BahalaNapatingin ako kay Roseanne nang bigla siyang nagsalita, "Bakit kasi andami muna nilang tinambak bago tayo mag exam ngayong midterms?" sabi ni Roseanne habang nakaupo kami ngayon sa usual spot namin.
Gumagawa kami ng mga dapat ipasa sa mga subjects namin ngayon. Naging abala kami ngayon nila Ross sa mga dapat naming ipasa. Kailangan namin ito magawa dahil baka maging malaki ang hatak nito sa card namin, since ito lang almost ang pinagkukuhanan ng grades namin.
"Ano pa bang magagawa natin?" sabi ko at ngumuso.
Madalas sa mga pinapagawa nila ay puro reaction paper, 'yung iba naman ay minimal case study about sa mga nag-failed na business. Isang linggo na lang ang mayroon kami at mag-eexam na kami ngayong midterms.
Abala rin sila Daddy sa paghahanda ro'n sa eleksyon at tumutulong si Evan sa kanila kaya kung minsan ay nagco-commute na lang ako o hindi naman ay nagpapahatid ako kay Ross.
Naging maayos na rin naman ang kalagayan namin ngayon hindi katulad dati palagi akong kinakabahan dahil baka may gawin nanaman si Yeni. I think she gave up at sana ay wala na siyang gawin. Naging mas matibay pa kami ni Evan sa mga nagdaang araw, dumaan na rin ang aming first monthsary at nag punta lang kami sa malawak na kapatagan ng La Grandeza na bandang malapit sa Casa Aqua.
Doon madalas nagshoshooting ang mga artista kung may farmer or probinsyana silang character. Madalas ay marami rin ang pumupunta ro'n para magpicnic dahil maganda ang tanawin doon, kitang-kita ang paglubog ng araw at isabay pa ang malamig na simoy ng hangin.
Inabot kami ni Evan ng gabi ro'n. Nasa likuran lang kami ng pick up at naglatag kami ro'n habang nakaharap sa magandang tanawin.
"Ang ganda ng tanawin, kahit gabi na ay ramdam ko pa rin ang kakaibang pakiramdam lalo na at kasama kita..." tumingala ako para makita si Evan.
Nasa pagitan ako ng kaniyang hita habang nakasandal ang ulo ko sa niya. Inamoy niya ang batok ko at pinapaulanan niya 'yon ng halik. Nakabalot sa hita ko ang kumot at nang naramdaman ko ang kaniyang kamay na humahawak sa aking hita habang marahang pinipiga 'yon ay sinamaan ko siya ng tingin.
"Evan... nasa labas tayo, baka mamaya may makakita sa atin!" bulong ko pero may diin sa aking pagkakasabi.
Nilibot ko ang aking tingin at wala ng tao, kami na lang ang nandito pero hindi pa rin tama na may mangyari rito.
"Wala namang tao..." bulong niya sa aking tainga at marahang kinagat 'yon.
Napatupi ang aking leeg pero inangat niya ulit 'yon atsaka muling pinaulanan ng halik ang leeg ko. Hinawi niya ang mga buhok kong humaharang sa parte ng hinahalikan niya.
"Evan..." napapikit ako nang hawakan niya nang marahan ang aking dibdib habang abala pa rin sa paghalik sa aking leeg.
"Hmmm?"
"Baka may makakita sa atin..." humihina na ang boses ko dahil sa ginagawa niya sa'kin. Hinarap niya ang mukha ko atsaka ako marahang hinalikan.
His kiss was already aggressive and hungry. Unti-unti na akong nawawala sa sarili ko...
Hinarap niya ako sa kaniya at saka dahan-dahang inalalayan papahiga sa comforter na nakalatag. Kitang-kita ko sa mga mata niya na gusto niya, tumingin siya sa aking labi at tinapat niya ro'n ang kaniyang hinlalaki.
Marahan niyang ginalaw ang aking ibabang labi gamit ang kaniyang hinlalaki at muling tumingin sa aking mga mata.
"I want to do it... do you want to?" his voice was sexy and husky.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...