Deanna's
"Aba kaya pala nauubos ang tissue natin eh" sita sakin ni Ma'am Jia
"Iniipon ko to no? Kapag bumibili ako ng meal satin, hindi ko ginagamit ang tissue ko" depensa ko sa sarili ko
Tumabi si Ma'am Jia kung saan ako naka-upo
"Wala ka bang pambili at gumagawa ka nalang ng paper roses?" Tanong nya
"Mas sweet kaya kapag DYI di ba? Saka hindi ito nalalanta" sagot ko
"Sana all may Deanna Wong na ma-effort" asar pa nya sakin
"At sana lang ma-appreciate nya yan" inismiran ko si Luigi na kakapasok lang ng crew room namin
"Heto na ang bestfriend mong makontra hahaha" sabi ni mam Jia
"Hindi naman sa kinukontra ko sya mam, kaya lang nakaka-inis kasi eh, nagtatyaga sa taong hindi naman kayang ibalik yong binibigay nya" depensa ni Luigi
"Alam mo bro ang totoong pag-mamahal hindi nag-iintay ng kapalit" sabi ko
"Hopeless romantic naman pala, sino ba yang kinababaliwan mo? Yong taga cabaret parin ba?" Napatango ako kay mam Jia
Ang alam lang nila may babae akong kinalolokohan na nagtatrabaho sa club
Pero hindi pa naman nila kilala at nakikita bukod dun sa mga lalaking nakasama kong napanood si Jema habang nag-sasayaw ng walang saplot na pang-taas
"Ok na sana kung worth it, pokpok na nga ang arte pa" sabi ni Luigi sabay tayo at lumayas sa harapan namin
Agad kong kinuyom ang mga palad ko
Tatayo na sana ako para sundan sya at sasapakin ko lang sana ng isa bwisit sya
Kaya lang pinigilan ako ni mam Jia
"Hayaan mo muna sya" pagpapakalma nya sakin
"Nakaka-inis na sya mam ji eh, dapat nga sya yong makaka-intindi at susuporta sakin dahil bestfriend ko sya di ba? Kaso bat ganyan sya?" Nang-gigil talaga ako
"Baka may pinag-dadaanan lang, tuloy mo nalang yang ginagawa mo" sabi nito
Napa-iling nalang ako at pinagpatuloy ang pag-gawa ko ng paper roses
Nung madami na akong nagawa nilagyan ko ito tig-iisang barbeque stick
Pinag-sama ko iyon at nilagay sa manila paper kaya nakagawa ako ng bouquet ng paper roses
Napangiti ako ng matapos ko na iyon
"Para sakin ba yan?" Napatingin ako sa babae nagsalita mula sa gilid ko
"Sorry mam Carly" sabay ngiti sakanya
"Hay naku, basta kapag hindi ka parin nya magustuhan nandito lang ako ah? Hinihintay parin kita"
Sinukbit ko ang bag ko, pauwi narin naman na ako, tinapos ko lang ito
"May mas deserving pa para sayo kesa sakin" inakbayan ko sya saglit bago lumakad palayo sakanya
"Basta hihintayin parin kita" narinig ko pang sigaw nya bago ako nakalabas ng crew room
Masaya akong lumabas ng store namin, nag-sabi pa sakin ang mga kacrew ko ng goodluck
Lahat ng nakakakita sakin napapangiti dahil sa hawak kong bouquet of paper roses
Iniisip siguro nila na sobrang sweet ko
"Iiiiihhhhh sana all ma-effort" rinig ko pang tili ng mga babaeng katabi ko sa jeep
Napangiti nalang ako sakanila kaya lalo silang napatili
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!