Jema's
Hindi na bago sakin ang mga matang nakatingin sakin ngayon. Habang gumigiling ako sa gitna ng intabladong ito. Puros pagnanasa ang makikita mo sa mga mata nila. Lahat sila, tila ba, hinuhubaran na ako sakanilang isipan. Kahit pa, halos wala na akong saplot sa katawan sa harapan nila.
"Hubarin mo na 'yan!!!" Sigaw ng isang lalaking tumalsik pa ang laway sa pagsigaw nito. Tumayo ito sa pagkakaupo, habang walang sawang sinisigaw ang mga katagang iyon. Umalingaw ngaw ang ingay sa apat na sulok ng entablado. Wala ka ng ibang maririnig kundi puros malalaswang katagang namumutawi sa mga kalalakihang nasa loob ng gusaling ito. Binabastos na nila ako sa mga salitang ginagamit nila. Ngunit hindi maaaring magreklamo, trabaho ko ito. Sanay na ako.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang hinahaplos ang natitira kong saplot sa ibaba. Isang manipis na black bikini nalang ang tumatabing dito. May kung anong palawit rin na tila straw ang nakapalibot sa bewang ko upang pang akit sa lahat ng kalalaking nakakasaksi ng pag indayog ng aking katawan.
Kasabay ng paggiling at paghaplos sa aking katawan ay ang paglibot ng aking paningin upang suriin ang mga kalalakihang nasisiyahan sa aking pagtatanghal. Lahat sila ay tila hayop na hayok sa laman na para bang ano mang oras ay pwede na akong sakmalin.
Muli kong pinasadahan ang apat na sulok ng gusali, napako ang aking paningin sa isang babaeng nakatitig lang sakin. Nakakailang ang mga tingin nya, kahit pa, parehas lang naman kung paano sya tumingin, katulad ng mga lalaking hayok na nasa loob ng gusaling ito. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko, kakaiba ang paghagod ng mga mata nito sa buong katawan ko.
Bakit ganun? Babae naman sya pero parang sobrang pagnanasa ang makikita mo sa mga mata nya. Hindi naman ganyan makatingin sakin si Deanna, tanging sya lang ata ang tumitingin sakin ng may respeto. Yung mga matang nyang ngumingiti kapag nakikita ako. Yung mga titig nyang may paggalang at hindi ako sigurado pero punong puno ng pagmamahal ang makikita mo sa mata nito.
Unang kita ko pala sakanya na nanonood sakin, tila ba, nahiya ako sa klase ng tingin nya. Kasi hindi panghuhusga ang nakikita ko sa mga mata nya, kundi puno ng paghanga na walang malisya. Bakit hindi ko makita ang mga tingin na yun sa lahat ng taong nandito? Bakit tanging si Deanna lang kayang magbigay sakin ng tingin na may respeto?
Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ngayon ang oras para isipin ang walang kwentang bagay. Nandito ang pinaka boss, kailangan kong galingan. Kailangan ko ng trabahong ito.
Pumunta ako sa pole upang gawin ang panapos sa aking pagtatanghal. Naglambitin ako roon, tumuwad at kung anu-ano pang posisyon habang wala tigil sa pag-giling ang aking katawan.
------
"Sa VIP ka raw dumaretso sabi ni Mother." sabi ni Kyla pagbaba ko palang sa likod ng stage. Agad naman ako kumuha ng roba upang ipangtakip sa katawan ko.
"Mother?" Tawag ko sakanya habang papasok ako sa VIP room.
"Oh. Ayan na sya." Sabi nito sa babaeng nanonood sakin kanina. Tumayo ito. Matangkad syang babae, idagdag mo pang nakaone inch heels ito. Hindi ko alam kung anong tawag sa suot nya pero naka jacket sya tulad ng suot lagi ng mga lalaking parang pang opisina? Nakawhite fitted sando ito sa loob at loose jeans ang pang ibaba nya. Ang sexy nyang babae at talagang napakasosyal kung titignan. Naka pangliliit humarap sakanya.
"Ah, Jema. Ito si ma'am Bea, ang may ari ng club." Nashock ako sa sinabi ng manager ko. Babae ang may ari ng club? Babae ang boss namin?
"Secret lang ito," sabi ni ma'am Bea. Napatango ako. "Simula sa gabing ito, hindi ka na mag-eentertain ng ibang customer." Lalo akong nagulat ako sa sinabi nya. Tanggal na ba ako? Ginalingan ko naman diba? Hindi pwede. Ito lang pinagkakakitaan ko. Kailangan ko ang trabahong 'to.
"Ma'am, baka naman po pwede nating pag usapan to? Hindi po ako pweding mawalan ng trabaho. Ito lang po ang pinangbubuhay ko sa mga anak ko at sa nanay kong may sakit," agad kong hinawakan ang mga kamay ni ma'am Bea. Napatingin sya doon at tumawa ng malakas.
