RainPagkarating namin sa Plaza ay pinark muna niya ang sasakyan sa free parking. Mukha akong taga estados unidos sa suot ko at kung tatanggalin ko naman ang coat ko ay mukha akong kakagaling lang ng patay kaya hinayaan ko na lang.
"Saan mo gusto mamasyal, eh mukhang nalibot mo naman na ito lahat sa tagal mo na rito sa La Grandeza?" aniya nang nakalayo na kami sa sasakyan.
Tiningnan ko siya. "Hindi ako magsasawang mahalin ang La Grandeza kaya kahit memoryado ko na lahat ang bawat sulok nito ay hindi ako nagsasawang balik-balikan ang mga ito. It's the heart Evan, not the place."
Ngumiti siya at bakas mo ro'n na nagustuhan niya ang sinabi ko.
"Alright, kung gano'n ay nais kong ipakita sa'yo ang paborito kong lugar sa La Grandeza at nandito lang din siya sa plaza," aniya kaya tiningnan ko siya.
Hinawakan niya ang kamay ko at napatingin ako ro'n, His hand is huge and warm parang naging pang sanggol ang aking kamay.
Nilakad namin papunta ro'n sa paborito niyang lugar. Nang nakarating kami ro'n ay napangiti ako kung ano ang nasa harapan ko ngayon.
It's a book shop, hindi ito pansinin dahil nga maliit lang ang pwesto nito.
"This is my favorite place here in Plaza. Bago kami umuwi ng mga kaibigan ko galing school, pumupunta kami rito at nagbabasa kami at nagsilbing parang tambayan na rin namin ito." Kitang-kita ko sa mga mata niya na he really loves this place.
Nilingon niya ako at ngumiti siya sa'kin. "Tara." Hinila niya ako papasok.
"Oh Evan! Ang tagal mong hindi bumalik dito ah?" masayang-masaya si Ate Polira nang nakita si Evan at napatingin din siya sa'kin.
"Nako naman, magkasama pa ang dalawang suki ko." Napatingin sa'kin si Evan na may pagtataka.
"Palagi ka rin dito?" aniya at tumango ako.
Napadpad ang mga mata ni Ate Polira sa kamay naming magkahawak kaya tinanggal ko agad ito.
"At mukhang nagkatuluyan pa." She laughed with full of excitement.
Tumawa lang kami ni Evan sa pang-aasar niya. "Ano naman ang babasahin niyo ngayon?" sabi ni Ate Polira.
Umiling ako. "Wala po akong babasahin Ate, namiss ko lang din po ang lugar na ito at mukhang gano'n din po si Evan." Ngumiti ako.
"Kung gano'n ay maupo na lamang kayo riyan, at huwag kayong mahihiyang magbasa kung naisipan niyo." Ngumiti si Ate Polira at kinausap ang kakapasok lang din na customer.
Naupo kami ni Evan sa gilid at kitang-kita ko ang ngiti sa kaniyang labi. Nakatitig lang siya sa'kin.
"I didn't know that you like reading books..." bakas ro'n na masaya siya na nalaman niya na mahilig akong magbasa kagaya niya.
"Yeah, madalas kami rito pero nang naging busy na kami sa college ay bihira na lang kami napapadpad dito magbabarkada ngunit palagi akong naghahanap ng oras para makapunta rito." Inilibot ko ang aking tingin sa paligid.
Habang tumatagal ay lumuluma na ang kisame at ang mga pader ay hindi na rin napipinturahan ngunit nakaayos ang mga libro sa shelves at inaalagaan ito ni Ate Polira nang mabuti kaya hindi ito nasisira.
Ang pinaka murang multa kapag na-damage mo ang libro ay pitong libo. Mahal ang mga librong mayroon si Ate Polira lalo na at ang mga karamihan sa mga libro nya ay ipinamana pa sa kaniya ng mga Lolo't Lola niya at siguro'y pinagpasapasahan na ang mga librong ito bawat henerasyon.
"Bakit ka ba nakatitig sa'kin?" pamumuna ko kay Evan dahil kanina pa siya nakatitig sa'kin.
"Nothing..." aniya at iniwas na ang tingin.
BINABASA MO ANG
Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)
RomanceTulad ng sinasabi ng nakararami, panatilihin ang mga mata sa kung ano ang nangyayari ngayon at hindi sa nangyayari noon. Ngunit paano kung ang nakaraan ay muling bumalik para maging kasalukuyan? ______ Living in a glamorous family, Reganne Quinn Nov...