Deanna's
Pagkapasok ko sa tahanan namin naabutan ko si mama na naglalaba sa likod bahay. Kitang kita kasi ito pagpasok mo palang ng sala.
"Ma, ang aga naman nyan." Lumingon ito sakin.
"At ikaw? Bakit ngayon ka lang? Umaga na ah?" Balik tanong nya.
"Nag over time lang po, Ma. Nagkulang ng crew, eh." Pag-sisinungaling ko. Ayaw ko ng dagdagan pa ang mga iniisip ni Mama. Baka pagalitan nya rin ako kapag sinabing kong nagpupunta ako ng club para lang manligaw ng babaeng nagtatrabaho roon. Hindi naman sa takot akong husgahan ni Mama si Jema, pero alam kong magagalit sya. Kung nasa ganung klaseng trabaho ang babaeng ipapakilala ko sakanya. Kaya hanggat maaari at hanggang kaya ko, itatago ko munang naghahabol ako sa babaeng tulad ni Jema. Tutal wala naman akong pag-asa dahil maliit na tao lang din ang tingin nya sakin.
"Hoyyyy, Deanna! Hindi ka na sumagot dyan." Bulyaw ni Mama na nagpabalik sa ulirat ko. Natulala pala ako.
"Ano po yun Ma?"
"Ang sabi ko wag mo masyado pinapagod ang sarili mo. Baka magkasakit ka na nyan," sabi nito.
Ngumiti ako, hindi ako sigurado kung umaabot ito sa mata tulad ng madalas na pagngiti ko. Pero kailangan kong itago ang ano mang sakit na nararamdaman ko upang hindi ito mahalata ni Mama. Lumapit ako sakanya, mahigpit itong niyakap mula sa likod ng leeg.
"Kaya ko pa, ma. Kapag nakatapos naman si Josh, magiging magaan narin naman na. Saka babalik narin ako sa pag-aaral kapag naka-graduate na sya." Hinalikan ko ito sa noo. "Tulog muna ako Ma," paalam ko dito.
"Dadalawin ko pala ang Papa mo mamaya," sabi nya.
"Okay. Ako na muna bahala kay Peter off ko naman," sabi ko.
"Babalik din ako agad anak, para makapagpahinga ka rin."
"Okay lang, Ma. Enjoy nyo lang ang time nyo ni Papa." Sagot ko sakanya habang naglalakad papasok sa kwarto.
Kaya pala maaga naglaba si Mama, sabik na makita si Papa. Minsan lang kasi nya ito madalaw sa kulungan, kaya sobrang excited sya kapag pumupunta sya roon. 3 years na ata si Papa sa City Jail pero hanggang ngayon hindi parin nalilinawan ang kaso nya. Lahat ng inaapila namin sa husgado, binabasura. Hanggang sa tinanggap nalang ni Papa na mabubulok nalang sya sa kalungan sa kasalanang hindi naman nya ginawa. Inakusahan syang nagnakaw ng budget sa Bankong pinag-tatrabahuan nya. Walang ebidensya pero sya talaga yung idiniin. Kumbaga pinagkaisahan si Papa. Wala kaming nagawa dahil mismong kumpanya na ang nagpakulong kay Papa. 3rd year College palang ako nun, napahinto ako dahil nga nakulong si Papa at ako na ang nagtrabaho para samin dahil ako ang panganay. Tatlo lang kaming magkakapatid, si Josh yung sumunod sakin. Malapit narin itong matapos 2 sa pag-aaral, 2 years nalang ang bubunuin ko para tulungan sya at makakabalik na ako sa pag-aaral. Working student naman si Josh, hindi naman ganun kabigat ang responsibilidad ko sakanya.
Napabuntong hininga ako. Kung may patas lang sana na batas sa Pinas. Kung wala lang sanang mahirap at mayaman .Kung hindi lang sana minamaliit ng matataas ang mga mababa. Kung patas lang sana ang buhay sa lahat ng tao. Wala sanang katulad namin ni Jema na pinapahirapan ng kahirapan. Kung pantay lang sana ang pagtingin ng bansa sa lipunan. Wala sanang pagkakaiba iba ang tinatahang nating daan sa buhay. Wala sanang naliligaw ng landas at napapariwala ang buhay.
Pero wala, eh! Sobrang daya ng mundo. Dahil iba-iba ang ikot ng kapalaran natin dito. Kaya wala na tayong magagawa kundi tanggapin at sumabay nalang sa agos nito.
---
Jema's
"Papahatid na kita," sabi ni ma'am Bea. May hinagis ito na sobre sa kama kung saan ako nakahiga. Umupo ako sa kama, tinignan tinignan ang sobre, nagdadalawang isip kung hahablutin ko ba at bubuksan. Parang ang kapal naman kasi ng laman.
"P20, 000 'yan. Paunang bayad palang," napatingala ako kay ma'am Bea. Nakatayo kasi sya sa harapan ko naka suot narin ito ng puting roba na tinatakip sa hubad nyang katawan. "Simula ngayon sakin kana magtatrabaho. Hindi ka na papasok sa bar," Napakurap ako sa sinabi nya. "Sabi mo may mga anak ka na diba?" Tumango ako.
"Opo. Kailangan ko naring umuwi. Wala po silang kasama sa bahay. Papasok narin po kasi ang kapatid ko sa school at trabaho." Sagot ko.
"Sige. Ipapahatid na kita. Magkita nalang ulit tayo mamayang gabi or kung kailan kita kakailanganin." Sabi ni ma'am Bea bago tumalikod sakin.
Agad akong tumayo sa pagkakaupo sa kama. Pinigilan ko sa paghakbang si ma'am Bea, wala na akong pakialam kung hubad ako sa harapan nya. Sanay naman na ako. Ilang lalaki na ba ang nakakita ng katawan na to? May karapatan pa ba akong mahiya? Isa pa, nakita't nakuha narin naman nya ito. Pinagsawa nya ang sarili nya sa pag angkin sa mainit na kalamnan ko. Sa lamang aking inahin sakanya kagabi.
"Ma'am, wala po akong pagkakakitaan kung hindi ako papasok sa Club."
"Ako ng bahala sayo." Cold na sabi nya. Hindi ko na ulit nagawang magtanong pa dahil lumabas na ito mg kwarto. Wala na kong nagawa kundi pulutin na lamang ang mga saplot ko bago tumungo ng banyo.
---
Dahan dahan kong tinulak ang kahoy na pintuan sa maliit na balai namin. Sa kwarto agad ako dumeretso upang tabihan ang nagtutulog na kambal ko. Alas singko na ng umaga pero kay himbing parin ng tulog nila.
Nilapag ko ang sobreng may lamang P20, 000 pesos sa lamesang katabi ng katre naming mag-iina. Napangiti ako. Ngayon lang ako nakahawak ng gantong kalaking pera. Siguro isang gabi P10.000 na ang pinaka malaking nakukumbra ko sa isa mayayamang suitor at customer ko. Pero dahil nga luma na ang tingin nila sakin, binabarat na nila ako at wala na akong magawa kundi tanggapin nalang kung magkano ang iabot nila pagkatapos nilang magpakasasa sa katawan ko. Sa pagkakatanda ko, huli akong nakahawak ng gantong halaga nung baguhan pa ko sa club, nung mga panahong sariwa pa ko sa paningin nila at pinag-aagawan pa. Muli akong napabuga ng hangin. Tama na ang pag-iisip hindi naman ito makakatulong.
Ibinaling ko nalang ang pansin ko sa sa dalawang bata. Paggising nila, ipapasyal ko sila. Ipapatingin ko narin si nanay sa Doctor. Para naman mabigyan sya ng tamang gamot para sa sakit nya. Maghahanap narin ako ng mas matinong mauupahang bahay. Yung bahay na matatawag mo talagang bahay. Sana, totoo talaga yung sinabi ni ma'am Bea na sya na ang bahala sakin. Kahit pa hindi na ako pumasok sa letseng club na yun, eh may ipangbubuhay parin ako sa pamilya ko. Pero paano kung magsawa sya? Ibabalik ba nya ako roon? O tuluyan na akong mawawalan ng trabaho?
Hayssss! Bahala na. Ang mahalaga sa ngayon makakatas na ako sa letseng buhay na 'to. Kahit na panandalian lang.
Tama na, nga kakaisip, Jemalyn! Matulog ka na. Muli akong huminga ng malalim. Hinalikan ang tig isang noo ni Jasper at Marcus. Pinikit ang mga mata ngunit napadilat ulit nang rumehistro ang mukha ni Deanna sa isipan ko. Yung mukha niyang nagmamakaawa sakin kanina. Yung mga mata nyang puno ng kirot dahil mas pinili kong sumama kay ma'am Bea kesa sakanya.
"Tangina naman, Jessica!! Bakit mo ba iniisip ang babaeng 'yon?" Napabuntong hininga ako.
Hindi naman bago sakin na nililigawan ng babae. Kahit pa nung high school ako pero mukha naman silang lalaki. Hindi katulad ni ma'am Bea at Deanna na mahaba ang buhok.
Si Deanna boyish sya at halata mo naman na iba sya sa karaniwang babae. Pero si ma'am Bea, babae parin naman syang pumorma. Pero yung boses nya, malaki at may pagkalalaki rin syang gumalaw at kumilos.
Napahawak ako sa noo ko. Bakit ko ba iniisip ang dalawang babae na 'yon???Kailangan ko lang si ma'am Bea dahil kailangan nya rin ako. Ginagamit nya ako at kumikita ako. Malaking pakinabang sakin ni ma'am Bea. Pero kay Deanna? Ano bang mapapala ko sakanya? Wala!!! Kaya wag ka ng mag aksayang pagtuunan pa ng pansin at pag iisip ang babae na 'yon.
Tumigil ka na Jessica!!!!!
Magfucos ka nalang sa mga anak mo at sa kinabukasan nila. Tanggapin mo nalang ang pagkakataong mabigyan sila ng magandang buhay.
BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!