ConfuseLumipas pa ang ilang araw at palagi akong pumupunta sa bahay ni Evan. Pagkatapos ng work niya ay sumasama ako sa kaniya pauwi at kung madalas ay natutulog ako sa kanila, he still respects my boundaries kaya hindi niya ako tinatabihan kapag natutulog.
Just like the Evan I know. He's gentle, sweet and caring. Ngayong araw ay mag-eenroll ako at sasamahan daw ako ni Evan, sabi ko huwag na dahil kasama ko naman sina Roseanne at hindi naman ako didikit kay Caleb.
Wala naman akong nagawa at hinayaan na lang siya. He gave me rights on him so maybe I should give him rights on me for some things. Hindi ko tuloy alam kung tama ba 'yon pero alam ko naman na he knows his limitation.
Nakasakay kami sa bagong pinapagamit sa kaniya ni Daddy, 'yung pick up na ford f150. Tiningnan ko si Evan na seryoso lang na nakatingin sa daan. Nang naramdaman niya ata na nakatingin ako sa kaniya ay sumulyap siya sa'kin.
"What?" Nakataas ang kaniyang kilay habang nakangisi.
Umiling ako at umiwas na ng tingin. Tinago ko ang aking pagngiti. Hindi ko alam kung ano pa ang susunod na mangyayari pero ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay saya.
Kasi kahit papaano ay nagkaroon ng eksplanasyon sa akin 'yung mga actions niya. Alam kong sooner... mas magiging maayos din ang lahat. Mas magiging maliwanag. Sa ngayon ay mananatili muna ako sa kung anong mayroon kami ni Evan.
Nararamdaman ko naman at alam kong seryoso siya sa akin. Hindi ko maaring sabihin na gano'n pa rin siya tulad noon. 'Yung tungkol kay Yeni... sasamahan ko siyang ayusin 'yon. Imbis na pangunahan ko siya, at husgahan... bakit hindi ko na lang siya mas kilalanin? Para nang sa gano'n ay mas magkaroon kami ng mas maayos na komunikasyon.
Pagkarating namin sa LGC ay nakita ko na agad sila Roseanne na naghihintay ro'n sa tapat ng gate. Pinark ni Evan ang kotse.
"Wait for me." Kumunot ang aking noo.
"Why?" Hindi na niya 'yon sinagot at bumaba siya. Umikot siya papunta sa'kin atsaka ako pinagbuksan ng pintuan.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya tinaasan niya ako ng kilay. "What?" aniya.
"I can do that for myself, you don't have to do that." Nanatiling seryoso ang ekspresyon niya.
"Your daddy is just being gentleman, and I don't think it is bad though." Tumawa ako at umiling. Wala na talaga kong magagawa kung natural na sa kaniya ang pagiging gentleman.
Pero kaya ko naman buksan 'yung pinto para sa'kin at nakatingin kasi sila Roseanne nakakahiya. Evan looks daddy on his outfit, sasamahan niya lang ako pero naka-shades pa siya. He's wearing a plain white v-neck shirt and ripped jeans along with his favorite brown leather boots.
"Nahiya naman kami sa suot mo, para mo kaming mga alalay." Tumawa ako at inirapan si Roseanne.
"Inaano ka ng suot ko Roseanne? Tara na nga dahil ang init-init dito."
"Sana naisip mo 'yan kanina pa." Tumawa ako at kinapitan siya sa braso.
"Sorry na!" Umiling siya at tumawa.
Nilingon ko silang lahat at napatigil ang mga mata ko kay Caleb. Nakatingin siya sa akin at bakas ro'n na malungkot siya pero ngumiti rin siya kaya ngumiti na lang din ako pabalik. Hindi ko alam kung paano kakausapin si Caleb pero sooner or later alam ko namang maiintindihan niya rin.
Pagkapasok namin sa school ay binati namin si Kuya Erto, 'yung guard na pinapalabas kami ng maaga kapag wala na kaming klase. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng school, I kind of miss this place pero malapit na rin naman na ang pasukan.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...