Chapter 17

3.3K 156 99
                                    

Jema's

Matuling lumipas ang mga araw at isang buwan na pala mula nung huling punta ni Deanna sa bahay namin

Nahihiya na ako ulit tanungin sya kay Mafe baka iba na naman isipin nito

Yong mga bata naman todo kulit din sakin para puntahan o papuntahin sa bahay ang tita Deanna nila

Pero lagi ko nalang sinasabi na baka busy lang kaya hindi nakaka-dalaw

Sa totoo lang nag-aalala lang naman talaga ako sakanya

Dahil bigla nalang syang nawala sa buhay namin

Naguguilty baka kasi sobra ko syang nasaktan

Sana lang talaga maka-tagpo na sya ng babaeng mag-mamahal sakanya at mamahalin nya

Yong ibabalik yong importansyang binibigay nya

Yong babaeng matino at walang sabit, hindi ko katulad

Marumi at may dalawang anak

Isa pa hindi ko din alam hanggang kelan kami ni Bea na ganito

Yong tipong hindi ko alam kung kelan nya ko bibitawan?

Lalo pa't mukhang lumalalim na ang relasyon namin

Hindi nalang init ng katawan ang pinag-sasaluhan namin

Pinaparamdam nya sakin na hindi na ako yong babaeng bayaran kinuha nya sa cabaret

At hindi na sya yong boss ko na kailangan kong paligayahin

Pinag-sasaluhan na namin ang mainip na gabi na may pag-mamahal

Mahal na nya ako at hinahayaan ko lang din ang sarili ko na tugunan ang pag-mamahal nya

At masasabi ko na may puang na talaga sya sa puso ko

Dahil narin siguro lagi nya akong sinusurpresa

Naulit pa yong pang-yayari nung Valentines na parang akong princesa?

Sa isang buwan namin malapit ko na ata malibot ang Luzon

Dahil sinasama nya ko sa mga business trip nya

Lahat ng hindi ko nararanasan sa buong buhay ko ngayon ko nakakamit

Sana lang totoo na kaya ako ipag-laban ni Bea kapag nakarating na ito sa pamilya nya

Dahil hindi ko na ata kakayanin ang mawala ang lahat sakin lalo na sya

"Ano iniisip mo babe?" Napangiti ako nang yumukap sya mula sa likuran ko

Nakatanaw lang ako sa malawak na dagat dito sa teresa ng hotel na akupado namin

Nasa baler kasi kami ngayon

"Ikaw, ikaw lang naman ang lagi kong iniisip" sagot ko

Natawa sya "sus gumaganyan ka na ah?"

"Syempre kailangan magpa-impress para madadagan ang sustento hahaha" sinamaan nya ko ng tingin

Humarap ako sakanya at pinisil ang magkabilang pisngi nito

"Joke lang ito naman masyado seryoso"

"Seryoso talaga ako sayo" sabi nyang deretso ang mga matang nakatingin sakin

"Saka kunwari ka pang bayad ko lang habol mo sakin, ramdam ko naman na may puwang narin ako sa puso mo" nakangiti na sya

"Alam mo naman pala eh" natatawa kong sagot

"Thank you ah?" Sumeryoso ulit ang mukha nya

"Para saan naman? Di ba dapat ako may thank you sayo kas...." tinakpan nya ang bibig ko

"Thank you kasi binibigyan mo ako ng chance na mahalin ka at binibigyan mo rin ng chance ang sarili mo na mahalin din ako"

Tinanggal ko ang palad nyang nasa bibig ko

"Hindi ka naman mahirap mahalin" ngumiti kami sa isa't isa

"I love you, Jema" sabi nya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko

"I love you too" namula sya hahaha mukha hindi parin sya makapaniwala na sinasagot ko ang I love you nya

Dati kasi puro tango lang ako at ini-intindi nya lang

Napapikit ako ng dumampi ang labi nya sakin

Awtomatiko kong pinulupot ang mga braso ko sa batok nya

Lalo naman humigpit ang yakap sakin ni Bea

Naramdaman ko nalang nakataas na ako sa ere buhat na ko ni Bea

At unti-unting naglalakad papasok sa kwarto namin

Malambot na kama ang sunod kong naramdaman

Nakahiga na ako dito at nakadagan na sakin si Bea

"Sobrang ganda at sexy mo Jema, sakin ka lang" tumango ako at muli kong pinag-takbo ang labi namin

-----

Deanna's

"Hi!" Napa-angat ang mukha ko sa babaeng bumati sakin

Matipid ko syang nginitian

"Kamusta? Tagal mo nag-bakasyon ah?" Nag-leave kasi ako ng two weeks ata?

Hindi ko din alam dahil hindi ko rin naman na-enjoy ang leave ko

Nasa bahay lang naman ako at nilulunod ang sarili ko sa lungkot

Para naman mas mabilis ako makawala sa sakit na nararamdaman ko

"Ok naman ako, kayo? Yong mga bata? Ayos lang ba sila?" Sya kamusta?

Umupo si Mafe sa katapat na upuan ko

"Ok lang sila, hinahanap ka madalas pero sabi ko busy ka, kaya ayon hindi na sila nangungulit" sagot nya

"Dadalawin ko rin sila, kapag may free time ako. Miss ko narin naman sila eh"

"Sila lang ba talaga namimiss mo?" Sabi nya tila nang-aasar pa

"Oo naman,  si nanay pala, saka ikaw syempre hahaha may iba pa ba?" Napailing naman sya

"Halatang halata na, wag ng ideny"

"Alam mo na?" Tumango sya

"Nasabi na sakin ni ate, bilib talaga ako sayo, grabe ka pala mag-mahal no?"

"Wala eh, tinamaan ako sa ate mo eh" napangiti ako ng mapait

"Sorry ah?" Napatingin ako sakanya ng deretso

"Sobrang kumplikado kasi ng sitwasyon ni ate eh, oo mahal mo sya at yong mga bata pero mahirap naman kasi ipilit yong sarili sa alam mo na? Di ba?" Tumango ako

"Alam ko naman yon" malungkot na saad ko

"Hayaan mo na yong ate ko, may mas deserving pa sayo" tinapik-tapik pa nya ang balikat ko

"Pero hindi ako yon ah?" Natawa ako, tinignan ko kasi sya ng deretso na parang bang sinasabi na sya ba yon?

"Akala ko ba crush mo ako?"

"Ang kapal ng mukha mo ah? Ayoko nga maging rebound at panakip butas mo at ate ko pa gusto mong kalimutan sa pamamagitan ko? No way" natawa na ko ng malakas

Ngumiti na sya sakin " ayan bagay talaga sayo yong tumatawa"

"Salamat Mafe" sincere kong saad sakanya

"Pero malay mo si ma'am Carly talaga ang para sayo" sabay nguso nito kay Carly

Na busy sa pag-aasikaso ng mga customer mamin

"Willing naman syang maging panakip butas mo" natawa sya ng mahina

"Baliw" nailing nalang ako

"Teka nga, alis na ako baka makita na naman nya ko at pag-bintangan nilalandi na naman kita hahaha" sabi nya sabay tayo

"Kaya mo yan ah?" Sabi nya bago tuluyang umalis sa harap ko

Napatango nalang ako

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon