Kabanata 8

141K 4.2K 3.1K
                                    




Sunflower

Napansin kong dumidilim na ang paligid. Buti na lang ay nilalagay na nila ito sa truck at malapit na sila matapos. Nakaupo pa rin ako habang pinapanuod sila.

Seryoso lang si Evan habang naglalagay ng mga crates sa truck na malamang ay ididiretso na agad sa iba't ibang bilihan ng mga prutas. Simula kanina ay hindi napapadpad ang mga mata ni Evan sa'kin, baka iniisip niya na nag-doubt ako bigla dahil sa mga sinabi ni Kayzer o baka nagkataon lang kasi may ginagawa siya.

Nang inilagay na ni Kayzer ang huling crate namay laman na saging sa likod ng truck ay napatingin na rin sa'kin si Evan. Nakatingin lang ako sa kaniya kanina pa dahil gusto kong marinig 'yung kwento niya kanina.

Pinanuod ko siya habang naglalakad siya papunta sa'kin at sa likod niya ay sina Kayzer at Baron pero mukhang uuwi na silang dawala.

"Mauna na kami Reganne, paki sabi kay Tita ay umalis na kami," ani Kayzer at sinipat ng tingin si Evan na nakatitig sa'kin.

"Tara na Evan, huwag mo na balakin kausapin pa si Reganne at baka abutin ka pa ng gabi." Hindi nag-react si Evan pero nakita ko ang kaniyang pagsinghap. Ano kaya ang nasa isip niya?

"Uuwi na rin ako..." bahagyang kumunot ang aking noo sa sinabi niya pero iniwas na niya rin ang kaniyang tingin at naglakad kasama nila Kayzer.

Nilingon ko siya. Akala ko lilingon pa siya pero hindi na siya lumingon at sumakay na sa sedan. Ang akala ko rin ay babalik siya at pinapaalis niya lang sina Kayzer at Baron para makapagusap kami pero hindi na rin siya bumalik.

Sandali rin akong nanatili sa labas dahil baka bumalik si Evan pero nang tuluyan ng dumilim ay naisipan ko nang pumasok. Pagpasok ko ay nasa dining area si Mommy at kumakain.

"Oh Reganne, kain ka na. Tawagin mo na rin sila Evan sa labas para makakain na rin sila rito," ani Mom habang nakangiti.

"Umuwi na sila Mommy, hindi na nga ako nakapagsalita dahil umalis din sila agad." Kumunot ang noo ni Mommy.

Madalas kasi ay hindi pa umuuwi si Evan kapag tapos ng kaniyang trabaho at gustong-gusto pa no'n na manatili rito sa bahay pero kailangan na niyang umuwi dahil masyado ng gabi pero ngayon umuwi agad siya.

Dahil kaya ito kay Yeni? Masyado kayang mahalaga si Yeni sa kaniya at naapektuhan siya nang bigla iyong napagusapan? Si Yeni lang kaya talaga ang babaeng minahal niya?

Umupo ako sa tabi ni Mommy. "Bakit umuwi agad siya? Wala ba siyang sinabi?" aniya habang bakas ro'n ang pagtataka at bahagyang pagkadismaya.

"Hindi ko nga rin po alam, sinabi niya lang ay uuwi na siya at tuluyan nang umalis." She sighed at tumingin na sa kinakain niya.

"Pabayaan mo na muna siya Reganne baka napagod." She smiled.

Siguro'y nakita niya sa ekspresyon ko na hindi ko masyado okay. Hindi naman ako malungkot pero nagtataka ako at naguguluhan sa ibang nangyayari at iniwanan lang ako ni Evan kanina. Hindi man lang niya naisip na i-kwento sa'kin pero baka bukas ay i-kwento niya.

Tumango na lang ako.

"Mommy kilala mo ba si Yeni Montemayor?" ibinaba ni mommy ay baso ng juice na dapat ay iinumin niya nang narinig niya ang aking tanong.

"Yung model at anak ni Ricardo?" suminghap siya na para bang inisip kung anong alam niya kay Yeni.

"Hindi ko rin masyado kilala si Yeni, dahil hindi naman close ang pamilya natin sa mga Montemayor. Sa katunayan nga ay isa 'yon sa mga competitor ng business natin." Kinagat ko ang ibabang labi ko nang hindi pa rin talaga ako mapakali kung anong meron kay Yeni, bakit kaya siya nagustuhan ni Evan bukod sa maganda ito?

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon