Chapter 31

3.5K 159 24
                                    

Deanna's

"Gabo!!!" Kinawayan ko sya

Agad naman syang lumapit samin

"Anong satin Deans? Eextra ka ulit? Tamang tama kulang kami sa tao ngayon" masigla nyang saad sakin

"Ayon sakto, pero hindi ako ang papasok si Jema sana" napatingin naman sya sa katabi kong babae

Matipid na ngumiti si Jema sakanya

"Hi miss carousel ni Deanna" matamis na ngumiti si Gabo sakanya

"Hello" nahihiyang tugon ni Jema

Natawa kami ni Gabo sakanya kaya napalo nya ako hahaha

"Ano bro, mapapasok mo ba si Jema?" Tanong ko kay Gabo

"Kailangan namin ng isang tao ngayon kaya mapapasok ko sya pero sa mga susunod na araw hindi ko pa alam. Pero kilala mo ako, kaya ko yan gawan ng paraan" napangiti kami ni Jema pagkasabi nya nun

"Kaya lang bro" lumapit sya sakin

"Kaya ba nya ang trabaho dito?" Bulong nya sakin

"Subukan mo muna, hindi natin malalaman kung hindi mo itatry" bulong ko rin

Tumango naman sya at ngumiting bumaling kay Jema

"Dish washer ang kailangan namin ngayon, ok lang bang magasgasan ang maganda mong kamay?" Tanong ni Gabo sakanya

Napatingin sakin si Jema tila ba nag-aalangan ito

Hindi ba sya naghuhugas ng plato sakanila?

"Kaya mo yan" at ngitian ko sya

Tumango naman sya samin

"Ayon! Don't worry ako bahala sayo tutulungan naman kita, galingan mo ah? Para maulit pa talaga ang pag-extra mo dito malay mo maging regular ka ng hindi mo namamalayan di ba? Basta tyaga lang" saad ni Gabo

Tinapik ko ang balikat nya kaya napalingon sya sakin

"Ikaw na bahala sakanya ah? Kailangan ko narin umalis may duty pa ako eh" paalam ko at tinignan ang relo ko

"Ako pa ba? Hahaha, sige punta na ako dun ,sama ko na sya sa listahan" saad nito sakin

"Sunod ka nalang miss carousel" baling naman nya kay Jema bago bumalik sa loob ng store nila

Hinarap naman namin ni Jema ang isa't isa

"So paano break a leg?" Natawa kami pareho

"Galingan mo ah?" Sabay hawak sa ulo nya, ilang beses naman syang tumango

"Thank you ah?" Saad nya at hinawakan ang kamay ko

"Wala pa nga nag-papasalamat ka agad, gawin mo lang ang best mo. Saka hindi ka naman pababayaan ni Gabo mabait yan" tumango naman sya

"Oh sige na, kailangan ko na talagang umalis" humigpit ang pagkakahawak nya sakin

Siguro kinakabahan talaga to at hindi talaga sanay sa gantong trabaho

Pero heto lang talaga ang pwede sakanya o pangangatulong

Dahil hindi naman sya nakatapos ng high school

Kung high school grad lang sya kaya ko syang gawan ng paraan maipasok sa fast food na pinapasukan ko

Kahit na SH grad at college level ang tinatanggap dun

Kaya lang sa kaso ni Jema mahihirapan talaga akong ipasok sya

Pero may isang paraan na ayaw ko naman gawin

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon