Beach"I never thought that she would do that," ani Sabrina at tinusok ng tinidor ang isang pirasong broccoli.
Habang naguusap kami ni Evan kanina sa kwarto ay biglang kumatok si Ross at inaaya kaming mag-lunch. We are talking about our high school classmate na nag-commit ng suicide just because her boyfriend broke up with her.
"Ang sabi ay matatag daw siya kaya hindi ko rin maitindihan kung bakit bigla na lang siyang nagpakamatay," bahagyang nalilitong sabi ni Roseanne at nagkibit balikat.
Naisip ko rin na hindi makabuluhang dahilan 'yon kapalit ang isang buhay. I don't think love did that, she did that. Tinatanggap natin sa sarili natin na mahal na natin ang isang tao at ano naman ang kasalanan ng love ro'n if it was just expressed by someone who doesn't know its limitation.
Some other says that once you fall in love, you're out of control and you just fell. Pinagkibit balikat ko na lang ito at nakinig na lang sa usapan nila.
Nagpresinta akong maghugas para naman ay malibang ako habang sila ay nag-aayos ng gamit sa kani-kanilang mga kwarto. Kaming dalawa na lang ang nandito sa kusina.
Nakasandal siya sa bar table habang nakahalukipkip at nakatitig sa akin. Nai-intimidate ako sa tingin niya dahil pakiramdam ko ang haggard ko na at naiinitan na rin ako kaya gusto ko na rin mag-shower.
Sinipat ko siya nang tingin kaya tinaasan niya ako ng kilay atsaka ngumisi. Inirapan ko siya kaya para akong nanginig nang bigla siyang pumunta sa aking likuran.
He hugged me from behind atsaka sumadandal sa aking balikat. He filled the spaces between my head and my neck. Napangiti ako habang nakayakap siya sa'kin, back hugs are the best.
"What is it?" malambing kong tanong.
"Nothing...I just want to hug you," aniya. Tumayo ang balahibo ko sa leeg nang bigla niya 'yon amuyin atsaka bahagyang hinalikan.
"Evan!" singhal ko dahil nakikiliti ako.
Mahina siyang natawa atsaka inayos ang muli ang pagkakasandal sa'kin. He hugged me until I finished washing the dishes. Humiwalay na lang siya sa pagkakayakap nang tinanggal ko 'yon.
"Ang clingy mo!" inirapan ko siya.
Ngumisi si Evan atsaka hinabol ang kamay ko. "Clingy talaga ako pagdating sa gusto kong tao..." Iniwas ko ang tingin ko sa sinabi niya atsaka binawi ang kamay ko.
Noon naman ay hindi siya ganito ka-clingy pero as the day goes by unti-unti na siyang nagiging clingy. He's demanding for hugs, he likes to hold my hand, hinahawakan niya ang baywang ko at kung anu-ano pa.
Ngumiti siya at hinila ulit ako. He hugged me. Nakasubsob lang ako sa dibdib niya habang sinusuklay niya ng kaniyang mga daliri ang aking buhok.
"I like to hug you all day, Reganne..." Umangat ang tingin ko sa kaniya kaya tumingin din siya sa'kin.
"Ayaw ko kaya ng clingy," sabi ko kaya kumunot ang noo niya. I was joking but I want to see his reaction.
"Ngayon gusto mo na, dahil gusto mo 'yung clingy sa'yo," sabi niya sabay ngumisi at mahinang napatawa.
Alam niya talaga na gusto ko siya, pero hindi ko pa masabi na mahal ko siya. Pero hinahayaan ko ang sarili kong mas pa mahulog sa kaniya... bahala na. Naniniwala naman ako kay Evan.
Bigla ko tuloy naisip. Do people love just because they want to be loved? They want their love to be reciprocated?
Nagmamahal ako dahil mahal ko 'yung tao hindi dahil gusto kong masuklian din ang pagmamahal ko pero at the same time, natatakot akong masaktan na baka ako lang 'yung nagmamahal.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...