Jema's
Ilang segundo pa ang lumipas nakatingin lang kami sa isa't isa
Nagulat nalang ako nang abutin ng palad nito ang pisngi ko
Lumuluha na pala ako ng hindi ko namamalayan
Puno ng pag-aalala ang mga mata nitong nakatitig sakin
"Bakit ka umiiyak?" Malambing na tanong nito
Umiling ako at hinawakan ang mga kamay nitong nasa pisngi ko
"Masaya lang akong nakita kitang muli, hindi lang ako makapaniwalang nasa harapan na kita" ngumiti ito
"Masaya din akong makita ka, kamusta? Yong kambal? Si sir Gio? Kamusta kayo?"
Hindi ako makasagot sa tanong nya, alam nya kami parin ni Gio
I mean alam nya naging kami talaga ni Gio
Oo nagsama kami sa iisang bubong para sa mga bata
Pero hindi talaga kami, pinilit nya ako pero sinabi ko pag-iisipan ko
Hindi ko kayang ibigay ang sarili ko dito at tanging ang mga bata lang ang dahilan kung bakit kami nasa puder nya
Niligawan nya ko ulit pero hanggang makatakas kami sakanya ng mga bata hindi naging kami
At mukhang hindi yon alam ng babaeng ito
Siguro wala syang balita samin kasi nakablock nga pala sya sa fb ko
"Ok lang sila Jasper, grade 2 nadin sila at laging ka nilang hinahanap. Sobrang namimiss kana nila" sagot ko
"Namimiss ko na rin sila" ako ba hindi mo namiss?
Sabagay meron kana palang iba paano mo ako maaalala diba?
Tinuyo nito ang mga luha ko bago pakawalan ang pisngi ko
"Kung papayag si sir Gio, gusto ko sana makita yong mga bata. Di naman siguro kayo lumipat no? Sana madalaw ko sila, kung ok lang sana"
"Ano kasi Deans, hindi na kami dun nakatira......."
"Lumipat na kayo? Saan?" Putol agad nito sakin
Magsasalita na sana ako kaya lang may biglang tumawag dito mula sa likuran nya
"Babe" lumingon si Deanna kay Carly
"Let's go, magpakita lang muna tayo dun para maka-uwi narin tayo agad" matabang nitong saad
"Wait lang babe" saad ni Deanna at bumaling ito sakin
"Jessica, una na ako? Sana madalaw ko yong mga bata, sige ah? See you around!" Ngumiti ito ng tipid sakin
Agad nyang kinuha ang palad ni Carly pag-lapit nito sakanya
Bigla atang sumikip ang dibdib ko parang may gusto ulit kumawala sa mga mata ko
Kakatuyo lang ni Deanna ng luha ko pero heto basa na naman ang pisngi ko
Dapat ako yon, dapat ako yong kasama nito ngayon
Pero hindi kasi ang tanga ko, kasi pinakawalan ko yong kaisa isang taong nagmahal sakin ng totoo
Yong taong nagparamdam sakin kung paano respetuhin at pahalagahan ang sarili ko
Ang sakit lang na nakikita ko na sya ngayon masaya kasama ng iba
Napatingin ako kay Jasmine habang inaabot nito sakin ang panyo nito
"Iiyak mo lang yan, gagaan din yan kung ano man iyang nararamdaman mo ngayon"
Agad kong kinuha ang panyo nito at tinakip sa mukha ko
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!
