Playing"Kailangan ba formal?" sabi ko kay Roseanne na nasa kabilang linya.
"Hindi naman, pero mag-dress ka dahil masyado ka laging maganda kapag naka-dress ka," sabi niya kaya umirap ako.
"Pati ba naman ikaw Roseanne ay bolero na rin?"
Humalakhak siya. "Gaga! Maliligo muna ako Reg, see you na lang do'n sa Villa..." aniya.
"Okay sige, ligo ka na... magbibihis pa ako," sabi ko.
Pinatay ko na ang tawag at sinilayan ang mga dala kong dress. May mga binili akong dress sa New York and it looks revealing kung ito ang susuotin ko pero hindi ko pa siya nasusuot.
Isa siyang maroon lace bodycon midi dress and I'm not sure kung dapat ko 'tong suotin dahil medyo kita ang dibdib ko. Kaya ko 'to binili dahil kay Rovery na hindi ako tinigilan dahil bagay raw sa akin 'to.
Ngumuso ako at hinubad ang towel na nakatapis sa'kin atsaka sinukat 'yon. Wala pa akong suot na mga undergarments. I look hot with this, I can taste the sophistication but there's a sweet taste of temptation.
Umirap ako. Well, let's see kung paano ako titingnan ni Evan sa dress na 'to. I'm really curious kung titingnan niya pa rin ako kagaya ng pagtingin niya sa akin kanina.
Kapagkatapos kong magbihis ay umupo ako sa aking dresser. Ngumiti ako at sinipat ng tingin ang kabuoan ng aking dresser, I miss this.
Nilabas ko ang aking makeup. Like dati, ayoko ng masyadong makapal ang makeup... I want it simple. I applied matte lipstick and light makeup. Sinigurado kong maayos ang aking eyeliner bago ko binlower ang aking buhok.
Wavy pa rin ang buhok ko sa bandang dulo at mas lalo itong gumanda dahil nga mahaba na ang aking buhok. Kapagkatapos kong ayusin ang aking buhok ay nagsuot lang ako ng silver stilettos.
Nagpabango rin ako ng strawberry scent. I like my scent to be sweet...
Ngumuso ako at tinitigan ang sarili ko sa salamin. I look different, parang biglang may nag-iba sa suot ko dahil makikita ako ni Evan. I want to look good in front of him, how dare he look at me like that?
Para bang nandidiri siya sa akin. Talaga bang kinalimutan na niya kung gaano ako kaganda dahil may bago ng maganda para sa mga mata niya? Umirap ako at muling tiningnan ang suot ko.
This dress reveals my cleavage... kaya napatingin ako sa aking leeg. Should I wear a necklace? Napanguso ako at kaagad na kinuha ang jewelry box ko at pinili ko ang silver moon necklace ko.
Hanggang bandang collar bone ko lang siya. Ngumiti ako sa aking repleksyon bago kinuha ang phone ko atsaka bumaba.
Dahil ako ang pinaka matagal ay malamang ay handa na sila kanina pa. Palagi naman ako 'yung pinaka matagal kumilos sa kanila dahil sa pagligo ko pa lang ay inaabot na ako ng ilang minuto lalo na sa aking pagbibihis.
Kapagkababa ko ay nakita ko na silang lahat sa living room na nagku-kwentuhan.
"Wow..." sabi ni Massi nang nakita ako.
"Oh my god! Sinuot na niya..." ani Rove at pumalakpak pa.
"You look gorgeous," sabi ni Adamson.
"Ako lang 'to guys, tara na! Baka ma-late pa tayo ro'n," sabi ko kaya nagsitayuan na sila.
Nagulat ako nang hawakan ni Adamson ang aking baywang kaya napatingin ako sa kaniya. He is smiling at me atsaka inilapit ang bibig sa aking tainga... "You look hot..."
Tumayo ang balahibo ko sa batok nang sabihin niya 'yon dahil tumama ang mainit niyang hininga sa aking leeg and sent a signal para mamula ang aking mukha.

BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...