MeanMaaga ako nagising kaysa sa natural kong gising. I woke up 5:30 AM pero nanatili lang ako sa aking kwarto habang nakatulala sa kisame ko.
I really hate expressing myself pero hindi ko alam kung bakit sobrang disappointed ako kagabi. As if naman na dapat akong maapektuhan do'n, is this because I like Evan physically?
Umirap ako sa kawalan at ginulo ang aking buhok dahil sa frustration na nararamdaman ko ngayon. Attracted lang ako kay Evan because of his looks pero hindi dapat ako nagseselos dahil attracted lang naman ako sa panglabas niyang anyo.
Suminghap ako at napapikit. I really hate standing at the end of the cliff at wala ka ng choice to step-back at ang tanging choice mo na lang is to let yourself fall.
I should distance myself on him but keep the casual thing on us para naman hindi ako masyado maapektuhan at hindi rin siya makahalata.
Huminga ako nang malalim bago umupo sa aking kama. Tama, 'yun na lang ang gagawin ko at isa pa baka pakialaman niya ang mga desisyon ko sa iba't ibang bagay and I really hate it.
Bumangon na ako para na rin matulungan ko ang aking isip na hindi na mag-isip. Kung patuloy ko lang ikukulong ang sarili ko rito ay patuloy lang din akong malulunod sa rumaragasang mga 'paano kung?'
Pagkababa ko ay nadatnan ko si Daddy na nasa hapagkainan. He's drinking coffee while reading the newspaper. Napatingin siya sa'kin at ngumiti.
"Good morning Reganne, sabayan mo na ako kumain." Tinuro niya ang katabing upuan.
"Good morning Dad, sige po sisilipin ko lang po si Manang sa kusina." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.
Pumunta ako sa kusina at nadatnan ko si Manang Iza sa tapat ng kalan.
"Hi Manang Iza, anong niluluto mo?" anang ko sabay silip sa kaniyang niluluto.
"I am cooking bacon and eggs, Reganne." She smiled.
Napanguso ako at biglang naka-isip ng pwedeng itanong kay Manang.
"Manang, anong gagawin mo kapag parang nakaramdam ka na parang may gusto ka sa isang lalaki? Pero hindi mo rin sigurado kung gusto mo siya dahil saglit pa lamang kayo nagkakakilala." Ngumisi si Manang at tuluyan nang naging halakhak.
"Alam mo Reganne, kung nararamdaman mo 'yan ngayon ang masasabi ko lang ay wala lang 'yan. Hintayin mo at mawawala rin ang nararamdaman mo, hindi ka naman maaring mahulog sa isang tao nang lubusan kung hindi mo pa siya kilala. Ang pagkagusto ay it's either paghanga sa itsura niya o sa ugali niya ngunit malayo na ang aspeto ng pag-ibig kung ito na ang paguusapan." Napatango ako at ngumuso.
Tama nga ako at wala lang itong nararamdaman ko, nagustuhan ko lang siya dahil sa itsura niya, sa pagiging gentle niya pero bukod do'n ay wala na. Tsaka ko lang din napagtanto na bakit ba ako masyadong apektado sa mga nangyayari, eh mukhang ako lang naman talaga ang apektado.
"Thank you Manang, Sino po pala free driver natin?" tanong ko at bigla naman siyang nag-isip.
"Meron namang isa pero para siya sa emergency purpose lang at magagalit ang Dad mo kung gagamitin mo siya kahit hindi emergency." Napakamot siya sa ulo at gano'n na rin ang ginawa ko.
"Pupunta kasi ako ng plantation ngayon, eh mukhang wala naman atang-" napatigil ako sa pagsasalita nang biglang pumasok si Evan sa kusina.
Nagtagpo ang mga mata namin pero agad niya rin itong iniwas at bumaling kay Manang Iza.
"Manang tatanungin ko na lang si Dad." Sinipat ko ng tingin muli si Evan at nakita kong nakatitig siya sa'kin pero iniwas ko ang tingin ko at naglakad papalabas ng kusina.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...