PlantationIlang linggo na rin nagtatrabaho si Evan dito sa farm namin sa bahay. Natutulungan niya ng maayos si Mang Leto at ang iba pang mga tauhan.
Naging malaki ang tulong ni Evan sa farm lalo na at mas malakas siya sa iba naming tauhan. Hindi ko naman akalain na magugustuhan ng lubusan ng iba naming kasambahay ang ugali ni Evan.
Bukod daw sa ito ay gwapo, mabait at magalang pa ito. Magalang siguro siya sa mga nakakatanda sa kaniya pero hindi ko naman masabi kung magalang ba siya sa'kin pero sapat na 'yung nirerespeto niya ako bilang tao.
Lumabas ako mula sa aking kwarto at bumaba. Napakunot ang noo ko nang nadatnan ko si Evan na nakatayo malapit sa pintuan at mukhang may hinihintay siya.
Nang nakita niya ako ay tinitigan niya ako na para bang binabasa niya kung ano ang nasa isipan ko. Kinunotan ko siya ng noo dahil sa pagtatakang anong ginagawa niya rito, hindi pa naman oras ng harvest ng mga mansanas at iba pang mga prutas at isa pa ay kaka harvest lang nila no'ng nakaraan at naipadeliver na 'yon kahapon sa bayan ng La Grandeza.
"Anong ginagawa mo rito? Wala namang dapat gawin sa farm ah, hindi ba dapat ay nagpapahinga ka naman?" ani ko habang nakakunot ang noo.
Mapupungay ang mga mata niya nang nagsimula siyang magsalita, bakas mo ro'n na pagod siya pero mukha atang may pinapagawa pa sa kaniya si Dad kaya andito pa siya.
"Your Dad ask me to accompany you sa plantation ng mga bulaklak, dahil pupunta raw si Ma'am Rina sa Alberta sa susunod na buwan kaya habang wala raw ang mommy mo ikaw muna ang bahala sa buong plantation," ani Evan.
"Ano?! Hindi pa ako handa na hawakan ang buong plantation, malaki ang ikakawala ni Dad kung sakaling mag-fail ako ro'n. This is too much risk." I clenched my fist at pumikit ng mariin dahil sa takot.
"Don't worry, I will help you..." Napatingin ako sa kaniya nang bahagya niyang hawakan ang balikat ko.
Suminghap ako at tumango. Mukhang wala naman akong magagawa dahil my Father won't let me waste my time and instead I should spend my available time for something resourceful.
"Where's dad nga pala?" seryosong tanong ko kay Evan.
He bit his lower lip atsaka binasa ito kaya naging mas mapula ito, iniwas ko agad ang tingin ko ro'n at tumingin sa mga mata niya.
Tumikhim siya nang napansin niya atang antagal niyang sumagot. "I think he went again to Manila, I don't know dahil busy rin ako sa farm dito," ani Evan.
Talagang hindi ako hinayaan ni Dad umapila sa mga gusto niya, atsaka it's my Dad ayoko na sumuway sa kaniya pagdating sa mga business. So, as much as possible ginagawa ko 'yung best ko para maipakita sa kaniya that I am trying.
"So anong gagawin ko ngayon? Kailangan ko bang pumunta ro'n?" sabi ko sa kaniya na may halong pagaalintana.
Napakunot ang noo ko nang napansin kong sobrang pungay ng mga mata niya, as if he is just trying to keep himself awake.
Hindi rin mukhang nagf-function ang isip niya ng maayos dahil hindi siya ka agad nakakasagot sa mga tanong ko.
"Did you even have a rest, Evan?" Bakas sa boses ko na naiirita ako.
"Uhmm...yeah. I slept for 2 hours pero ginising ako agad ni Mang Leto ng mga 4am para tulungan siya and kakatapos ko lang din siya tulungan. Sakto ay mga ganitong oras din ikaw binilin sa'kin ng Daddy mo," sabi niya at walang mintis, bakas na bakas sa boses niya na pagod siya at kailangan niyang magpahinga.
"Instead of going with me, magpahinga ka na lang at maghahanap na lang ako ng driver na pwedeng tumulong sa'kin," sabi ko pero he immediately shook his head.
![](https://img.wattpad.com/cover/217408977-288-k838914.jpg)
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...