Chapter 47

3.1K 172 57
                                    

Jema's

"Uyyy Galanza, asawa mo naghihintay na sa labas" napatingin ako sa kaklase kong sumilip sa pinto mula sa labas ng classroom namin

Napangiti ako at inayos na ang mga gamit ko

Maaga atang umuwi si Deanna ngayon at sinundo pa ako

"Una na ako sainyo ah?" Paalam ko sa mga kaklase ko at nagmamadaling lumabas ng silid aralan namin

Agad kong nilinga-nga ang paningin ko para hanapin si Deanna

"Ako ba hinahanap mo?" Napakunot ang noo ko kay Gio

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko dito

"Ang pogi naman ng Asawa mo Galanza" saad ni Camille isa sa classmate ko

Ngumiti naman si Gio sakanya

"Hindi ko yan asawa" saad ko at lumakad palayo sa mga ito

"Wait Jessica" pigil nito sa braso ko

"Ano???" Iritado kong tanong dito

"I just wanted to see you" tugon nito na agad ko naman itong tinignan ng masama

"Sorry na, alam kong mali pero Jessica gusto ko lang mabuo ang pamilya natin at alam ko yon din ang gusto ng mga bata" saad nitong muli

"At sino ka para sabihin kung ano ang gusto ng mga bata? Kilala mo ba sila? Nakasama mo ba sila ng matagal? Para masabi mong kung ano ang gusto nila ah?" Lumakas ang boses ko halos pasigaw na ata yon

"Sino bang mga bata ang hindi gugustuhin na magkaroon sila ng buong pamilya diba? Yong normal na pamilya Jessica" tila nagpanting ata ang tenga ko dun

"Normal ang pamilya namin Gio, normal ang pamilya namin sa paningin ng mga taong hindi mapanghusgang katulad mo" dinuro ko ito

"Maayos naman kami noon Gio eh, pero nagulo lang ng dumating ka kaya please wag na wag ka ng magpapakita sakin, kahit pa sa mga Bata. Pinuputol ko na ang ugnayan mo sa mga anak ko" at tinalikuran na ito

"Lalaban ako Jessica" napalingon ulit ako dito

"Kung hindi ko kayo makukuha sa maayos na usapan, dadaanin ko ito sa legal. Mag-fifile ako ng custody ng mga bata, gusto mo pa ba umabot to sa husgado Jessica? Tingin mo ba may laban ka lalo na kung babae ang partner mo?"

Natigilan ako wala akong alam sa batas kaya hindi ko maintindihan ang sinasabi nya

Anong ibig sabihin nitong na wala akong laban dahil babae ang partner ko?

"Ganyan ka ba talaga sir Gio?" Napatingin kami kay Deanna

Lumapit ito sakin na, napahawak agad ako sa kamay nito

"Gusto mo talagang ma-stress ang mga bata sa gagawin mong iyan? Tinatanong mo si Jessica kung gusto nitong umabot ito sa husgado? Ikaw gusto mo ba talagang ipaabot pa ito doon para lang mai-stress lang ang mga bata?" Tiim bagang na saad muli ni Deanna

"Wala akong choice Deans, gus....-"

"May choice ka sir" putol ni Deanna dito

"Ang makihati samin pero ginagawa mong kumplekado ang lahat" nag-iwas ng tingin si Gio

"Lumaban ka naman ng patas sir, wala kaming laban sayo eh. Lahat ng batas pabor sainyo, paano naman kami?"

"Masyado mong pinamumukha samin, napaka-liit namin kumpara sayo eh" humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay nito

"Gusto mo magustuhan ka ulit ni Jessica, pero sa ginagawa mo tingin mo magugustuhan ka nya ulit?" Ngumisi si Gio

"Gusto ko mabuo ang pamilya ko Deanna, wala na akong paki-alam kung gusto pa ako ni Jessica o hindi. Sa una lang yan alam ko babalik din ang pagtingin nya sakin, oras na magsama-sama kami bilang isang pamilya"

Si Deanna naman ang ngumisi ngayon " sige sir, gusto mo ng legal na proseso? 6 years old palang sila, hindi pa sila pwede mamili. Kaya automatic sa Ina ang custody ng mga bata"

"Pero alam mo rin hindi kayo papanigan ng husgado dahil parehas kayong babae. Alam mo ang proseso Deanna, alam mong sa tingin ng lahat imoral ang klase ng relasyon nyo. Kaya sakin mapupunta ang mga bata dahil hindi naman nila papayagan lumaki ito sa abnormal na mundo na maibibigay nyo diba? Alam mo yan" napalunok ako, totoo ba yon?

Napatingin sakin si Gio " mukhang nalilito na si Jessica, Deanna" nakangisi nitong saad

"Handa akong iwan si Jessica" napatingin ako kay Deanna

"Mas gugustuhin kong iwan sila, kesa mapunta sila sa katulad mo."

"Deans" mahinang sambit ko sa pangalan nito

"Gusto mo ng legal na proseso? Sige lalabanan ka namin sa legal na sinasabi mo. Magkita nalang tayo sa korte sir" at hinila na ako nito palayo kay Gio

---

Hindi kami nag-uusap hanggang maka-uwi kami sa bahay

Napapa-isip parin ako sa sinabi ni Gio hayop talaga ang lalaking iyon

Hindi parin talaga ito nagbabago napaka-selfish talaga nya

"Ma, pakitawagan si Attorney, yong dating abugado ni Papa" bungad ni Deanna pagpasok namin sa bahay

"Bakit? Sino may kaso" tanong agad ni Mama

"Nasaan muna ang mga bata Ma?" Tanong din nito

"Nasa likod bahay nag-lalaro" sagot naman ni Mama

Napahinga ng maluwag si Deanna bago nag-salita "kailangan ng abugado ni Jessica Ma, gusto ni sir Gio kunin ang mga bata at fifile daw sya ng custody sa husgado"

"Ano???" Sabay na sigaw ni Nanay at Mama

"Wag kayong sumigaw baka marinig kayo ng mga bata" saway ni Deanna sakanila

"Kapal talaga ng mukha ng lalaking iyan" nanggigil na saad ni Nanay

"Kung lalaban kayo para sa custody, eh talo na kayo" sabi naman ni Mama

"Po?" Takang tanong ko

"Hindi pag-kakatiwala ng husgado ang mga bata sainyo dahil parehas kayong babae" parang sinabi na ni Gio kanina yon ah?

Natimik kaming lahat parang wala ng gustong magsalita

"Dalawa lang pag-pipilian mo Jessica" napatingin kami kay Deanna

"Ang pumayag sa kagustuhan ni sir Gio o labanan sya at iwan ako para mapunta sayo ang custody ng mga bata" kitang kita ko ang kirot sa mga mata nito

Parehas kasi syang talo roon, kahit anong piliin ko sya parin ang talo

Nakaka-inis naman meron pa bang ibang paraan?

Kapag pinili ko sya mawawala sakin ang mga anak ko

Mapupunta lang sila sa walang kwentang lalaking iyon

Hindi ko naman ata kakayanin yon

Napahawak ako sa noo ko, nahihirapan at nalilito na ako

"Susuportahan kita kahit anong mapili mo" ngumiti ito ng mapait

Agad ko syang niyakap, hindi ko rin kakayanin mawala sakin ang babaeng ito

"Dun tayo sa 2nd option" napatingin kami kay Mama

"Kailangan nyo muna mag-hiwalay panandalian. Dun muna kayo kay Emmy habang dinidinig ang kaso, mas malaki ang chance na sayo ibigay ang mga bata dahil ikaw ang Ina at kung sakaling papiliin sila tyak naman ikaw ang pipiliin nila" saad nitong muli

Humigpit ang yakap ko kay Deanna

"Lumaban tayo anak, ayoko mapunta ang mga apo sa lalaking iyon. Walanghiya sya" inis na usal ni Nanay

Napapikit ako habang nakahilig sa balikat ni Deanna, naalala ko pa yong sinabi nito kanina

"Mas gugustuhin kong iwan sila, kesa mapunta sila sa katulad mo."

Grabe talaga magmahal ang babaeng ito mas gugustuhin nyang masaktan wag lang kami mapahamak at mapunta sa maling tao

Nakakainis!!! Kailan ba matatapos ang sakripisyo ng babaeng ito?

Buset ka talaga Gio!!!

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon