Jema's
"Congratulation" bati sakin ng lahat ng katrabaho ko
"Salamat" tugon ko naman sakanila kasabay ng pag-ngiti ko
Tumungo ako sa lucker ko para ayusin ang mga gamit ko
Hindi ko akalain na magbubunga pa ang pagtatyaga at dedikasyon ko sa trabaho
Napromote ako bilang head ng house keeping dahil nalipat ng department si Ma'am Edna at ako ang niricommend nyang pumalit sakanya
Akala ko nga maraming tututol eh dahil wala naman may gusto sakin dito kahit may ilan-ilan narin akong mga kaibigan
Akala ko may maririnig na naman ako na hindi mo naman deserved yan
Sumipsip ka na naman at ginamit mo na naman ang katawan mo
Pero kahit kunting dismaya wala akong narinig sa mga ito
Siguro napatunayan ko na ang sarili ko sakanila
Sa tagal ko ba naman na dito, mahigit dalawang taon narin pala ako sa hotel na to
"Ma'am Jema" napatingin at napangiti ako sakanya
"Congrats po" sabay abot ng isang stem ng sunflower
"Naku Jasmine nag-abala ka pa" nahihiyang inabot ko yong bulaklak
"Pathank you ko lang po yan sa pag-tyaga sakin sa kulang 2 years ko na dito" natawa naman ako lagi nalang nya yaan sinasabi sakin
"Sira! Ako nga dapat mag-thank you sayo kasi ikaw lang yong unang naging kaibigan ko dito. Salamat talaga sa pakikisama mo sakin" tinap ko ang balikat nito
"Pwede po ba akong kiligin?" Biro nito sakin
"Hindi! Magagalit partner ko seloso pa naman yon hahaha joke lang" natatawang saad ko
"Happy 2nd Anniversary din po pala sainyo" ngumiti ulit ako sakanya
"Don't worry makikita mo rin yong taong para sayo at handang lumaban at piliin ka. Kaya kapag natagpuan mo yon wag mo ng pakawalan ah? Para hindi ka rin magsisisi sa bandang huli, kasi masaya na sya sa iba dahil hinayaan mong mawala ito sayo"
"Grabe naman po yong hugot na yan Ma'am, parang may pinagsisisihan kayong pinakawalan nyo dati ah?"
Napangiti nalang ako at inalala ang nakaraan pero hindi na ako nasasaktan
"Masaya na ako hahaha, kaya wag mo nalang intindihin yong pagdadrama ko. Sige na una na ako ah? Ingat ka sa pag-uwi" huling bilin ko bago lumakad palayo dito
Hindi mabura yong ngiti sa labi ko habang naglalakad palabas ng hotel
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa buhay ko
Maganda na ang buhay ko napromote pa ako sa trabaho
Tapos? Ang saya lang kasi hindi ko akalain aabot pa kami sa ganto
2nd year anniversary na namin! Akalain mo yon?
Pagkatapos ng lahat ng sakit na pinaramdam sakin ng nakaraan ko
Masayang kasalukuyan ang hinaharap ko dahil sa taong pinili ko at pinili ako
Napitlag at naputol ang pag-eemo ko sa pagbusina ng kotse sa harapan ko
Heto na ang bruhang sundo ko at nakangiting mukha nya ang bumungad sakin
"Hi babe" bati sakin ni Bea
"Sira!!!" Sabi ko at pinalo ito ng dalawang beses sa braso nito
"Muntik na naman ako himatayin sa pagbusina mo buset ka"

BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!