Jema's
Tawa ng tawa ang mga bata habang pilit na hinahabol ang score ng Dada nila sa basketball dito sa arcade
Si Deanna nakafucos sa pagshoot pero hindi naman nawawala ang ngiti nito sa labi nya
Natutuwa akong pagmasdan yong mga taong mahal at mahahalaga sakin ay masayang naglalaro ngayon
Namiss ko yang tawanan nila na madalas sa likod bahay lang nila Deanna mo maririnig
Dahil nga mas pinipili nalang namin pagpahingahin ito kapag off nya kesa mamasyal
Kaya sa bahay nalang sila naglalaro kaya sobrang saya ko talaga ngayon
Dahil nakikita ko kung gaano din sila kasaya ngayon
"Ang daya naman ni Dada eh" reklamo ni Marcus nung maubos ang time nila pero si Deanna continue parin ang time nito
"Sige Dada ganyan nga" talon naman ni Jasper
Halos wala na atang namimiss si Deanna na bola pero sana ako namiss nya charrr hahaha
Napagsaklob ko ang mga palad ko nung nasa last level na si Deanna
Sabay nadin nagtatalon at nagchecheer ang kambal sakanya
Parang naeexcite din ako na matatapos nito ang lahat ng level at makaka-high score ito
Kaya lang tatlong bola na ang miss nito bago natapos ang time nya
Pero napayakap kami ng mga bata sakanya dahil nakahigh score parin ito
Sabay-sabay pa kaming nagtatalon sa tuwa na hindi parin nakakalas ang pagkakayakap namin
Napahinto kami at napatingin sa mga mata ng isa't isa
Ngumiti sya dahilan para kumabog ng mabilis ang dibdib ko
Jusko nahulog ata ang puso ko wag ka naman ganyan Baby!!!
Sobrang lapit ata ng mukha nito sakin
Naririnig ko na rin ang mga pigil nitong paghinga
At tulad ko kumakabog din ng mabilis ang dibdib nya
Sabay pa kaming napalunok nung sabay din kaming napatingin sa mga labi namin
Mas nilapit nito ang mukha nya sakin, napapikit at napakapit nalang ako ng mahigpit sa balikat nito
"Ehem" napitlag kami at agad na kumalas sa pagkakayakap namin
"Tapos na po ba kayo? Pwede kami naman po maglaro?" Nakataas yong kilay nung babae
Parang gusto ko atang dukutin ang mga mata nitong nanglalaki pa habang nakatingin samin
"Ah sige po, pasesnya na ah?" Saad ni Deanna at umatras ng kunti para makadaan yong babae at yong kasama nitong lalaki
"Dada, yong ticket mo!" Saad ni Marcus at tinuro ang mga ticket na panalo ni Deanna na nagkalat na sa sahig dahil sa sobrang dami
Agad nag-excuse si Deanna dun sa nag-istorbo ng moment namin kanina
Para kunin yong mga ticket nitong lulamabas sa machine ng basketball
Haysss sayang naman yong pagkakataon
Nahalikan ko na sana ulit sya kung walang lang epal charrrr hahaha
Buset ang tagal-tagal ko ng hinihintay at pinanabikan yon eh
Di bali may next pa naman hahaha charot lang
Pumunta si Deanna sa cashier para ipapalit yong ticket nya
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!