TulunganDalawang araw na ang nakalipas nang nangyaring pagtulog ko sa bahay ni Evan. My mom and Manang Iza felt sorry for me dahil kung hindi raw dahil kay Evan ay baka wala akong natuluyan. They thank Evan for his hospitality especially my mom, and my dad also acknowledged his kindness through phone.
I admit that Evan is a nice guy. He's full of surprises, at hindi lilipas ang isang araw na hindi ka ngingiti kapag kasama mo siya. I don't know why pero I'm starting to gain interest on him. At masasabi ko na rin sa sarili kong... gusto ko na rin siya.
I don't know either. May mga pakiramdam talagang kusa na lang mararamdaman pero hindi alam kung saan nagsimula 'yung pakiramdam na 'yon at kung anong dahilan kung bakit 'yon nararamdaman.
My dad is still in Manila. Si Mommy naman, ilang araw na lang ay lilipad na papuntang Alberta at ako na ang official na mamamahala ng plantation namin ng mga bulaklak for the meantime, kinakabahan ako at excited din dahil magandang karanasan ang gustong ibigay sa 'kin ni Dad.
Although I hate it kapag pinapangunahan ako ng mga tao sa paligid ko. I want to handle my own problems without someone's help but when I met Evan, I kept on needing his help, and at first, naiirita ako pero habang tumatagal ay parang nakakasanayan ko na lang na he's there to help me whenever I needed a help.
Dahil sa ginawang tulong ni Evan sa 'kin, he gained the trust of my mom and dad, kaya sa tuwing kailangan ko ng tulong sa kung anong bagay ay si Evan na ang nilalapitan nila, because they know Evan will do anything just to help me.
Nag-aagahan kami nila Mommy at napag-usapan namin bigla ang plantation dahil malapit na nga ang kaniyang pag-alis. "Hindi naman ako pupunta sa Alberta to relax, I'm trying to have an investor sa business natin sa Manila. Kaya nga nando'n lagi ang dad mo dahil inaasikaso niya 'yon. Given that our businesses there are hotels and restaurants and some small flower shops ay marami pa rin nagiging problema financially dahil masyadong nag-invest ang dad mo sa plantation para sa future mo," ani Mom habang nakatingin sa 'kin.
Tumango ako at nag-pout. "I know Dad is doing this para sa 'kin dahil maganda naman na ang buhay ni Kuya sa New York. I will do my best Mom to help you, everything is new to me but I will do it slowly, step-by-step."
Ngumiti si Mom at hinawakan ang balikat ko. "Thank you Reganne for appreciating your dad's sacrifices and efforts. He loves you so much and your brother kaya he's doing everything para mabigyan kayo at matulungan kayo in your future expenses. Hindi naman stable ang business ng kuya mo sa New York kaya maaaring mag-fail din 'yon. I'm here also anak, to support you sa lahat ng gusto mo, pero isipin mo rin ang dad mo kung magiging okay 'yon sa kaniya." Nahihimigan ko ang concern sa boses ni Mommy.
I know my Dad is working too much for me at minsan ay naiisip ko na he should stop pero may parte sa 'kin na hindi pa rin handa sa mga maaaring mangyari, pero I know I can do it.
Napalitan ng ngising aso ang kaninang concern na itsura ni Mommy. "Napapansin ko na mas nagiging close kayo ni Evan," aniya na bakas ang pang-aasar.
I sighed then rolled my eyes. "He's just doing his job Mom, kaya lagi siyang nakadikit sa 'kin, at baka isabit ako ni Dad kapag nalaman niyang I'm flirting with him."
"So you are flirting with him?" Natawa ako sa titig ni Mom kaya umiling ako.
I never saw my mom teasing me like this. Madalas supportive lang siya especially no'ng nalaman niyang naging kami ni Caleb no'ng highschool. She didn't tell Dad about it, pero ngayon she seems to like Evan for me.
"No, Mom! He's the one who's flirting. I just can't, sometimes, resist his charm dahil aminin man natin o hindi, he's a drop-dead handsome." Tumawa si Mom kaya natawa na lang din ako.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...