HouseInabot na kami ng gabi rito sa Sizzling on the spot at hindi pa rin tumitila ang malakas na ulan. Tila parang mas nanlalamig ako sa tuwing napapadpad ang tingin ko kay Evan na nakatungo sa pwesto niya.
Si Caleb na lang ang natira kong kasama dahil umuwi na ang iba dahil hinahanap na rin sila lalo na at umuulan. Inakala naming titila rin ang ulan pero mas tumagal pa pala ito kaya hindi na kami nakisabay kay Roseanne dahil bukod sa hindi na kami kasya sa kotse nila ay magiging abala pa kami.
Hindi ko tuloy alam kung paano makakauwi dahil naiwanan ko rin ang phone ko sa kotse. Si Evan naman ay walang load kaya mas lalo akong nawalan ng pag-asa at hintayin na lang mas tumila pa ang malakas na ulan.
Habang nakatulala lang kami ni Caleb sa kawalan ay napatingin ako kay Evan nang bigla siyang tumayo mula sa kaniyang pwesto. Nagtagpo ang aming mga mata pero bakas mo ro'n na he's not really the Evan I know.
"Let's go, baka abutan tayo ng pagsara nito mukhang matatagalan pa ang pagtila ng ulan..." aniya at baritong boses.
Tiningnan ko si Caleb na matalim na nakatingin kay Evan. Naisip ko rin na baka mas matagalan pa ang pagtila ng ulan pero paano kami makakapunta sa kotse kung ganito kalakas ang ulan?
Malayo-layo pa naman ang distansya mula rito hanggang sa free parking kaya baka mas mabasa kami ng todo.
"Edi mauna ka na. Ako na ang maghahatid kay Reganne kaya kung gusto mo suungin ang ulan ay bahala ka," ani Caleb at bakas mo ro'n ang diin sa kaniyang pagsasalita.
Umigting ang panga ni Evan at suminghap. "It is my responsibility to take care of her... I don't care if you're her boyfriend. She will come with me whether you like it or not," ani Evan at tumingin na muli sa'kin.
Hindi ako makapagsalita dahil ayaw kong may kampihan sa kanila at hindi ko rin alam kung tatayo na ba ako o hindi. Natatakot ako sa mga tingin nila.
Kinagat ko ang ibaba kong labi at dahan-dahan tumayo. "Uh... my dad will be mad Caleb, alam mo naman 'yon. Kaya mas okay na na mabasa ng ulan kaysa naman hindi na ako makalabas ng bahay." Caleb sighed atsaka tumango.
"Alright then let's go," aniya at tumayo na rin.
Mabuti naman ay naging madali siyang kausap at hindi na niya pinalaki ang tensyon sa kanila ni Evan. Alam kong hindi niya gusto si Evan around me pero Evan is doing his job so he will always be around me pero ewan ko na lang ngayon kung magiging katulad pa rin no'ng una ang pakikitungo niya sa'kin.
Nanatili kami sa exit door at tiningnan ang malakas na pagbuhos ng ulan. Mas mabuti na 'to, maliligo na lang ako para hindi ako magkasakit.
Tiningnan ako ni Evan kaya napatingin din ako sa kaniya. "Use your coat para may pang harang ka sa ulo mo kahit papaano," aniya kaya hinubad ko ang aking coat at ginawa ko itong pansilong sa aking ulo.
"Let's go," ani Evan at naramdaman kong hinawakan niya ang bewang ko pero hindi na ako naka apila dahil tumakbo na agad kami.
Kahit may pang harang ako sa ulo ko ay nabasa pa rin ang halos buong katawan ko dahil sa malakas na hangin at ulan. Hindi ko makita sila Evan at Caleb dahil diretso lang ang tingin ko sa daan habang tumatakbo kami.
Napatigil lang kami nang biglang huminto si Caleb sa gilid. "Dito na ako Reganne, ingat ka pauwi," aniya kaya kumaway ako at tumakbo na rin kami agad ni Evan.
Sa sobrang bilis nang pagtakbo ko ay hindi ko namalayan na malapit na kami sa free parking. Mabuti na lang ay may bubong do'n kaya pagkarating namin do'n ay tiningnan ko si Evan na basang-basa ng ulan, he's dripping wet and so am I.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...