Kabanata 31

103K 2.3K 2.5K
                                    

Real

"Dito ako matutulog, ha?" ani Evan habang pinapaulanan ng halik ang aking braso.

"Hindi pwede Evan, magagalit si Daddy kapag nakita kang nakatabi sa 'kin," sabi ko naman habang nakanguso.

Nakayakap siya sa 'kin at nasa bandang braso ko ang kaniyang mukha.

"Ano bang inaasahan ni Tito kapag do'n ka natutulog sa bahay?" sabi niya at bumangon. Dinantay niya ang siko niya sa may unan ko at saka ipinatong ang pisngi sa kaniyang palad.

"Hindi ko alam. Syempre this is our house, Evan. Gusto ko rin na makasama ka pa pero magagalit 'yon kapag nakita ka niyang dito natutulog sa kwarto ko . . ." sabi ko kaya ngumuso siya.

"E di do'n na lang tayo sa bahay. I really want to spend the night with you. I miss you so much . . ." aniya at tiningnan ang labi ko.

Muli siyang sumiksik sa aking leeg. Naramdaman kong hinahalikan niya 'yon at inaamoy. I brushed his hair using my fingers.

"Hmmm? Sige na, babe . . ." aniya habang nakasiksik sa 'kin.

Mahina akong natawa at saka suminghap. "Okay fine, magpapaalam na ako kay Daddy . . ." sabi ko kaya tumingala siya para tingnan ako.

Ngumiti siya sa 'kin at saka ako hinalikan nang mabilis. "I will cook for you," sabi niya.

"Okay . . . magpapaalam lang ako," sabi ko.

Tumayo na muna ako at dumiretso sa baba. Ang alam ko ay nando'n pa siya, baka kausap niya pa si Mr. Montemayor. Sana wala na si Yeni.

Nadatnan ko sina Daddy at Mr. Montemayor sa garden namin habang umiinom sila ng whiskey. Nando'n din si Yeni na kasama nilang nag-uusap. I don't know what they are talking about but it looks serious.

"Daddy . . ." Natigil ang pag-uusap nila at nilingon ako ni Daddy.

Nagkatinginan kami ni Yeni at kalmado lang ang mga mata niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at bumaling ako kay Daddy.

"What is it, Reganne?" ani Dad at ngumiti.

"Can I sleep at Evan's?" sabi ko at tiningnan si Yeni na ngayon ay nakakunot na ang noo.

"You will allow her to sleep in Evan's house, Mr. Noviemendo? Hindi ba masyado 'yung delikado na silang dalawa lang ang nando'n?" sabi bigla ni Yeni at tiningnan ako.

"Yeni has a point, Raphael. Will you allow your daughter to sleep on a guy's house?" sabi ni Mr. Montemayor.

Ano ba sila, mga councilor? Hindi ko kailangan ng opinion nila and bakit ba nila sinusulsulan si Daddy? Buo ang tiwala ni Daddy kay Evan at saka walang gagawing masama si Evan sa 'kin. Ano naman ang inaasahan nitong dalawang 'to?

"My daughter is already old enough to handle herself. I'm just asking her to inform me kung saan siya pumupunta pero I want her to enjoy her life as well . . ." sabi ni Daddy.

"What if nabuntis agad siya, Mr. Noviemendo? Okay lang ba 'yon sa 'yo?" Halatang sinusulsulan niya si Daddy. 

"Huwag kang advance mag-isip, Yeni. Mabuting babae ang anak ko. Maloko man siya pero alam niya ang dapat sa hindi dapat . . ." ani Daddy at nilingon ako. "Okay Reganne, you can go," nakangiti nitong sabi.

Nakita ko si Yeni na nakatingin sa 'kin nang masama, pero hindi ko na lang siya pinansin dahil wala akong oras para sa kaniya, ayaw kong masayang 'yung oras ko para lang depensahan ko ang sarili ko sa kaniya, pero once na subukan niyang mangialam sa personal kong buhay at dinamay niya na lahat ng parte sa buhay ko . . . I won't hold back.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon