BabyNaka-upo lang ako sa sofa sa may garden at nakasandal naman si Evan sa'kin. Nakatulala lang ako habang pinapanuod ang kalangitan ng unti-unting nagdidilim.
Naramdaman kong pumalibot ang braso ni Evan sa'kin habang nananatiling nakasandal sa'kin. He's clingy again.
"What are you thinking? Hmmmm..." aniya kaya napasinghap ako.
"Iniisip ko lang na paano kung kaya pala sirain ni Sabrina 'yung pagkakaibigan namin para lang sa isang lalaki?" sabi ko.
Hindi na siya nagsalita kaya tumitig na lang muli ako sa langit. Kaya kaya ni Sabrina gawin 'yon? Kasi ako hindi ko kayang isuko lahat ng pinagsamahan namin para lang sa ganito kababaw na dahilan, it will be always more than that.
"Gusto mo kantahan kita?" hindi ko alam pero bigla akong natawa sa sinabi ni Evan.
Hindi ko pa naririnig kumanta si Evan, maganda kaya boses niya? Humarap ako sakaniya kaya tumuwid siya ng upo at hinihintay ang aking sagot.
"Sige nga..." tinaasan ko siya ng kilay atsaka ngumuso.
"Baka mas lalo kang mahulog sa'kin kapag narinig mo akong kumanta..." aniya at ngumisi.
Hindi ko alam pero kinilig ako sa sinabi niya kaya inirapan ko na lang siya. Humalakhak siya.
"Do you have a guitar?" aniya kaya napanguso ako.
"Uh... yeah mayroon diyan sa sala, hindi ata nakatono." Tumango siya kaya tumayo ako para kuhanin 'yon.
"Kuya and Daddy used to play a guitar at ako lang ang kinakantahan nila, ako raw 'yung prinsesa ng buhay nila..." tumawa ako.
"But this time, I'll be singing to my queen..."
Umupo na ako sa gilid niya at binigay ang gitara. Umirap lang ako sa sinabi niya, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko kapag gumagano'n siya. Kumakalabog lang 'yung dibdib ko...
Pinanuod ko siyang tinotono 'yung gitara at mukhang sanay na siyang tumugtog nito. Sa kaniyang postura at tindig ay mahahalata mong bihasa na siya plus, he looks much more handsome holding a guitar.
Tumango-tango siya nang mukhang naitono na niya. Lumunok siya at sinipat ako ng tingin. The way he looks at me, it's so very deep as if he's looking into my soul, trying to get in.
Tumayo ang mga balahibo ko nang nagsimula na siya. He licked his lips at tiningnan ang gitara bago muling ibinaling ang tingin sa'kin.
Ngumiti siya sa'kin atsaka nagsimulang kumanta...
"There are days... I wake up and I pinch myself. You're with me not someone else..."
Napangiti ako. Para niya akong dinuduyan sa kaniyang boses, his baritone voice and the rhythm of the song fits perfectly. Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang kumakanta...
Hindi ko maialis ang mga mata ko sa mga mata niya. It's like I've been fallen so hard to this man and I will never ever recover to that fall.
"And I am scared, yeah, I'm still scared. That it's all a dream... 'Cause you still look perfect as days go by. Even the worst ones, you make me smile. I'd stop the world if it gave us time..."
Napangiti ako nang bigla siyang ngumisi. Kinagat ko ang ibaba kong labi habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Mapupungay ang mga mata niya pero ramdam na ramdam ko sa kaniyang titig.
Kung gaano niya kagustong sabihin sa'kin ang bawat lirikong handog ng kantang kaniyang inaawit.
Huminto siya sa pagi-strum at hinawakan ang aking pisngi.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...