"Relax lang. Jema, right?" Tumango ako. "Hindi ka na pwede mag entertaing ng iba. Dahil simula ngayong gabi, sakin ka na." Ano daw? Napabitaw ako sa mga kamay ni ma'ma Bea. "Ihanda mo na ang gamit mo at aalis na tayo." Sabi nito at iniwan akong nakatulala. Naguguluhan ako. Ano bang ibig nyang sabihin?
Tinap ni Mother ang balikat ko na nagpabalik sakin sa wisyo. Tinuro nya ang pinto kung saan lumbas si ma'am Bea. Napalunok ako. Dali daling lumabas ng VIP room upang ayusin ang mga gamit sa dressing room at sumunod kay ma'am Bea.
---
"Jema," napalingon ako sa pamilyar na boses paglabas ko ng club. Awtomatikong ngumiti ang mga labi ko nang makita ko ang maamo nyang mukha. Matagal ko ring hindi ito nakita.
Pero agad ko ring inalis ang pagkakangiting 'yon. At binalik sa mataray na awra ko.
"Ano na naman bang ginagawa mo dito?" Nakataas na kilay na tanong ko sakanya.
"Namiss na kita, eh! Day off ko naman. Wala akong duty mamaya kaya sinilip na kita dito." Nakangiti nyang tugon sakin.
Napa iling nalang ako. Napakakulit talaga nitong ni Deanna.
"Let's go?" Pumitlag ako sa paghawak ni ma'am Bea sa bewang ko.
Kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Deanna. May kirot din akong nakitang gumuhit sa mga mata nya.
---
Deanna's
Nakakuyom ang mga palad ko habang pinagmamasdang sumasakay si Jema sa isang mamahaling sasakyan. Sanay naman akong nakikita syang sumasakay sa iba't ibang kotse. Pero parang kakaiba ngayon yung pakiramdam ko. Bakit parang feeling ko mawawala na sya sakin ng tuluyan kapag sumama sya sa babae na 'yan?
"Jema," agad akong tumakbo palapit sa kotseng lulan sya. Kinatok ang tinted glass window nito."Jema!!! Please. Wag kang sumama sakanya!!!" Naiiyak kong saad habang patuloy na kinakalampag ang bintana ng sasakyang lulan sya. Agad namang may bumabang dalawang lalaking naka-itim at inalayo ako sa kotse. Bumaba yung babaeng customer ni Jema tapos nilapitan ako.
"Anong problema?" Tanong nito sakin.
"Si Jema, pababain mo sa kotse mo. Hindi sya sasama sayo."
"Bakit? Kapatid ka ba nya?" Natigilan ako. Hindi ko sya kapatid. Pero ano nga ba ang dapat konh sabihin? Wala lang naman ako kay Jema, isang makulit na manliligaw lang ang tingin nya sakin.
Bumaba si Jema sa kotse, napatingin kami sakanya. "Ma'am Bea, kakausapin ko lang po sya,"sabi nito at hinila ako palayo sa kotse. "Anong bang ginagawa mo?" Inis na tanong nya sakin.
"Wag kang sumama sakanya, please?"
"At bakit?" Nakunot na ang noong tanong nya. Napalunok ako. Wala akong makapang tamang salitang isasagot sakanya. Huminga sya ng malalim. "Tigilan mo na ako Deanna. Wala akong mapapala sayo kaya wala karing mapapala sakin." Isang matalim na tingin ang pinukaw nito. "Umalis ka na. At please, lang. Wag ka ng bumalik." Sabi nya bago ako tinalikuran.
Agad ko syang niyakap mula sa likuran. Napahinto sya sa paglalakad. Naramdaman ko ang pagkuyom ng mga palad ni Jema.
"Please. Wag kang sumama sakanya." Pagmamakaawa ko. Mabilis na naglandas ang luha sa mga pisngi ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Alam ko wala akong karapatan. Pero natatakot ako na tuluyan na syang mawala sakin.
"Anong bang problema mo???" Kinalas ni Jema ang pagkakayakap ko sakanya. "Pwede ba Deanna! Tigilan mo na ako? Dahil hindi ka naman makakatulong sa pagpapakain sa pamilya ko." Mataray nyang sabi. Humakbang sya palayo, pero napatigil rin. Akala ko lilingon sya, akala ko titignan nya ko. Sa saglit na pagtigil nya akala ko nagbago ang isip nya, pero mali ako dahil naglakad ito deretso pasakay sa kotse ng babaeng customer nya.
Napapikit ako, kinuyom ang mga palad, niyuko ang ulo at hinayaang lumandas ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Wala kang talagang kwenta Deanna. Hindi mo manlang kayang ialis sa putik ang babaeng mahal mo.
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!