Deanna's
Hindi parin ako makapaniwala na si Jema ang Ina ng kambal
Hindi ako makapaniwala na si Jema at si Jessica na kapatid ni Mafe ay iisa nga
Sobra talaga akong nashock nung lumabas sya ng kwarto nila at nakita ko sya
Hindi na din sana ako sasama sa kanila nung sinabi ni Mafe, na yong ate na daw nya ang sasama sa mga bata dahil may biglaang exam sya
Pero gustong gusto parin akong pasamahin ng kambal kaya wala na akong nagawa kundi umuo nalang
Kahit pa nahihiya ako sa mama nila dahil hindi ko naman ito kilala ay pumayag nalang ako
Lalo naman akong nag-dalawang isip ng makita ko na nga ang Mama nila at si Jema nga ito
Hindi ko maintindihan nararamdaman ko
Masaya at takot ang nag-hahalo sa damdamin ko ngayon
Masaya kasi nakita ko na naman sya at ito pala talaga ang Ina ng kambal
Siya pala ang nanay ng magkapatid na sobra ng napamahal sakin
Takot kasi alam kong magagalit na naman sya sakin
Baka isipin nyang ginagamit ko ang mga anak nya para lang makalapit ako sakanya
Pero deep inside sobrang thankful ako kay Mafe at sa mga bata ng makilala at mapalapit ako sakanila
Kasi baka this time may chance na ako kay Jema or kay Jessica
Kung makikita nyang sobrang sincere ako sakanya
Sa pamamagitan ng pag-mamahal ko sa mga anak nya
Buti nalang talaga hiningi ko kay Mafe ang address nila at ako na mismo ang pumunta sa bahay nila
Kasi kung hindi ako pumunta at biglaan nagcancel sya ng lakad namin
Hindi ko na nalaman ang totoo at hindi ko na sana nakita ulit si Jema
"Tita Dina, ok ka lang?" Untag sakin ni Marcus hawak din ng maliit nyang kamay ang hintuturo ko
"Oo may iniisip lang" sagot ko sakanya
"Tita, carousel na sasakyan natin? Pagbaba natin dito?" Tanong ni Jasper na katabi ni Jema
Magkaharap kami ngayong apat sa loob ng isang box ng Ferris Wheel
Nakatanaw lang sa labas si Jema tila ba malalim ang iniisip nito
"Favorite nyo talaga ang carousel no?" Tumango naman sila
"Gusto din ni Mama sumakay dun tita, sa malaking carousel" sabi ni Jasper
Napangiti ako mag-iina nga sila dahil yon talaga ang hilig nilang rides
Tumingin narin sakin si Jema sa wakas nginitian ko sya
Pero tinaasan nya lang ako ng kilay hahaha ang sungit talaga
"Tita, Mama, tignan nyo oh? Ang ganda!" Sigaw ni Marcus at tinuturo ang City Lights
Napatingin kaming lahat dun at napangiti
Naramdaman ko ang pagyakap ni Marcus sakin
Tumingin naman ako sa gawi ni Jema at ganun din sa Jasper sakanya, naka-akap din ito sa mama nya
Lalo naman lumuwag ang pag-kakangiti ko nang makita ko ang saya sa mukha ni Jema
Yong hinahanap kong saya sa mata nya nung nakasakay sya sa carousel noon
Nakikita ko na ulit sa mga mata nya ngayon
Yong kinang at kislap nun bakas na bakas sa itsura nito
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!