Kabanata 38

96.1K 1.9K 609
                                    




Threats

Kakatapos lang ng exam at andito kami nila Ross sa kainan malapit sa school. Nakapag-review naman ako ng maayos pero hindi ko alam kung bakit no'ng exam na ay hindi ko na matandaan lahat ng nireview ko.

Sadyang ginagambala lang ako no'ng natanggap kong text, it is just so odd na may magte-text sa aking ng gano'n. Konektado pa rin ba 'to kay Yeni o kanino man?

"Hindi ko rin kasi talaga sigurado kung sino ba 'tong nag-text sa akin..." sabi ko.

Ngumuso si Roseanne. "Hindi kaya si Yeni nanaman 'yan? Tapos palabas niya lang 'yung nag-sorry siya sa'yo no'ng nasa tent kayo?" sabi niya kaya napasinghap ako.

"May part na pwede 'yon pero may part din na baka hindi." Napatingin ako kay Yron nang sabihin niya 'yon.

Everything is possible kaya hindi naman pwede na mag-stick ako sa conclusion na si Yeni 'to. Who knows kung totoo ba si Yeni sa sinabi niya sa akin no'ng na sa tent kami o hindi? Hindi ako sigurado kung dapat ko ba itong sabihin kila Daddy.

"May kilala ka pa bang may galit sa'yo o konektado kay Evan?" napatingin ako kay Ross habang nakahalukipkip.

Kumunot ang noo ko. It could be possible too na may mga tutol sa amin ni Evan at hindi na lang ako harapin para magka-alaman na lang. Ang akala ko ay tapos na, pero bakit may ganito pa rin? Bakit parang may ayaw pa rin na maging maligaya kami?

"Hindi ako sigurado e, wala naman akong kilala pa na tutol sa amin ni Evan. Kung si Sabrina man 'to, what's her purpose? Ano namang plano niya ngayon kung siya man ito?" sabi ko at napasabunot sa buhok ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Roseanne na dumapo sa aking likuran atsaka 'yon hinagod.

"Just don't think about it too much, malapit na tayo mag-second semester. Kailangan mas pag-igihan natin, may semis at finals pa tayong dapat lagpasan..." sabi ni Roseanne.

"Oo nga Reganne, focus ka na lang sa kung ano 'yung mayroon ngayon. Huwag ka munang mag-overthink o pabayaan mo na lang 'yan, baka kasi kapag mas kinabahan ka baka maapektuhan ka 'di ba?" ani Pohal.

Inayos ko ang buhok kong pumunta sa mukha ko atsaka 'yon nilagay sa aking likuran ng tainga. Suminghap ako atsaka tumango.

"Yeah, that's a good idea. Huwag ko na lang din isipin 'yung about diyan." Tumango lang din sila at ngumiti.

"We are here, kaya huwag mong solohin 'yan. Tell us kung anong nararamdaman mo at andito kami para damayan ka..." sabi ni Caleb kaya nginitian ko siya.

"We are here." Ngumuso ako kay Ross atsaka mahinang tumawa.

"Salamat, mabuti na lang ay andiyan kayo kasi hindi ko na alam ang gagawin ko. This is not just a normal thing to ignore, what if marami siyang plano 'di ba? Na panigurado ay ikakasira ko... pero siguro nga, I shouldn't be focusing about this," sabi ko.

Sinubukan kong hindi pansinin ang mga text sa akin ng taong 'to pero habang tumatagal... the normal texts became a death threats. I kept my mouth shut because I'm too scared.

This person keeps on telling me that if I tell this to my family, madadamay ang pamilya ko at papatayin niya ito isa-isa. Death threats are not a joke, kaya paano kung gawin niya? Hindi ko siya kilala so paano ko masisigurado na hindi niya nalaman na sinabi ko sa pamilya ko.

It will be my huge downfall kapag nadamay ang pamilya ko rito. Sila ang sandalan ko pero sa ngayon, kaibigan ko muna ang sasandalan ko. Ayokong sabihin sa kanila 'tong natatanggap kong death threats, mas lalo na kay Evan.

Mas marami siyang threats sa akin about kay Evan. Sinasabi niya na kapag sinabi ko 'to kay Evan, papatayin niya raw ang mga magulang ko or much worst ay idadamay niya lahat pati ang mga kaibigan ko.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon