Deanna's
Spending my whole day with my family
Caption ng fb post ni sir Gio kalakip ang mga litrato nila ng kambal at ni Jessica
Sobrang saya nila lalo nung kambal, kung titignan mo sila tama yon nasa Caption ng post
Para talaga silang isang masayang pamilya
Hindi ko pa ata nakikita ganto kasaya ang mga bata at si Jessica
Pero baka hindi ko lang napapansin kapag ako ang kasama nila
Binuksan ko yong video na pinost din ni sir Gio
Napangiti ako ng mapait ng marinig ko ang tawanan nila lulan ng carousel
Pangarap namin sumakay dyan bilang isang pamilya
Pero natupad na nila kasama ang tunay nilang Ama
Ha.ha.ha kumpleto na sila!! Ang Papa nila at ang Mama nila
Isa na silang buong pamilya
"Sabi ko na nga ba nung una kitang makita sa club may kulang sayo" saad ko habang pinapanood ang video
Sobrang saya ni Jessica, sinasabayan nito ang pagtawa ng mga bata
"Yang ngiti mo, ganyan yong ngiti mo nung high school kayo ni sir Gio. Yan ata yong hinahanap ko sayo noon yong ngiti ng mga mata mong iyan. Ibang iba yong kinang, kesa nung una kitang sinakay sa carousel, yan pala yong hinahanap kong saya sa mga mata mo"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang emosyong nagbabadyang kumwala sa sistema ko
"Ok ka lang?" Napatingala ako sa humawak sa balikat ko
Tumango lang ako sakanya
"Hindi daw makakapasok si Erika, kulang ang Cashier, sino ang mag-eextend?" Tanong nito
"Ako nalang Gi" matamlay kong tugon dito
Umupo sya sa tapat ng kina-uupuan ko
"Hindi ka pa ba pagod? Nakikita mo ba itsura mo? Hagard ka na Deanna, isang linggo ka ng nag-oover time baka magkasakit ka na nyan" puna nito sakin
Nginitian ko sya " kaya ko pa, magpapasukan na, malaki ang gagastusin ko sa sped ni Peter tapos humihingi pa ng pang-dagdag sa tuition nya si Josh, gamot pa ni Nanay at mga gamit sa school ng mga bata. Kaya bawal magpahinga at yong mga gantong pag-kakataon na walang pumapasok igagrab ko na"
"Tapos ikaw naman mag-kakasakit? Sino naman mag-papagamot sayo?" Tinignan ko sya ng masama
"Bakit yan agad iniisip mo" inis na saad ko sakanya
"Ang sakin lang naman bro, alagaan at ingatan mo rin sarili mo. Kung magkakasakit ka paano mo pa magagapanan o mababayaran lahat ng sinabi mong gastos ng pamilya mo? Imbis na makatulong ka baka lumala pa, kung hindi ka mag-iingat dahil nagkasakit ka na" paliwanag nito
Nagkibit balikat ako " hindi pa naman ako pagod bro, kaya ko pa naman"
Umiling naman ito " bahala ka" tumayo sya " sabihin ko nalang sakanila na ikaw na ang mag-eextend"
Tumango nalang ako sakanya at lumakad na ito palayo sakin
Napahinga nalang ako ng malalim, wala naman akong magagawa
Kahit sobrang pagod na ako, physical at emotionally
Kinakaya ko parin para sa pamilya ko
Hindi naman kasi ako, kasing yakap ni Bea na maibibigay ko lahat ng pangangailangan nila
Hindi ako tapos ng pag-aaral at may maganda at stable na trabaho tulad ni sir Gio, na kayang punan ang lahat ng pangangailangan nila
Kaya kailangan kong magsikap para kahit papano matumbasan ko manlang kahit 1/4 ng maibibigay nila
---
Jema's
Ang tagal naman ni Deanna dapat kanina pa yon naka-uwi ah?
Mag-10 pm na pero wala parin sya, baka nag-extend na naman
Talaga naman yong babaeng yon, nakakainis hindi manlang tumawag na gagabihin sya
Tapos ayaw pang sagutin ang mga tawag ko
Buset talaga!!!
"Dada" rinig kong sigaw sa labas ng kwarto kaya dali-dali akong lumabas
Naka-yakap ang mga bata sa bewang ni Deanna habang sapo naman nito ang mga ulo nila
"Dada, sumakay kami sa carousel" saad ni Jasper
"Tapos kumain kami ng spaghetti at chicken" saad naman ni Marcus
"Nag-enjoy ba kayo at naging masaya?" Matamlay na tanong ni Deanna
"Opo!!! Sobrang saya namin Dada" sabay na saad ng kambal
Pilit na ngumiti si Deanna "masaya si Dada na masaya kayo"
"Tama na yan, gabi na bukas nalang kayo magkwentuhan. Pagod na si Dada nyo" awat ko sa mga ito
"Pero madami pa kaming ikukwento kay Dada, Mama" nakangusong reklamo ni Jasper
"Hayaan mo na" sabi ni Deanna
Umupo sila sa sofa bed kung saan natutulog na si Nanay
Masayang nagkwento ang kambal, nakikinig lang si Deanna
Nakangiti ito pero hindi umaabot sa mata nya
Kitang kita ang lungkot sa mga iyon, nasasaktan sya pero pinipilit parin nitong makinig sa mga kwento ng mga anak ko
Napabuntong hininga ako, kailan ko bang huling nakitang masaya si Deanna?
Naging masaya ba talaga sya sakin? Bakit pakiramdam ko puro sakit lang ang nabibigay ko sakanya
Pinilig ko ang ulo ko at pumasok nalang sa kwarto
Kinuha ko ang phone na nasa study table bago umupo sa kama
Makapag-fb nalang muna habang busy pa si Deanna makinig sa mga bata
Agad naman kumunot ang noo ko nung makita ko ang post ni Gio na nakatag sakin
Ang dami rin comment na sinasagot naman nito
Puro congrats, bagay kayo, sana all lang naman ang mga pinag-sasabi nila
Buset naman tong Gio na to tuwang tuwa pa!!! Akala mo talaga pamilya tayo? Manigas ka!!!
Kung kanina natutuwa ako sayo kasi napasaya mo ang mga bata
Ngayon naiinis na naman ako sayong lalaki
Letse ka
Binalik ko sa study table ang phone at humiga nalang sa kama
Ano kaya nasa isip ni Deanna ngayon? Nakita na kaya nya yon?
Napatingin naman ako sa pinto nang bumakas ito at niluwa si Deanna
Umupo ito sa kama at tinanggal ang sapatos nya
"Tulog na ang kambal?" Tanong ko dito tumango lang sya
Hinubad nya ang pantalon nito at humiga sa tabi ko
"Hindi ka na naman mag-papalit ng t-shirt mo" saad ko at tumayo para kumuha ng pamalit nito sa tukador
"Oh heto mag-palit ka muna bago matulog!! Nasasanay ka ng natutuyuan ng pawis eh" inis na saad ko at binato dito ang pamalit nya
Umupo ito at nagbihis sa harapan ako at dumapa sa kama
Agad akong sumampsa sa kama at tinabihan ito
"Pagod na ba ang baby ko?" Umiling sya
"Hinding hindi ako mapapagod, hanggat nandito kayo sakin, kakayanin ko ang lahat. Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal kita" may butil ng luha ang tumulo mula sa mata nito
"Mahal na mahal din kita Deanna" at niyakap ko sya
--
Bakit naiyak ako? Hahaha
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!
