Kaya
Mabilis kaming umupo nila Roseanne malapit sa kanila. Nakaupo ako at si Roseanne sa sofa kung saan nasa likuran lang namin ang kausap ni Sabrina. Pinagpapawisan ako kahit malakas ang aircon dito.
Kinakabahan ako dahil naririnig ko 'yung pinaguusapan nila. Nakatingin lang sa'kin si Perci pero sa tingin ko ay pinapakinggan niya rin kung ano 'yung pinaguusapan nila.
Walang masyadong tao kaya naririnig namin ng maayos ang kanilang pinaguusapan. Bukod sa mahinang music na galing sa coffee shop ay boses na nila ang puro naririnig namin.
Kumalabog ang dibdib ko nang narinig ko ang pangalan ni Evan.
"Evan will not settle for less, may taste si Evan pagdating sa mga babae and that Reganne is just a low class rich bitch. Bukod sa pagiging mayaman ng angkan niya ay wala ng maganda sa kaniya," sabi no'ng kausap ni Sabrina.
It was not the voice of Sabrina kaya natukoy ko na 'yun 'yung kausap niya and it is a girl? Who is it?
"Reganne is still beautiful for me pero hindi naman akalain na malandi rin pala siya... I wasn't expecting that. Pero tuloy ang lahat 'di ba?" sabi ni Sabrina.
The girl scoffed. "Malandi talaga siya, inagaw niya lang naman si Evan kaya wala siyang rights kay Evan. Kaya ngayon ay papabagsakin ko ang babaeng 'yan," sabi no'ng kausap ni Sabrina.
"Sige ako na ang bahala sa pang pagulo, at ikaw na ang mag-focus sa target mo," sabi ni Sabrina.
"Panigurado akong magugulat siya sa sorpresa ko sa kaniya," sabi no'ng kausap ni Sabrina at mahinang tumawa.
"Sigurado na magugulat siya, kailan ba ang alis mo?" sabi ni Sabrina.
"Mamaya aalis na ako, mineet lang kita dahil syempre, masyado na tayo nag-focus do'n sa plano at nakalimutan na natin na magkaroon ng quality time together." Tumawa silang parehas.
Anong plano at sorpresa nila sa'kin? Sino 'yung kausap ni Sabrina at anong kinalaman niya kay Evan? Marami ba akong hindi alam kay Sabrina at hindi ko kilala kung sino ang kausap niya ngayon?
"Miss Yeni po?" sabi no'ng isang staff ng coffee shop na 'to, na ibig sabihin ay handa na ang order. Nagkatinginan kami ni Roseanne nang narinig namin 'yon.
Nagulat ako nang biglang gumalaw ang sofa sa likuran ko. Napatingin si Perci sa likuran namin atsaka tumingin sa'kin.
"Si Yeni nga," bulong niya.
Nagkatinginan ulit kami ni Roseanne. Mas lalo akong kinabahan pero lubos din akong dinapuan ng pagtataka dahil anong mayroon kay Sabrina at Yeni? Bakit sila magkasama?
Kasama niya ba si Yeni sa lahat ng mga ginawa niya?
"Well, anyway. I gotta go na rin, tuloy mo ang plano natin and ako na ang bahala sa pasabog natin. Don't get caught at huwag mong sasabihin kay Reganne na kilala mo ako," sabi ni Yeni.
Nakita kong naglakad na si Yeni papalabas pero bigla siyang lumingon para sana tingnan si Sabrina pero nagtagpo ang mga mata namin kaya nagulat siya pero unti-unti rin napalitan ang kaniyang ekspresyon.
Ngumisi siya at tinaas ang kilay.
"So... andito pala ang kabit." Humalukipkip siya habang hawak 'yung iced coffee niya.
Anong kabit sinasabi niya?
"Teh mainit, bakit ka naka-jacket?" sabi ni Roseanne kay Yeni.
Napatingin ako kay Sabrina nang tumabi siya kay Yeni atsaka tumawa.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...