Think
Sa sobrang space out ko, hindi ko na maintindihan 'yung sinabi ni Felix kaya marahan akong umiling para maintindihan ko 'yung sinasabi niya. Para lang akong nagre-review para sa exam bukas tapos walang pumapasok sa utak ko.
"Hey, Reganne, are you okay?" 'Tsaka lang nag-process sa akin ang sinabi ni Felix nang bigla niyang hawakan ang aking balikat.
Napasinghap ako at kaagad na tumango. "Yeah, I'm okay. Ano ulit 'yung sinasabi mo?" Mahina siyang natawa at napailing.
"Are you allowed to drink?" Tumaas ang kaniyang kilay at nanliit ang kaniyang mga mata.
Umiling agad ako at ngumiti. "I'm allowed to drink juice and softdrinks," sabi ko kaya tumawa siya.
"Okay then, so gusto mo bang uminom ng juice?" Tumango ako habang nakangiti pa rin.
Kahit hindi naman ako nauuhaw ay pumayag na ako sa alok niya dahil wala na akong masabi. Wala na rin akong naintindihan at maalala sa mga sinabi niya kanina at ang tanging naalala ko lang ay nagsasalita siya.
Tinulungan niya akong umahon. Nahawakan niya pa ang baywang ko para mas maiangat ako pero hindi ko na 'yon pinansin. Pinagsalinan niya ako ng lychee juice at saka ito ibinigay sa 'kin, simple lang din akong ngumiti ulit bilang pasasalamat at saka tinanggap 'yung baso.
Pinanuod ko siyang nagsalin ng whiskey sa isang baso. Pinasadahan niya ng kaniyang mga daliri ang kaniyang basang buhok at saka niya dinilaan ang ibabang labi.
Umupo kami sa gilid ng pool at pinapanuod namin ang mga taong naglalaro sa tubig. May mga naghahalikan na rin sa gilid at may mga nagkwekwentuhan din kagaya namin ni Felix.
"So that guy na nag-drive sa inyo kanina, is that your boyfriend?" Nilingon ko siya. Nakatitig lang siya sa 'kin na para bang umaasang hindi ang isagot ko.
"We are almost there, why?" Ngumiti ako at kaagad naman siyang umiling.
"You guys look good together. Mukhang wala na akong pag-asa," aniya kaya mapait akong natawa.
Umiwas siya ng tingin at sumimsim sa kaniyang whiskey. His adams apple protruded. Suminghap ako at pinagaspas ang aking mga paang nakalublob sa tubig.
"Are you cold?" aniya nang nakita niyang ininda ko ang malamig na simoy ng hangin.
"Konti, pero it's okay." Tumayo siya at mukhang kinuha ang isang puting tuwalya at saka ipinatong sa aking likod.
"Take my towel then," aniya at muling umupo sa tabi ko.
Ngumiti lang ako at tinanggap na lang ang kaniyang alok. I'm trying to focus on Felix since it is his birthday at gusto kong maging okay siya kahit papaano. Pero hindi ako makapag-focus dahil hindi pa rin nahahagip ng mga mata ko sina Evan at Sabrina.
Ayokong mag-isip ng kung ano since kaibigan ko siya, pero I know Sabrina, hindi siya basta-basta kumakausap ng lalaki at kung magpapasama man siya ay isa sa mga kaibigan namin or sa 'kin. I just don't get it bakit kay Evan siya nagpasama.
Umiling ako at suminghap. Maybe it was just coincidence that she got comfortable with Evan and asked him to accompany her. She is my friend, she won't do what I am thinking.
"Mukhang ang lalim 'ata ng iniisip mo, ah?" Napatingin ako kay Felix. He was just smiling while looking at me.
Umiling ako. "Pwede, samahan mo ako? I want to find Evan and Sabrina," sabi ko kaya nagtaas siya ng kilay.
"Sure."
Tumayo kami at tumungo papunta sa kanilang bahay.
"Are they close?" aniya kaya umiling agad ako.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...