Wakas

167K 4.1K 3.2K
                                    

Hi! This is the Wakas of Oblivion Sea, Reganne and Evan will sign off... Tweet me your reaction and thoughts about the story @JosevfTheGreat is my twitter username, #OblivionSeaJTG Thank you!

TRIGGER WARNING: SENSITIVE WORDS AHEAD!
___

Pagwawakas

"Evan, dito tayo sa walang tao," halinghing ni Yanna.

Ngumisi ako at luminga sa paligid kung may nakakita ng pagpasok namin sa lumang faculty na ngayon ay ginagawa at puro tambak pa lang. Sinarado ko ang pintuan at saka marahang hinalikan si Yanna.

"Evan, gagawin ba natin dito?" bulong niya habang bakas sa kaniyang mga mata ang pagkahumaling sa akin.

"Of course..." ngumisi ako at muli siyang hinalikan.

Tatanggalin ko na sana ang uniform niya nang biglang may pumasok sa teacher at nakita kami.

"Mr. Del Monfrio! Nako naman, ilang beses na kitang nahuhuli na iba't ibang babae ang kasama rito!" singhal ni Mrs. Feliticia.

I smiled awkwardly at saka hinila papaalis do'n si Yanna.

Badtrip ampucha, nahuli pa kami. Hindi ko pa nga 'to nasasampolan pero patay na patay na sa akin. Tiningnan ko ang kaniyang hita na makinis, damn... I want to touch it.

Pumunta kami sa kubo malapit sa canteen at nadatnan ko ro'n sila Kayzer. Inakbayan ko si Yanna at hindi siya umapila sa aking ginawa. Nang nagtagpo ang mga mata namin ay kinindatan ko siya kaya napangisi ako nang para siyang kinilig.

"Hoy Evan! Iba na naman 'yan ah?" ani Kayzer kaya mahina akong tumawa.

Umupo ako sa tabi ni Kayzer at pinaupo ko naman si Yanna sa tabi ko. Kinagat ko ang ibaba kong labi nang nagkaroon na ako ng pagkakataon mahawakan 'yung hita niya.

Sinulyapan niya ako habang nakangisi, pero hindi ko pinansin ang kaniyang tingin. Tanaw ko ang canteen mula rito nang may nakita akong isang babaeng maganda, shit... parang nagsitayuan 'yung mga balahibo ko. Nabitin kasi ako kanina.

Hindi ko alam kung saan nagsimula 'tong pagiging babaero ko. Basta para sa akin ay normal lang naman mahumaling ako sa babae dahil lalaki ako. Gano'n naman 'yung love na sinasabi nila e. The constant affection to your partner.

Paalon ang kaniyang buhok at tinatangay ito ng hangin. Kumikinang ang kaniyang balat dahil nasisikatan siya ng araw at 'yung labi niya... tangina... gusto kong halikan.

"Ayon nakakita ulit ng bagong target..." si Jerico.

"Sandali lang, babalik ako... mukhang bago kasi, tutulungan ko lang." Tumayo na ako at iniwanan lang do'n si Yanna.

Pagkatapos ko sa isang babae ay lumilipat din ako. Hindi rin naman nila ako gusto... halatang gusto lang din naman nila 'yung mukha ko.

Hindi ako papayag na hindi mapasa akin 'tong babaeng 'to. Ang ganda amputa...

Napalingon siya sa akin kaya nginitian ko agad siya. Nang ngumiti siya pabalik ay tila parang lumulundag 'yung dibdib ko sa kilig at kaba, bakit ang ganda nito? Parang ngayon ko lang 'to nakita ah?

"Hi, bago ka?" panimula ko kaya huminto siya sa paglalakad.

"Yeah, saan ba rito 'yung classroom for Grade 9?"

Nang marinig ko ang boses niya ay parang akong asong nangingisi. Mas lalo lang umigting ang kung ano sa loob ko.

"Anong section mo?"

Tiningnan niya 'yung papel na hawak niya at hinawi 'yung buhok na napupunta sa mukha niya. Palihim akong napakagat sa ibaba kong labi. Tangina naman talaga... bakit naman kasi ang ganda mo?

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon