Jema's
"Oh anak baon mo" saad ni Nanay paglabas ko ng kwarto namin sabay abot ng baunan ko
"Thank you po Nay, yong mga bata kayo muna bahala ah?" Bilin ko dito at hinalikan ang pisngi nya
"Sige, malelate kana, ingat ka" sabi nito bago ako lumabas ng pinto ng bahay namin
Halos madapa pa ako kakamadali dahil 30 minutes nalang late na ako sa pinag-tatrabahuan kong hotel
House keeping ako roon dahil yon din ang natapos ko sa tesda
Nung gumadruate ako ng ALS nag-3 months vocational course nalang ako para makapag-trabaho agad
Pero tulad ng inaasahan ko hindi ito naging madali dahil sa discrimination natamo ko sa lahat ng pinag-applyan ko
Tulad ng mga sinasabi sakin ng mga naging kaklase ko
Kinukutya nila ako dahil sa nakaraan ko ang pagiging callgirl ko
Pero hindi ako sumuko nilunok ko ang lahat ng yon at nagpatuloy sa paglaban
Buti nala....
Napitlag ako sa pagbusina ng sasakyan sa harapan ko
"Are you going to work?" Tanong ng isang babae pagkasilip nito sakin mula sa driver seat
Ngumiti ako sakanya at tumango
"Tara na sabay kana sakin" sabi nito ulit
Hindi na ako nagpabebe at sumakay na ako sa shot gun seat dahil malelate na ako
Kaya hindi na pwedeng mag-inarte pa
Nag-seatbelt muna ako bago nito pina-andar ang kotse nya
Hindi na kami nakapag-usap dahil sa sobrang bilis magpatakbo nito
Halos napapatili nalang ako tapos sya tawa pa ng tawa napaka-bully talaga ng babaeng ito
Ilang minuto lang ata ang tinagal ng biyahe namin nasa tapat na kami ng hotel na pinagtatrabahuan ko
Ikaw ba naman magkaroon ng isang driver na akala mo pagmamay-ari ang kalsada kung magpatakbo
Agad akong bumaba sa kotse at sumilip naman ito
"Thanks for the ride Bea, I owe you big time" sabi ko
"Wow naman Jemalyn umeenglish kana ngayon, nakakanose bleed hahaha" buset talaga to
"Che!!! Ewan ko sayo, bahala ka na nga dyan" sabi ko at tinalikuran na sya
Nagmamadali akong pumasok sa entrance para sa mga empleyado ng hotel
Napahinga ako ng malalim ng umabot ako sa oras
15 minutes pa naman bago ang duty ko nag-ayos pa ko bago nagtungo sa team leader namin para magreport at ipacheck ang time card ko
"Ayan na pala yong malakas sa taas" bulong ni Liza kay Trisia pero pinarinig naman talaga sakin
Nagkibit balikat lang ako at kinuha ang number ng room na lilinisin ko
Sanay na ako sa ganung bulong bulungan araw araw ko na yon naririnig
Mild pa nga yan eh, yong iba nga sinasabing ginamit ko ang katawan ko para lang makapasok dito
Pero inaabsorb ko nalang ng pangungutya at panglalait nila sakin
Kailangan ko ng trabaho dahil ito lang nagpapakain sa mga anak at nanay ko
Hindi ako dapat mag-paapekto sakanila kaya hinahayaan ko nalang
Sanay na ako simula pa nung nag-cater ako kela Gabo, nung nag-aral ako sa ALS at TESDA yan lang naririnig ko

BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!