Jema's
"Bakit kailangan mo pang sabihin sa harap nila yon? Lalo na sa harap ng mga bata?" Sabi ko kay Bea habang nag-dadrive ito patungo sa condo nya
"Mga anak mo lang ba talaga ina-alala mo o yong babaeng nag-dadrama kanina?" Nakangisi nyang tanong sakin
Umiwas ako ng tingin at sa labas ng bintana ko nalang dinako ang paningin ko
Sobra akong na-awa kay Deanna kitang kita ko ang kirot sa mga mata nya
Bakit ba kasi kailangan nyang ipakita ang kahinaan nya sa amin?
Pilitin man nyang sabihin iba ang dahilan ng pag-iyak nya alam ko naman dahil yon sakin
Ganun ba talaga sya? Hindi nag-tatago ng nararamdaman?
Kapag masaya sya kitang kita mo ang kinang sa mga mata nya
Kapag nag-aalala sya sakin kitang kita ko ang simpatya nya sa mga mata nya
Kitang kita ko kung gaano nya ako kamahal
Kaya ganun lang siguro ang sakit ng napadama ko sakanya ngayon
Bumuntong hininga ako
Bakit ba kasi ako pa? Hindi naman ako deserving sakanya
Mas maraming matinong babaeng handa mag-mahal sakanya
Patunay na dyan si Mafe, tama mas bagay sila ni Mafe
"Gusto mo rin ba sya?" Napalingon ako kay Bea
"Mabait sya, mahal na mahal nya mga anak ko" sagot ko
"Kitang kita ko nga na mahal na mahal din sya ng mga anak mo" matabang na saad nito
"Pero hindi mo sinagot ang tanong ko kung gusto mo nga ba sya?"
"Hindi ko alam" napatingin sakin si Bea blanko lang ang expression nya
"Gusto mo sya" nagulat naman ako sa sinabi nya
"Kasi kung hindi mo sya gusto ang isasagot mo lang ay hindi di ba? Pero nag-aalinlangan ka kaya sigurado akong gusto mo sya natatakot ka lang dahil bago yan sa nararamdaman mo"
"Hindi ako nararapat para sakanya, masyado syang mabait para lang sa katulad ko"
"Tama dahil para sakin ka lang" may-diin saad ni Bea
"Gusto mo malaman kung bakit sinabi kong GF kita? Sa harap nila? Lalo na sa harap ng babaeng yon?" Napatingin ako ng deretso sakanya
"Kasi threatened ako" napangisi sya
"Mayaman ako, kaya ko bilin lahat ng gustuhin ko, mapatao, bagay, kahit na ano pa yan kaya ko makuha sa pamamagitan ng pera ko"
"Pero ang babaeng yon, ang lakas ng charm nya, kitang kita ko ang closeness ng buong pamilya mo sakanya"
Tumingin sya sakin
"Kaya natatakot akong tulayan ka ring mahulog sakanya" ngumiti sya ng mapait
"Kaya inangkin ko lang kung ano ang sakin"
Napalunok ako tila natatakot na ako sa tono ng pag-sasalita nya
"Pero bakit ako?" Siguro naman maraming nag-kakagusto sakanyang matinong babae
Maganda sya at higit sa lahat mayaman kaya imposibleng walang nagkaka-interest sakanya
"Dahil sigurado akong hindi ka mag-hahabol sa oras na bitawan kita" sagot nya
"Ayoko kumuha ng batong ipupukpok sa ulo ko, ayoko malaman ng family ko na ganto ako. Mawawala lahat ng bagay na ini-enjoy ko"
"Kahit pa sabihin natin na may bar at club na ako, hindi yon sasapat sa lahat ng pangangailangan ko"

BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!