Hope
"May mga pagkain ba sa inyo, Reganne?" tanong ni Yron kaya inirapan ko siya.
Naglalakad na kami papalabas ng school. Didiretso na raw kasi sila sa bahay para do'n na kami mag-review. Review for long quiz na rin kasi ito para sa darating namin na examination.
"Oo Yron. Pwede naman akong magpahanda kung gusto n'yo ng pagkain," sabi ko.
Natanaw na namin si Evan sa labas ng gate, as always he looks good whatever he wears. Magulo ang kaniyang buhok habang nakapamulsa, kitang-kita ko ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin.
"Ayan na pala si Evan," sabi ni Sabrina at tumingin sa 'kin.
"Yes girl, nakita niya rin." Umirap si Sabrina nang sabihin 'yon ni Roseanne.
Pagkalapit namin kay Evan ay ngumiti agad siya sa 'kin kaya nginusuan ko lang siya at saka na kami naglakad papuntang pickup. Katulad pa rin ng dati ang pwesto namin.
Habang nasa biyahe ay biglang kinuha ni Evan ang aking kamay kaya tiningnan ko siya. He's just seriously looking at the road at hindi niya man lang ako tinatapunan ng tingin, but I know that he's just trying to get my attention dahil nakatingin lang ako sa bintana.
"How's your day?" tanong niya sa malambing na boses.
Here we go again. Para na naman akong dinuduyan sa kaniyang boses, na para bang ang sarap-sarap pakinggan at ulit-ulitin sa aking tainga. He's just so . . . sweet.
"It's okay, marami kaming long quiz kaya magre-review kami sa bahay." This time ay napatingin na siya sa 'kin.
Maamo ang kaniyang mga mata nang tumingin siya sa 'kin pero muli rin ibinalik sa daan ang tingin.
"Really? Gusto mo tulungan kita?" Sumulyap siya ulit sa 'kin at hinihintay ang sagot ko.
"Sakto, Evan! Sige tulungan mo kaming mag-review, dahil baka bumagsak kami ro'n," biglang singit ni Sabrina.
He was talking to me, not to you.
"It's okay but if you insist though mas maganda naman kung matulungan mo kami, pero wala ka bang gagawin?" sabi ko kaya umiling siya agad.
"I can do those things after I help you, you are my priority . . ."
Natahimik ako sa sinabi niya at parang hindi rin huminga nang saglit sina Roseanne at Ross, but Sabrina just broke the silence.
"Ang sweet naman nito, kayo na ba?" sabi niya kaya nilingon ko siya at saka inirapan. Humalakhak naman siya.
"Reganne can do something about that, kung 'yon lang naman pala ang usapan," sabi ni Evan at sinulyapan ako.
Napatakip ako sa mukha ko dahil hindi ko alam kung namumula ba ako sa inis o sa kilig, I hate this situation.
"Mukhang ayaw ka naman sagutin ni Reganne, sige ka Reganne, baka maagaw pa 'yan ng iba!" sabi ni Sabrina at tumawa.
Tinaas ko ang kilay ko habang nakatingin sa daan. "Sino naman ang aagaw sa kaniya?"
Nakita kong napatingin sa 'kin si Evan dahil siguro sa aking tono. Parang may dumaan bigla na anghel dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla kasi akong nairita sa sinabi ni Sabrina, as if she's trying to warn me na baka maagaw sa 'kin si Evan. Sino naman ang aagaw kay Evan? Siya?
Hindi na muling nagsalita si Sabrina hanggang sa makarating kami sa bahay. Bumaba na kami at nagtama ang tingin namin ni Evan and he knew that I got something on my mind. Nagtatawanan naman sina Yron at kami nila Roseanne ay seryosong naglalakad papasok sa bahay.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...