aasar nya sakin

Mabagal naman akong lumapit sa kanya at sya naman tila natigilan

Humakbang sya patalikod palayo sakin, nginisihan ko sya

"Oh bakit parang natatakot ka?"

"Hindi no?" Tanggi nya sa nanginginig na boses

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon