Kabanata 1

292K 6.5K 2.8K
                                    




Condition

Naka-upo kami nina Caleb, Roseanne at kasama ang iba pang barkada sa loob ng isang coffee shop. Madalas kaming tumatambay rito dahil ito ang coffee shop sa plaza na may pinaka malamig na aircon.

"Reg, kanina ka pa tulala riyan?" sita sa'kin ni Roseanne.

"May iniisip kasi akong isang lalaki, at hindi siya maalis sa isipan ko," ani ko at sumimsim ng iced coffee ko.

Nakita kong nanliit ang mga mata nila at sabay-sabay mas inilapit ang mga upuan nila sa'kin.

"Talk, girl," sabi ni Sabrina.

Kumunot ang noo ko dahil sobrang interesado nila sa lalaking iniisip ko na para bang sobrang controversial nito.

"Ano ba naman kayo, hindi ko naman siya gusto. It's just sobrang gwapo niya at sobrang sexy niya," sabi ko.

Nanliit ang mga mata ni Caleb. "Dahil sa itsura niya iniisip mo na siya?" kaya napabaling ako kay Caleb.

Mas marami akong kaibigang lalaki kaysa sa babae, si Roseanne at Sabrina lang ang babae. Habang ang mga lalaki ay sina Caleb, Ross, Perci, Yron at Pohal.

"Hindi, ano ka ba?! Bukod pa ro'n ay may sinabi siya sa'kin na hindi ko maalis sa isipan ko." Kinunot ko ang noo ko habang nanliliit pa rin ang kanilang mga mata.

"So ano nga Reg, kanina pa kami naghihintay ng sasabihin mo," iritadong singit ni Sabrina.

"His name is Evan and tauhan siya ni Dad sa plantation namin. Nagprisinta siya na ihatid ako rito pagkatapos ko magpanggap na nahihilo ako at ang sabi niya sa'kin ay dapat huwag daw ako nagsisinungaling sa tatay ko. Ayoko pa naman na pinapakialaman ang buhay ko ng ibang tao if it's not my dad kaya kahit parang sobrang gwapo niya, medyo nairita ako sa mga sinabi niya pero nang sinabi ko na 'mind his own business', sinabi niya na darating daw 'yung araw na kakailanganin ko ng tulong niya. Like how would he know it?" Napatango-tango sila at nagkaniya-kaniyang isipan ng kongklusyon sa kinwento ko.

"Hindi kaya nananaginip ka lang ngayon Reg?" pagbibiro ni Yron kaya inirapan ko siya.

"I think sa tingin niya bet mo siya, dahil ang taas ng tingin niya sa sarili niya eh," sabi naman ni Roseanne.

Kinagat ko ang ibaba kong labi at napatitig kay Caleb na nakatingin lang din sa'kin. "Hindi ko alam, basta bahala na. Tsaka hindi ko na rin naman siya makikita ulit dahil hindi naman na ako babalik ulit sa plantation," sabi ko at iniwas ang tingin ko kay Caleb.

Nagkaroon kasi ng something sa'min ni Caleb no'ng highschool kami pero hindi kasi siya nag-work out at mas pinili ko na lang na maging magkaibigan kami. Mabuting tao si Caleb, gwapo at maganda ang pangangatawan ngunit may mga bagay talaga na hindi natin dapat pilitin kung alam naman nating hindi naman para sa atin.

"Huwag mo na lang siyang pagtuunan nang pansin dahil sa tingin ko ay pinagt-tripan ka lang niya at hindi ka naman personally naka-attached sa kaniya," suhestiyon ni Caleb kaya napatango ako.

Tama naman. Wala naman akong kahit anong koneksyon sa kaniya bukod sa trabahador siya ng aking tatay at hindi ko naman inaasahan na makikita ko pa siya ulit.

Nang natapos kaming uminom ng kape ay naisipan na naming lumabas ng coffee shop dahil hindi na rin naman na gano'n kainit. Alas kwatro na rin ng hapon kaya papawala na rin ang araw.

Naubos ang oras namin do'n sa coffee shop kakakwentuhan ng mga nangyari kagabi sa kanila sa party ni Caleb. It was his birthday at hindi ako nakadalo dahil sa tatay ko pero okay lang dahil maari naman akong bumawi sa kaniya.

Kaya pala napapansin kong kanina pa siya nakatingin sa'kin dahil baka inaasahan niya na buksan ko ang topic na 'yon sa kaniya, pero tsaka na kapag nasa mood na akong pag-usapan ang bagay na iyon.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon