Chapter 23

3.4K 179 112
                                    

Deanna's

"Deans may naghahanap sayong babae sa labas, may dalang mga bata" sabi ni Edward pagpasok nya ng crew room namin

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking mga labi

Baka si Jema yon, kasama ang mga bata halos linggo nadin nakakalipas simula nung huli ko silang nakita

Nagmamadali akong lumabas ng crew room at hinahanap sila Jema

May 20 minutes pa naman akong break extend ko nalang gagamitin ko nalang yong 15 minutes kong break

Nilibot ko ang buong dining ng store pero wala akong nakitang Jema o kahit ang kambal wala din

Napakamot ako sa kilay ko

Pinag-tripan ata ako ni Edward, langya talagang lalaki iyon

"Deans" mabilis kong nilingon ang babaeng tumawag sakin mula sa likuran ko

"Kat? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at nilapitan sya

May dala syang batang lalaki mukhang 3 years palang ito at syempre si Giselle na nakakapit sa bewang ng mama nya

"Kakaen hahaha, akala mo ba ikaw pinunta ko dito ah?" Natawa naman ako

"Sabi kasi ng katrabaho ko may nag-hahanap daw sakin na babae may dalang bata kaya akala ko hinahanap mo ako"

"Kapal mo uyyy, kararating lang kaya namin, hindi ko nga alam na dito ka nag-tatrabaho no?" Napakamot nalang ako sa ulo

Napahiya pa ako dun ah?

"Hahaha sorry naman, sige pila ka na dun ako na bahala sa mga anak mo" sabay kuha ko ng anak nya sakanya

Tinignan naman ako nito tila ba kinikilala ako

"Hi! Ako si tita Deanna mo, ex ako ni mama mo hahaha" inunahan ko na si Kat

"Hahaha loko, ikaw na mag-asikaso sakin sige na, para mabilis" umiling ako

"Break ko pa eh, hindi ako pwede mangi-alam dyan" inismiran naman nya ko

Wala na syang nagawa kundi pumila at inaya ko naman si Giselle sa bakanting upuan sa may gilid ng store

---

Jema's

"Tara na Mama, puntahan na natin si tita Deanna ay Dada pala. Ayan na sya oh?" Turo ni Marcus kay Deanna

Habang masayang nakikipag-kwentuhan sa isang babae

Naka-upo sila sa sulok ng store, may katabi itong batang babae tapos katabi naman ng babae kausap nya yong batang lalaki

Mag-kaharap sila ng upuan

Pumunta kami dito kasi namiss daw sya ng mga bata

Sabi din kasi ni Nanay pumunta daw sya sa bahay nung off nito

Kaya lang nasa carnival kami ng mga bata kasama si Bea

Kaya kami nalang ang pumunta ngayon sakanya

Pinatawag ko sya dun sa kacrew nya kanina sabi kasi nun break daw nya at nasa crew room lang

Habang nag-hihintay kami sakanya

Biglang naiihi daw ang kambal kaya nag-hanap muna kami ng cr kasi nililinis yong cr ng store nila Deanna

Pero heto nga pagbalik namin may iba na syang kausap

At mukhang masaya naman sya

Napa-ismid nalang ako

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon