[Warning: SPG]
Included"Evan, wala naman siyang ginagawang masama sa'kin okay?" sabi ko.
Hinila ko agad si Evan do'n kanina at ngumiti na lang ako kay Felix bago pa sila mag-away dahil mukhang hindi titigil si Felix sa pagdedepensa ng kaniyang sarili.
"What if he did something? Anong magagawa mo, at ang mas nakakainis pa ro'n paano kapag hindi ako dumating sa tamang oras? Ano na lang ang nangyari sa'yo?!"
Mabigat ang bawat paghinga niya at namumula ang kaniyang tainga, he's mad about something na siya naman ang may kasalanan.
"He did not do something okay? Nag-usap lang kami! Ikaw nga riyan 'yung late tapos parang kasalanan ko pa na magpahatid na lang ako kay Felix kaysa mag-commute mag-isa at marami pang dumadaan na lalaki buti na lang ay nando'n siya!" His jaw chiseled atsaka ako binalingan ng tingin.
"I won't take you home, let's talk in my house. Properly." Umirap ako atsaka ko iniwas ang tingin ko.
Bakit ba siya nagagalit? Wala namang ginawa sa'kin si Felix and mararamdaman ko naman if he's not true to what he is saying. Why the fuck Evan is blaming me for what is happening right now? Kung sana ay dumating siya ng mas maaga edi sana hindi ko kasama si Felix 'di ba?
Nang natanaw ko ang mansion namin ay nilampasan niya 'yon at mukhang pupunta nga kami sa bahay niya. Nilingon ko siya and his ear is still red, down to his neck.
Mabigat ang bawat paghinga niya at seryosong nakatingin sa daan.
Kapagkarating namin sa tapat ng bahay ay bumaba agad ako pagkahinto niya. I heard him slammed the door of the car kaya nilingon ko siya habang nakakunot ang noo.
"At ikaw pa ang may ganang magalit?!" tinapunan niya ako ng tingin pero muli ulit siyang tumingin sa kaniyang pintuan na ngayon ay binubuksan na niya.
Kapagkabukas niya ay pumasok siya agad kaya naman sinundan ko siya.
"I'm not mad at you Reganne, I'm just worrying. Paano kung may mangyari sa'yo?" nakaharap na siya ngayon sa'kin at ako ay nasa tapat pa rin ng pintuan.
I closed the door atsaka siya tinaasan ng kilay.
"Kung nagaalala ka pala, e di sana sinundo mo ako nang maaga!"
"Alam kong late ako, pero you could have just stayed there in your school and wait for me! You don't even know him well, you just know him. Paano kung may mangyari sa'yo before you knew it?"
Kitang-kita ko ang iritasyon sa kaniyang ekpsresyon at namumula pa rin siya, kaya mas lalo lang sumiklab ang inis sa'kin.
"I know what I am doing Evan! Aabutin ako ng anong oras do'n kung hindi ako sasabay kay Felix, at nakapag-usap na kami no'ng birthday niya. Ikaw ba nasaan ka? 'Di ba kasama mo si Sabrina tapos ngayon magagalit ka sa'kin dahil lang sumabay ako kay Felix, concern lang naman siya sa'kin!" kumunot ang kaniyang noo.
"Oh come on, Reganne. Alam mo namang ikaw 'yung gusto ko. Hindi mo ba naisip na kayong dalawa lang 'yung nando'n. Paano kung may gawin siya sa 'yo? Tapos magkayakap pa kayo."
I scoffed. "Really Evan? 'Yun lang 'yung pinoproblema mo? I can hug whoever I want to hug! Wala kang karapatan diktahan ako, because you do not own me." Umawang ang kaniyang labi dahil sa sinabi ko.
Kumurap siya nang sunod-sunod na para bang hindi niya naintindihan 'yung sinabi ko. I am so mad right now. In the first place, bakit parang kasalanan kong late siya dumating? Bakit parang kasalanan ko na tinanggap ko 'yung tulong sa'kin ni Felix? Bakit parang kasalanan ko dahil lang kinausap ko si Felix? Bakit parang sinisisi niya ako, na I should have think first before going with Felix?
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...