Spring"Sit down, baby..."
Ngumuso ako at tiningnan siya bago umupo sa inalok niyang upuan. Nakapagluto na siya ng agahan namin and nakatapos na kami maligo.
Pinahiram niya ako ng damit niya para komportable ako sa suot kong damit. Suot ko 'yung navy blue niyang round neck shirt at pinaheram niya rin ako ng sweat shorts.
"Nakakamiss naman..." sabi ko kaya tipid siyang ngumiti.
"Namiss mo akong tikman?" sabi niya at tinaasan ako ng kilay kaya umirap ako.
Humalakhak siya atsaka pinatong sa table 'yung ginawa niyang garlic bread together with the sunny side up eggs. Ngumuso ako nang nakita ko ang tinimpla niyang chocolate drink para sa'kin.
"You still have the powder of this chocolate drink?" I asked.
"Yeah, umiinom ako minsan at kung minsan ay binibilhan ko ng gatas si Hunter, and nakikita ko 'yan... naalala kita so binibili ko at pinipilit kong uminom kahit hindi ako mahilig sa chocolates..." he smiled kaya tumango ako.
"Hunter pala pangalan niya ah?" sabi ko at tinaasan siya ng kilay.
Umupo na siya atsaka mahinang tumawa. "Yeah, that's his name... cute isn't?"
Nilingon ko si Hunter na tahimik na kumain ng dog food na binigay rin ni Evan after niyang magluto. Napangiti ako at nagsimula na kumain.
"Magkano bili mo kay Hunter?" sabi ko habang kumakain.
Umangat ang tingin niya sa'kin at sinilayan si Hunter. "Binigay lang sa'kin 'yan ni Liz, alagaan ko raw..."
Ngumuso ako at ngumiti. Simulan ko na ba 'yung pag-kwento ng mga nangyari sa akin 4 years ago?
Nakatingin lang ako sa kaniya kaya unti-unting bumagal ang pagnguya niya at tuluyan ng huminto.
"What is it?" aniya.
"I will kweto na, so listen carefully..." I sighed.
Umayos siya ng upo at binitawan ang hawak niyang tinidor. Humalukipkip siya at sumandal sa back rest ng upuan.
"I received death threats no'ng bandang semis namin..." kumunot agad ang noo niya.
"What?" aniya at nanliit ang mga mata. Nahimigan ko agad sa kaniyang boses ang pagkairita at lubos na pagtataka.
"Hindi ko pa rin natutukoy kung sino ang na sa likod ng mga 'yon hanggang ngayon. They threatened me about you, pinaiwas nila ako sa'yo kaya naapektuhan ako ng sobra no'n. Bumaba ang grades ko at hindi na ako nakakapag-focus sa studies ko dahil sa sobrang daming problema na dumadating sa amin no'n... and turns out, hindi lang pala ako ang pinapadalhan nila ng death threats maging ang pamilya ko. Sa mga kaibigan ko lang nasasabi ang problema kong ito dahil bukod sa ikaw ay laging wala, which is naiintindihan ko, ay ayaw ko rin sabihin sayo dahil natatakot akong malaman mo... and you will do something about it at ayaw kong madamay ka..."
Nakita kong umigting ang kaniyang panga habang nakakunot pa rin. Dumilim ang kaniyang ekspresyon habang matalas na nakatitig sa'kin, I know he will be mad about this one dahil sa threats na 'yon at dahil sa hindi niya nalaman no'ng mga panahon na 'yon.
Pero I just thought it will be better na hindi na niya malaman no'ng time na 'yon dahil baka mas lalong lumala at mas lalong lumaki 'yung sakop ng problema na 'to at baka mas lumaki rin ang maapektuhan nito.
Napasinghap ako at saka muling nagpatuloy sa pagsasalita, "No'ng birthday ni Yeni ay umattend kami and do'n na sinabi ni Kuya ang totoo sa'kin. Our plantation is being affected at muntikan na raw mabaril si Daddy pero mabuti na lang ay nakapasok siya agad sa kotse, that was when kuya told me that I should let you go..."
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...