Kabanata 48

115K 2.8K 1.4K
                                    




Hell

"Evan, kaya ko na mag-isa okay? Baka may mahalata sila kapag parang ando'n ka..." sabi ko kay Evan.

Papunta na kasi ako sa mansion ng mga Montemayor and Evan is insisting na he will come with me para raw sigurado siya sa kaligtasan ko. I won't directly ask him about it, I will start with a small conversation and papunta ro'n.

Bakit ko naman direktang sasabihin sa kaniya na siya ang pumatay sa daddy ko? But I will make him tell it, kahit ilang beses niyang i-deny huhulihin ko siya at sisiguraduhin kong babagsak ang mga Montemayor.

"I will come with you, Reganne. Huwag kang makulit baka i-uwi kita sa bahay ko..." pagbabanta niya kaya umirap ako at napasinghap.

Hindi talaga 'to titigil kahit anong sabihin ko. He really wants assurance na I am safe but above all, I know his point. Pinabayaan ko na lang siya sumama.

"What will you tell him?" napalingon ako kay Evan habang nagmamaneho siya.

Ngumuso ako. "I will start a small talk tapos papunta na ro'n and ako na ang bahala kung paano ko siya huhulihin. I have a plan..." sabi ko kaya sinulyapan niya ako.

"Wala ka pang sinasabi sa akin ni-isa sa plano mong 'yan..." aniya.

"Sinabi ko kaya sa'yo kagabi, tinulugan mo kaya ako... kaya minsan ang sarap mong sapakin e!" singhal ko at sabay umirap.

He chuckled. "I know that, I am just kidding. I will support you to whatever you will do or your plans are... basta kailangan hindi ka mapapahamak dahil hindi ako papayag na ilalagay mo ang buhay mo sa bingit..."

"Yes po, kuya Evan..."

Napangiwi siya at kinunotan ako ng noo.

"That's disgusting, Reganne. Don't call me that, we did those stuff tapos... cringe..."

Humalakhak ako at pinalo siya sa braso kaya nahawa na rin siya ng pagtawa ko at natawa na rin siya.

Kapagkarating namin sa mansion ng mga Montemayor ay gano'n pa rin ang itsura nito, parang hindi lumuma pero hindi rin mukhang bago dahil siguro'y sanay na ang mga mata ko sa lugar na ito.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko binuksan ang pintuan ng kotse kapagkahinto ni Evan sa parking space. This is it, Reg... you can do this.

If I succeed on my plan today, bukas na bukas ay sira na ang pangalan ng mga Montemayor. This time, this will be their downfall.

I won't kill anyone, hindi naman ako murderer. I just want to give the justice for my Father and I am desperate to see them on the floor. Hindi nila deserve 'yung tinitingala sila ng mga tao dahil nakuha lang naman nila ang lahat ng kayamanan nila sa maling gawain.

"Hi, Evan!" kumunot ang noo ko sa isang babaeng naka tube lang at pencil skirt na white. Napangiwi ako sa kaniyang suot maging sa kaniyang makeup sa sobrang kapal.

Who the fuck is this? And why's she's so excited to see Evan?

Akmang yayakap sana siya kay Evan pero umiwas si Evan atsaka tipid na ngumiti. Sumimangot 'yung babae at pinalo si Evan sa braso.

Evan is wearing short sleeves shirt revealing his biceps kaya naman ando'n ang mga mata nitong babaeng 'to. Sino ka ba? Isa rin ba ito sa mga koleksyon nila ng mga ahas?

Nasa hallway pa lang kami ng mansion ay natigil na kami agad dahil sa babaeng 'to, ano bang kailangan nito at mukhang nag-iinarte pa kay Evan?

Tinaasan niya ako ng kilay nang napadpad ang kaniyang mga mata sa'kin. Sinipat niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa atsaka humalukipkip.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon