Jema's
Mabagal akong naglalakad sa kalsada pero hindi parin ako nakakalayo sa building ng condo ni Bea
Halos hindi ko rin mahakbang ang mga binti at hita ko
Sobra talaga akong nanghihina lalo pa masakit talaga ang parti ng pagkababae ko
Napahawak ako sa isang waiting shed tila nanginginig na naman ang mga tuhod ko
"Jessica, please pumayag ka ng ihatid kita" hindi ko sya pinansin at lumakad nalang ulit palayo sakanya
Kanina parin nya ako sinusundan at kinukulit na ihahatid nya na ako
Natawa din ako sa sarili ko kanina kasi kahit sobrang nanghihina ako nasampal ko sya ng ubod ng lakas
Kaya siguro naubos na talaga ang lakas ko ngayon
Nangatog bigla ang tuhod ko hinayaan ko lang ito at hinintay ko nalang bumagsak ako sa simento ng kalsada
Napapikit ako, pero imbis na matigas na lapag ang maramdaman ko
Tila ba may bumuhat sakin at inupo ako sa waiting shed
"Ang tigas parin ng ulo mo hanggang ngayon Jessica" asik ni Gio sakin
Tiningala ko sya at tinignan ng masama
"Kapal ng mukha mo!" Yon lang ang tangi na-iisip at tanging lumabas sa bibig ko
Bigla din nag-unahan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko
Lumuhod sya sa harapan ko at pilit na inaabot ang mga pisngi ko pero iniiwas ko sakanya
Huminga sya ng malalim bago nag-salita
"Alam ko marami akong nagawang kasalanan sayo Jessica, pero please pakinggan mo naman ako"
"Para saan pa Gio?" Napalakas ang boses ko
Napakarami kong gustong sabihin sakanya
Napakarami kong gustong isumbat sakanya
Pero wala akong lakas ngayon para makipagtalo dito
"Jessica pleas....."
"Tama na Gio" putol ko sa sasabihin nya
"Wala na akong paki-alam sa lahat ng dahilan mo!!! Please hayaan mo nalang ako, umalis ka na!!!!" Sinigawan ko sya
Hindi na sya sumagot at tumayo nalang
Pinunasan ko ang mga luha ko at tatayo na sana nang may tumawag sa pangalan ko
"Jema" muling nag-unahan ang mga luha kong katutuyo ko pa lamang
"Deanna" mahinang sambit ko sa pangalan nya
Agad syang tumakbo palapit sakin, lumuhod sya para pantayan ako
Mabilis ko syang niyakap, lumakas din ang pagtangis ko sa balikat nya
"Shhhhhh tahan na nandito na ako" lalo naman humigpit ang yakap ko sakanya
Pakiramdam ko ligtas ako sa mga bisig ni Deanna
Lahat ng takot at pangamba ko kanina nawala na, ngayong kayakap ko na sya
Hinayaan nya lang akong umiyak habang hinahaplos niya ang likuran at buhok ko
"Pasensya ka na Deans, wala na akong alam na kakilala ni Jessica bukod sayo" sabi ni Gio
Teka magkakilala sila?
"Ok lang po sir Gio, buti nga po ako ang tinawagan nyo. Salamat po sa pagbabantay sakanya" sagot ni Deanna
Kung ganun magkakilala nga sila
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!
