Kabanata 27

106K 2.3K 1.1K
                                    




Forced

"Anong sinasabi mo Sabrina?" nanliliit ang mga mata ko.

Kumurap-kurap siya atsaka tinanggal ang mga kamay na nakahawak sa kaniya. Huminto siya sa pag-iyak. Kumunot ang noo ko atsaka nilagay sa likod ng tainga ko ang mga takas na buhok sa aking mukha.

"Ikaw ang magtatapos ng pagkakaibigan natin? Bakit hindi natin ipakita ang mga texts mo kay Evan para makita natin kung sino ba talaga ang sinungaling sa atin..." tinaasan ko siya ng kilay.

Nakatingin lang siya sa'kin at hindi makapagsalita. Nalulunod na ba siya sa sarili niyang kasinungalingan? Balak niya pang kumuha ng atensyon at palabasin na inaapi siya.

"Bakit hindi ka makasagot?" diretso ang matalas kong tingin sa mga mata niya. Kung gaano siya katapang mag-send ng mga gano'ng texts kay Evan ay gano'n naman siya ka duwag para harapin ang kapalit ng ginawa niya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Reganne, hindi ko tinitext si Evan," aniya kaya napapikit ako at tumingala.

Hinilot ko ang aking batok. Nagtiim bagang ako atsaka siya muling tiningnan. Paano niya pa kayang nagagawang magsinungaling sa harapan ko? Eh alam ko naman na ang lahat.

"Pwede ba lumayas muna kayo? Wala naman kayong alam dito, kami lang ang mag-uusap ni Sabrina. Hindi ko kailangan ng mga opinion niyong dalawa kaya kung maari ay kumain na kayo para magkaroon na kayo ng silbi..."

Hindi nakasagot ang dalawang babaeng tumulong kay Sabrina atsaka na lang sila naghilaan para umalis. Now it's you and me Sabrina.

"I want to talk properly, Sabrina. Huwag mong masyadong pinapahalata na guilty ka sa mga ginawa mo," sabi ko.

Huminga siya nang malalim atsaka tumalim ang tingin sa'kin. Now, I can see her real self.

Tinalikuran niya ako kaya sinundan ko siya. Naglakad siya papunta sa likuran ng school. Dito madalas mag-make out ang mga estudyante since palagi naman atang gano'n.

"I just want to ask you, bakit mo tinext si Evan ng gano'n kung alam mong sa'kin na siya?" humalukipkip ako habang nakatitig sa kaniya.

"Dahil gusto ko siya, Reganne. I want him to be with me, bakit siya bumagsak sa isang baguhang kagaya mo? Baka nga hindi siya nage-enjoy kapag nagse-sex kayo," sabi niya at umiling.

I scoffed. "Hindi naman sa sex umiikot ang ugnayan namin, Sabrina. Hindi mo naman ako katulad na malandi para magkaroon ng maraming karanasan..."

Humalakhak siya pero bakas ang pagiging sarkastiko nito. "Alam mo, kawawa naman si Evan dahil bumagsak siya sa katulad mong talunan. Isa ka lang namang spoiled filthy bitch ng mga Noviemendo, hindi kayo bagay ni Evan," aniya.

"I am what I am, Sabrina. Hindi mo ko kailangan sabihan ng bitch dahil alam ko 'yon, I can be a bitch lalo na sa katulad mong tao. You're my friend at inaagaw mo si Evan sa'kin tapos ako pa ngayon ang filthy? Hindi ka ba nandidiri sa mga sinisend mo kay Evan? Tangina ka." tinaasan ko siya ng kilay.

Ramdam na ramdam ko ang galit sa aking sistema. Gusto ko na siya sabunutan pero I want to talk properly. Pero kung iinsultuhin niya ako na parang ako pa ang may ginawa sa kaniya ay hindi ako papayag.

"Ikaw naman talaga ang mang-aagaw 'di ba?" ngumisi si Sabrina.

Nanliit ang mga mata ko. "What do you mean?"

"You can answer your question, Reganne. I played dirty kahit kaibigan kita dahil hindi ko akalain na gano'n kang babae, mukha kang santo pero malandi ka rin pala. Kasabwat ko si Felix, we planned everything well. Simula no'ng sa inaya ka niya ng lunch hanggang sa inaya ka niya sa overlooking, nadala ka ba sa mga salita ni Felix?" tumawa siya at umirap.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon