Deanna's
Nagising akong may humahaplos sa magkabila kong pisngi
Tila ba may dumadagan din sakin
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata
"Gising na sya!!!" Sigaw nang isang maliit na bata na nakasakay sa tyan ko
"Jasper, Marcus sinabing wag nyo gisingin ang Tita Dina nyo eh" sigaw ni Nanay mula sa Kusina
Ngumiti ako sa dalawang makulit na kambal na ito
Namiss ko rin sila ng sobra
"Tita Dina!!!!" Sabay nilang saad at niyakap ako
Natawa ako ng malakas kahit hindi na talaga ako makahinga
"Miss na miss lang ah?" Nahihirapan kong tanong sakanila
"Opo! Miss ka na talaga namin" nakangusong saad ni Marcus, sya yong nakaupo sa tyan ko
Tapos nasa gilid naman ng sofa na hinihigaan ko si Jasper na nasa gawi ng kili-kili ko
Mabagal akong bumangon sa pagkakahiga dahil mabigat talaga si Marcus
Umupo ako at niyakap sila nakatayo na si Jasper ngayon
"Namiss ko rin kayo ng sobra"
"Bakit po kasi hindi ka dumadalaw samin" may himig pag-tatampo na sabi ni Jasper
"Busy lang, pero promise dadalaw na ako kapag off ko. Tapos papasyal ulit tayo, ok ba yon?"
"Opo!!!!!" Masigla nilang tugon sakin
"Thank you po Tita Dina" napangiti ako
At may naisip din, bakit hindi ko umpisahan sa mga anak nya? Hahaha
"How about Dada, ang itawag nyo sakin?" Nagtinginan naman ang magkapatid
"Pero para lang yon sa tatay na lalaki di ba? Babae ka po eh" naguguluhang tanong ni Marcus
"Tama, tulad ng tawag ni Giselle sa lolo nya" sabi naman ni Jasper
Naku po mukhang napasubo ako ah? Paano ko ipapaliwanag sakanila?
"Pero di ba? Yong mga daddy nakiki-paglaro sa mga anak nila? Pinapasyal? Ganun naman ginagawa ni tita Dina di ba?" Nagulat ako sa sinabi ni Marcus
Masyado talaga silang matalino at marunong na agad umintindi
Tumango naman si Jasper
"Sige po tita Dina, Dada na tatawag namin sayo" napangiti na ako sa sinabi nya
"Pero yong babaeng mayaman syota ni mama? Baka magalit sya" kontra ni Marcus
Bakit pati yon alam nila?
"Ayoko sakanya! Gusto ko si tita Dina! Sya lang gusto kong Dada" sabi ni Marcus at niyakap ako
"Ako din" sang-ayon ni Jasper at niyakap narin ako
Naku po mukhang mali ata ginawa ko ah?
Baka lalong magalit sakin si Jema?
Dahil baka isipin nya inaagawan ko ng papel ang Jowa nya sa mga anak nya
Akala ko naman kasi hindi nila alam eh
Yari ka na naman wong
"Tara na tita Dina, kaen na tayo" sabi ni Marcus at bumaba na sa pagkakaupo sakin
"Di ba Dada na?" Pagtatama ni Jasper
"Oo nga pala, tara na Dada" napakamot nalang ako sa kilay ko

BINABASA MO ANG
Carousel
Fanfiction"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago dito 😊 thanks!