Jema's
Hindi ako makapaniwala sinagot ko na ang pag-ibig ng babaeng ito
Hawak kamay kaming naglalakad pauwi sakanila
Yong tipong sobrang dilim na ng paligid at mukhang delikado pa
Dahil parang kaming lang ata dalawa ang naglalakad dito sa subdivusion patungong bahay nila
Sobrang lumalalim na yong gabi
Pero mas pinipili namin ienjoy yong moment na magkasama kami
Kesa bilisan para makauwi na dahil pagod narin kami sa trabaho
Pero simula kaninang naging kami na nga para bang lahat ng pagod at sakit ng katawan namin
Napawi ng halik at yakap namin sa isa't isa
Tapos ngayon para kaming timang na ngingiti lang kapag nagtitinginan
Pakiramdam ko high school ulit ako na unang nagkacrush at nakatuluyan yong crush nya
Gantong ganto yong pakiramdam ko nung naging kami ni Gio noon
Teka teka erase erase
Bakit ko ba iniisip yong lalaking yon?
Walang wala sya kay Deanna, may paninindigan ang babaeng ito
Sya wala kaya hindi ko dapat sya kinukumpara sa babaeng mahal ko ngayon
"Kapag nakuha ko na yong listahan ng mga crew na pwede na mag-loan sa SSS at pag-ibig, maglo-loan agad tayo ng bahay. Kasi alam ko kasama na ko sa pwede mag-loan ngayon kaya bahay agad ang kukunin natin" napahinto ako sa pag-lalakad
Huminto rin sya at hinarap ako
"Gamitin mo nalang yon sa pag-aaral mo" mahinang saad ko sakanya
"Makakapag-hintay naman ang pag-aaral Jema, kahit anong oras at kahit anong panahon makakabalik ako. Pero ngayon alam ko mas kailangan nyo ng bahay, kasi kami meron na kaming sarili kaya hindi na namin yon kakailanganin" ngumiti sya
Umiling ako " baka lalo lang akong ayawan ng Mama mo, dahil baka isipin nya inaabuso kita"
"Wag mo nga isipin yong sasabihin ng iba, kahit si Mama pa. Gusto ko tong gawin kasi masaya ako, masaya akong nakikita kayong masaya ng mga bata. Yon nalang isipin mo please?"
Tinignan ko sya ng deretso sa mga mata nya
Ano bang nagawa ko at binigyan ako ng isang napakabait na babaeng nag-mamahal sakin at minamahal ko na ngayon?
"Bat ganyan ka?" Naiiyak na saad ko dito
"Hindi ako mabait Jema, mahal lang kita kaya ko to ginagawa" agad ko syang niyakap
"Mahal na mahal na mahal din kita" niyakap nya ko pabalik
"Hindi lang pagmamahal mo kailangan kong bayad" natatawa nyang saad sakin
Kumalas naman ako sa pagkakayakap sakanya
Tinaasan ko sya ng kilay " alam mo naman wala akong pambaya......" nahinto ang sasabihin ko nang halikan nya ang labi ko
"Sapat na sakin ang halik na yan" sabay kindat sakin
Pinang-ningkitan ko naman sya ng tingin at kumagat labi sa harapan nya
Kitang kita ko kung paano sya lumunok
Lumapit ako sakanya at pinalibot ang mga braso ko sa bewang nito
"Sabi mo kapag minahal na kita ipapatikim mo na sakin si Manang?" Natawa kami pareho pagkasabi ko nun
"Sino ba kasing nag-sabi sayo na Manang ako?"
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfic"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!