Kabanata 40

113K 2.6K 2K
                                    

Mention me in my Twitter account - @JosevfTheGreat and give me your reactions and thoughts about this chapter or the whole story! I'll be waiting. #OblivionSeaJTG.
_

Para sa atin

"I know it's hard for you but you have to make a choice..."

'Yun na lang ang sinabi ni kuya na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Do I really have to make a choice if I can choose them both? Paano ko bibitawan ang isang taong mahal ko? Pero sa kabilang banda ay nasa bingit ang buhay ng isa ko pang mahal.

Walang kasiguraduhan kung kailan sila ulit gagawa ng aksyon para lang maisakatuparan ang kanilang gusto. Pero hindi rin ako sigurado kung kaya ko bang gawin ang gusto nilang gawin ko, it's really hard to let Evan go.

Hindi nila kami nadaan ni Evan sa simpleng paninira kaya ginamitan nila kami ng mas matinding paraan para lang mapaghiwalay kami. This is really too much for me, ngayon ko lang naramdaman 'yung ganitong pagmamahal pero bakit kailangan kong isuko?

Bakit ko kailangan isuko 'yung pagmamahal na binuo ko para kay Evan? Ang hirap isipin na 'yung taong palaging binibigyang kulay ang araw-araw ko ay kailangan kong bitawan.

It will be even hard for me to see him being happy with someone else. Tama si Kuya, this will be my downfall. It will be my downfall kapag nawala si Evan sa'kin at gano'n din kapag nawala si Daddy.

I don't have a choice but to let him go just to save my father.

Kung kami talaga sa huli, pagtatagpuin ulit kami at kung hindi naman... baka naman pwedeng siya na lang ulit.

Lumipas ang isang linggo na nakatulala lang ako sa school. Tinuturuan ako ni Ross ng mga nami-miss kong lessons dahil sa sobrang tulala ko, like I am physically present pero 'yung utak ko lumilipad.

"Reganne, makinig ka naman sa'kin... you have to focus and know your priorities. I know this is hard for you pero kailangan mong magpatuloy sa buhay..." ani Ross.

Pinisil niya ang magkabila kong pisngi habang nakangiti at ako naman ay nakasimangot lang sa kaniya.

"It's really sad seeing you like that, come on Reganne... mag-aral na tayo dahil kung hindi babagsak ka at kapag bumagsak ka hindi tayo sabay-sabay ga-graduate..." aniya at mas diniinan pa ang pagpiga sa pisngi ko.

My friends keep on cheering me up especially Ross and Roseanne na halos palaging gumagawa ng jokes para lang mapatawa ako. Lalo na si Ross na kailanman hindi nahilig magpatawa ay kung anu-ano ang sinasabi para lang mapatawa ako.

I appreciate their efforts just to cheer me up at kahit papaano ay nawawala 'yung bigat sa dibdib ko kasi may mga kaibigan akong katulad nila na sinasalo ako tuwing nahuhulog ako at sinusubukan akong buoin sa tuwing nasisira ako.

I am just thankful na sa kabila ng lahat ng hirap sa buhay, may mga dapat pa rin pala tayong tingnan. 'Yung dapat mas pinagtutuunan natin ng pansin. Let us always appreciate every little things that comes in to our lives even if our souls are broken, even if our memories needs to be mended... huwag nating kakalimutan na may mga bagay pa rin pa lang maganda sa mundong 'to.

There's still a spark in darkness, if we will look up and let it be visible in to our eyes. It's hard to live in darkness but why don't we be the light to the darkness instead on living on it?

Dahil sa tulong ng mga kaibigan ko ay nakakahabol ako sa mga tasks and sa mga lessons na dapat kong pakinggan. Andiyan sila simula no'ng una palang hanggang ngayon, hindi nila ako iniiwanan.

"Alam mo Reganne, it's not bad to be sad, magiging masama lang siya kapag nanatili kang malungkot..." ani Roseanne habang nakapangalumbaba.

Ngumuso ako at tiningnan si Ross na nakangiti sa'kin. Itong lalaking 'to, madalas na ang pagngiti simula no'ng malungkot ako. Kaya mahal na mahal ko 'tong mga kaibigan ko e, ginagawa nila lahat para lang mapasaya ako.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon