Chapter 46

3.2K 198 59
                                    

Jema's

Ingay na galing sa likod bahay ang bumungad sakin pagpasok ko ng bahay

Agad akong nagtungo roon para tignan kung ano bang nangyayari dun

Bungisngis ng mga bata ang naririnig ko at tawa ni Nanay

Napangiti nalang ako habang pinag-mamasdan ang mga anak kong pilit inaagaw ang bola sa Dada nila

Naglalaro na naman sila ng Basketball na bonding nila tuwing off ni Deanna

"Ang daya naman ni Dada eh" reklamo ni Jasper habang tinatalon ang bolang hawak ng Dada tapos iilag nito sakanya

Ganun din ang ginagawa ni Marcus at Peter kaya itataas pa ito ni Deanna sa ulo nya

"Dinadaya mo na naman sila Love" napatingin sila sakin

"Ako pa madaya? Tatlo na nga sila laban sakin" natatawang nyang saad

Sinamantala naman yon ni Marcus at naagaw ang bola sakanya

Sabay takbo sa ring at pinasok ang bola roon

"Yehey!!!!!!" Sigaw ng tatlong bata at nagtatalon pa

"Ang Daya kinakausap pa ako ng Mama nyo eh" reklamo ni Deanna

"Talo ka Dada, upo na po!!!!" Utos ni Marcus dito

Natawa nalang kami ni Nanay nang wala syang nagawa kundi kumamot nalang at umupo sabay yuko para mahakbangan sya ng mga bata

Lusutan pala ang premyo kada shoot kaya naman tuwang tuwa ang mga bata dahil naisa nila si Deanna hahaha

"Amoy betlog ka na nyan Anak" natatawang asar ni Nanay sakanya

"Oo nga po Nay eh, hindi pa naman naliligo ang mga batang ito" tugon nya sabay huli kay Jasper at kiniliti ito

"Hahaha Dada tama na hahaha" tawa ito ng tawa

Pumwesto naman si Marcus sa likod ni Deanna at ito naman ang kiniliti sa leeg nito

Natawa si Deanna at nabitawan si Jasper kaya nakisali na ito sa pagkiliti sa Dada nya sumunod naman si Peter

"Hahaha hahaha tama na hahaha" naglulumpasay na si Deanna habang patuloy sa pagkiliti sakanya ang mga bata na bungisngis lang bungisngis

Natatawa nalang kami ni Nanay sakanila

Masaya akong nakikitang nakakatawa na ulit si Deanna

Sakabila ng pagod na nararamdaman nito ng mga nakaraang araw

At yong mga mabibigat na dala-dala nya na ayaw nitong ishare sakin

Atleast ngayon mukhang nakalimutan nya na muna

Masaya lang na nakikita ko na ulit itong tumatawa

Napapantag na ang loob ko ngayong kahit papano, napagaan na ng mga bata ang loob nya

Kaya kailangan ko narin kumilos para pasayahin ito

Lagi nalang sya ang nagpapasaya samin kaya kailangan ibalik namin sakanya yon

Kahit hindi naman nito hinihiling dahil sapat na sakanya na masaya kami, masaya na sya

"Pasensya na kayo, tumuloy na ako bukas kasi ang pinto kaya pumasok na ako" napalingon kami kay Gio na nagsalita sa tabi ko

"Papa!!!" Sabay na sigaw ng kambal at patakbong lumapit samin at niyakap ang bewang ng Papa nila

"Tara po Pa, laro tayo nila Dada" aya dito ni Jasper

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon