Chapter 52

3.5K 161 84
                                    

Jema's

"Mama hindi ba natin isasama si Nanay?" Tanong ni Jasper habang nagbibihis na ito

Off ko kasi kaya ipapasyal ko sila at sakto namang sabado kaya wala din silang pasok

"Naku apo kayo nalang baka mapagod lang ako, bilhin nyo nalang ako pasalubong ah?" Saad naman ni Nanay

"Opo" sabay na saad ng kambal

Pupunta naman si Mafe at dito yon matutulog hanggang bukas

Kaya ayaw din sumama ni Nanay dahil baka daw walang abutan ang kapatid ko pag-uwi nun

Nagdodorm nalang si Mafe at umalis na din sya sa fast food kung saan nagtatrabaho si Deanna

4th year college narin ito kunti nalang matatapos na sya at mababawasan na ang gastusin ko

"Tara na, para makauwi rin agad tayo" saad ko

Agad naman lumapit sakin ang kambal

"Nay alis na po kami ah?" Paalam ko sakanya at hinalikan ito sa pisngi

Ganun din naman ang ginawa ng kambal bago kami lumabas ng bahay

"Kaen muna tayo Mama" sabi ni Marcus habang naglalakad na kami sa mall at napadaan sa store nila Deanna

Lagi sila dito nag-aaya kumain para daw makita nila ang Dada nila

Kaya lang wala naman ito, dito dahil ang huling balita ko sakanya

Nasa pangasinan sila ni Carly

"Sa iba naman tayo" sabi ko naman

"Baka nandyan na si Dada, Mama, baka bumalik na sya" sabi naman ni Jasper

Halos isang taon na naming hindi nakakasama at nakikita si Deanna

Pero hindi parin sya nakakalimutan ng mga bata at kahit ako rin naman

Bumuntong hininga nalang ako at pumasok sa fast food ng dating pinag-tatrabahuan ng Dada nila

At gaya ng inaasahan namin wala parin ito doon

Sa mini theme park kami dumeretso pagkatapos namin kumain

Agad tinuro ng kambal ang carousel na sasakyan nila

Sila nalang ang pinasakay ko dahil malalaki naman na ang mga ito at kaya na nila sumakay ng maayos doon

Pinagmamasdan ko lang sila habang masayang nakasakay sa rides na madalas namin sinasakyan noon kasama si Deanna

Plano pa sana namin noon na sumakay sa malaking carousel sa malaking theme park

Pero hindi na yon natupad at mukhang hindi na matutupad pa

Ang laki din talaga nang naging papel ng rides na yan sa buhay namin

Dyan ko naramdaman ang tunay na kaligayahan dahil sa babaeng nagparamdam sakin na hindi mahalaga ang mga materyal na bagay para maging masaya ka

Nung gabing sinakay ako ni Deanna sa carousel first time kong naging masaya ng totoo

Hindi dahil nakasakay na ako sa isa mga pinapangarap kong masakyang rides kapag nakapunta na ako sa pinapangarap kong pasyalan mula nung bata pa ako

Kundi naging masaya ako dahil sa unang pagkakataon may nagparamdam sakin na mahalaga ako

Na babae rin ako na kailangan pahalagahan at respetuhin sa kabila ng trabaho ko

Pero wala na yong kaisa-isang taong nagparamdam sakin nun

Wala na yong kaisa-isang babaeng minahal ako sa kabila ng nakaraan ko

CarouselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon