Kabanata 35

105K 2.1K 1K
                                    




Dinner

Nasa plaza kami nila Ross, Evan at Roseanne. 'Yung mga iba naming kaibigan ay may pinuntahang iba. Naisip kasi namin na tumambay na lang muna sa coffee shop, magpapalamig lang kami atsaka ayoko rin pa munang umuwi.

"Let's play a game," sabi ni Roseanne kaya napatingin ako sa kaniya habang nakasandal sa sofa.

Nilapag ko ang iced coffee ko sa table atsaka kinunotan siya ng noo. Katabi niya si Ross na nakatingin din sa kaniya at inaabangan ang sasabihin niya, ano nanaman naisip nitong kalokohan?

"Let's play, how would you rate?" sabi niya kaya mas lalo kong kinunot ang noo ko.

"Ano nanaman 'yan?" sabi ko.

"Nilalaro namin 'to dati no'ng mga naging kaibigan ko sa social media and baka gusto niyong laruin kasi maganda 'to. Magse-send kami ng mga pictures at ire-rate namin 'yon, iba-ibang picture... puro girls naman kami kaya may mga ibang censored. Anyway, we will do it like this... we will rate everyone's traits." Nagkatinginan kami ni Ross at sabay kaming ngumiwi.

Here we go again, Roseanne being herself. Palagi kasi siya 'yung nakakaisip ng maraming kalokohan tapos mauuwi na sa kung saang usapan pero sige pagbibigyan ko na siya dahil wala rin naman kaming ginagawa.

"So, shall we start?" sabi niya at ngumiti.

"Ako una!" sabi ko kaya tumingin silang lahat sa'kin.

"Paalala lang, kahit sino pwede mong tanungin sa amin. Like, for example... Evan how would you rate Ross' hair? Parang mga gano'n..." ngumuso ako at tiningnan si Evan na nakatingin lang din sa'kin.

"Roseanne how would you rate Felix's face?" ngumisi ako kaya umirap siya.

"Tayo-tayo lang... hindi pwede 'yung wala rito..." aniya.

"Edi... how would you rate Ross' coldness sa ibang tao?" sabi ko kaya tiningnan siya ni Ross.

"Uhmm... it's bad pero ugali 'yon ni Ross e and it's part of him so okay lang din naman sa'kin." Ngumiwi si Roseanne dahil hindi niya alam kung anong isasagot niya sa tanong ko.

Sumimsim muna ako sa aking iced coffee at napatingin kay Ross nang bigla siyang nagsalita.

"Evan... how would you rate Reganne's performance?" muntik ko ng maibuga ang iniinom ko sa sinabi ni Ross.

Pucha.

Humalakhak si Ross pati si Evan atsaka nag-apir kaya nagkatinginan kami ni Roseanne atsaka sabay kaming umirap. Mukhang magkakampi 'tong dalawang 'to ah?

Tiningnan ako ni Evan habang nakangisi kaya sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag do'n, mas lalo pang lumawak ang ngisi niya.

"She's good actually... I just love everything about her kaya kahit 'yung pagpikit niya gusto ko na rin," aniya at humalakhak kaya hinampas ko siya sa braso.

Nagtawanan na naman sila ni Ross. Kaya umirap ako at tiningnan si Evan. Hindi namin sila pwedeng labanan sa kabastusan dahil panigurado ay mananalo sila kaya naisip kong sa ibang paraan ko na lang babawian 'to si Evan.

"Reganne how would you rate Evan's performance?" ani Roseanne kaya tumaas ang kilay ko at tiningnan si Evan na seryosong nakatitig sa'kin.

"He's bad, hindi nakaka-enjoy... parang nakikipag laro ka lang ng jackstone sa bata. Sobrang boring... muntikan na nga ako makatulog e buti na lang pinilit kong hindi makatulog..." sabi ko kaya tumawa si Roseanne atsaka si Ross.

Tiningnan ko si Evan na nakakunot ang noo habang nakangisi. I will just hurt his ego as a6 revenge!

"Mahina ka pala Evan e!" sabi ni Roseanne.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon