StopNakatulala lang ako sa kawalan habang andito kami nila Ross sa field ng school. May mga naglalaro ng batuhan bola, tapos 'yung iba abala naman sa mga projects. Samu't sari ang mga estudyante ngayon sa field dahil wala kaming klase pero required kaming pumasok para sa attendance.
Nakaupo lang kami sa damuhan habang nakahiga ako sa lap ni Ross at nakatingin sa mga dahon na nakikisabay sa ihip ng hangin. Nasa ilalim kami ng isang American sycamore rito sa school.
Nagbabasa lang ng libro si Ross habang ang iba kong kaibigan na lalaki ay naglalaro ng basketball kasama si Felix. Pinilit palaruin ni Felix kaya wala na rin silang nagawa atsaka ang alam ko marunong naman sila hindi lang talaga sila naglalaro.
Katabi namin ni Ross si Roseanne na abala naman sa paggawa ng kung anu-anong lettering sa notebook niya. Ang akala ko ay may klase ngayon tapos biglang ito lang ang dadatnan ko? Nakatambay lang kami lahat sa field.
Nagmadali pa akong pumunta rito sa school dahil sa takot na ma-late ako sa klase. Iniisip ko pa rin kung saan dinala ni Yeni si Evan... Evan is not yet texting. At kinakabahan ako kasi baka mamaya kung ano na ang ginawa ni Yeni sa kaniya.
Hindi ko pa masyadong kilala si Yeni. Pero I am scared of what she can do and the power she holds. Model lang naman siya at kung atensyon sa ibang tao ay talo ako, at mas lalo naman sa negosyo, kung pataasan ng antas sa buhay ay talo rin ako.
Evan was her first love. Nauna siya at may kailangan pa silang tapusin, bigla nalang akong dumating at parang pinalitan ko siya sa buhay ni Evan. Ano ba talagang lamang ko kay Yeni? Bakit deserve kong ako 'yung piliin ni Evan kaysa sa kaniya? Do I really deserve this?
Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung nag-text ba si Evan and he didn't. Huminga ako nang malalim atsaka nagtipa ng text kay Evan.
Reganne: Evan, where are you? Please text me back, ASAP.
Napatingin ako kay Ross nang bigla siyang nagsalita, "You look worried, are you okay?" aniya at ginilid ang libro para makita niya ako.
"Something is bothering me..." sabi ko kaya kumunot ang noo niya at sinarado ang binabasa niyang libro.
"Ano 'yon?" sabi niya.
Bumangon ako at nag-indian sit at nilagay ang mga buhok kong nasa mukha ko sa likuran ng tainga ko. Napatingin na rin si Roseanne sa'kin at hinihintay ang sasabihin ko.
"Montemayor is investing to our plantation and as you know, Yeni is a Montemayor. Her father ask daddy kung pwede bang si Evan ang mag-tour sa kanila sa plantation and kaninang umaga ay sinundo ni Yeni si Evan dahil ngayon na raw sila magpapa-tour sa plantation..." sabi ko.
"Kaya pala naka-tricycle ka kanina," sabi ni Roseanne at ngumuso.
"I went to our plantation to see kung ando'n sila pero sabi no'ng isa naming trabahador ay hindi naman dumadating si Evan do'n, and I'm kind of worried what is happening right now at hindi man lang nagte-text si Evan sa'kin." I sighed.
"Hindi ba talaga titigil si Yeni sa mga balak niya sa'yo? Gano'n na ba talaga siya ka desperada na makuha si Evan?" sabi ni Roseanne.
"Kinuha niya pa nga ang loob ni Daddy para lang maging malakas siya kay Daddy and syempre, investors sila kaya naman malamang ay ineentertain 'yon ni Daddy. Sinabi pa kanina ni Daddy na I should break up with Evan and let Yeni and Evan be happy together..." nalukot ang mukha ni Ross.
"Masyadong maraming ginawa 'yang si Yeni para mapaikot ang mga nasa paligid mo. She's pretty and can act kind, kaya malamang ay madali niya lang makukuha ang mga tao sa paligid mo katulad ng ginawa niya kay Sabrina." Nagkatinginan kami ni Roseanne at sabay kaming suminghap.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...