Kabanata 16

122K 3K 1.3K
                                    




Inuman

Hindi na ako nagsalita dahil seryoso lang si Evan na nakatingin sa daan. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil parang ayaw niyang pag-usapan.

Pagkarating namin sa bahay ay hindi ako bumababa kaya nilingon niya na ako. Mas lalo lang ako kinabahan dahil hindi siya nagsasalita at nakatitig lang sa'kin.

"Evan..."

"Go inside, baka hinahanap ka na ni Sir," aniya habang nakatitig pa rin sa'kin.

Nakasimangot lang ako habang nakatingin sa kaniya pero nananatili pa ring gano'n ang kaniyang ekpresyon kaya hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin naman siya sa ro'n nang hawakan ko siya at muli ring ibinalik ang tingin sa aking mga mata. He clenched his jaw then sighed as if he's waiting for me to say something.

"Sorry na, hindi ko na talaga siya papansinin. Huwag kana magalit, hmmm?" mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. Niyakap ko pa 'yon para lang hindi siya makaalis.

"I'm not mad because of what I've seen. Nagagalit ako dahil paano kung may ginawa 'yon sa 'yo at wala man lang ako o 'yung mga kaibigan mo do'n?" madiin ang pagkakasabi niya sa dulo kaya napasinghap ako.

Umaliwalas na ang kaniyang ekspresyon pero nananatili siyang seryoso. 

"I understand Evan, hindi ko na siya lalapitan at kahit lapitan niya ako, nando'n ang mga kaibigan kong lalaki. Hindi lang sila nando'n para mag-aral but also to be my friend. Trust them." Ngumiti ako at hinawakan ang kaniyang pisngi. Pumikit naman siya at dinama ang kamay ko. Namungay ang mga mata niya nang nagtagpo ulit ang mga mata namin.

"You should go inside, baka hinahanap ka na ni sir," aniya sa malambing na tono.

Hinalikan niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya habang nakatingin sa'kin. His expression is better now kaysa kanina.

"Sige, papasok na ako," sabi ko pero hindi pa rin ako bumibitaw sa kamay niya at hindi ko pa rin binabalak na gumalaw.

Gusto ko pa siyang makasama. Gusto ko pa...

Ngumisi siya at umiling. "Gusto mo pa ko makasama?" aniya habang nakangiti ang mga mata.

Tumango ako at unti-unti siyang sumeryoso. Hinalikan niya ang noo ko pababa sa aking ilong. Hinihintay kong halikan niya ako sa labi pero hindi niya ako hinalikan.

"I will call you, may assignments ka ba?" aniya sa malambing na tono.

Para akong dinuduyan sa boses niya, he's so gentle. Why is that?

"Wala naman akong assignment, tawagan mo ako or video call. Gusto pa kita makausap." Sinandal ko ang pisngi ko sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Ngumisi siya. "Ang clingy mo na ah. Okay, let's video call habang naliligo ako." Inirapan ko siya. Pero I'm glad dahil nakangiti na siya ngayon. He's okay now. Nang-aasar na, e. 

"Papasok na ako, ako tatawag sa'yo." Tumango siya at ngumiti. Binitawan ko na ang kamay niya at kinuha ko na ang bag ko.

"Ingat sa paguwi!" nginitian ko siya bago ko isarado ang pintuan. Kapag ka pasok ko sa bahay ay binati ko lang sila Mommy at Daddy na kumakain pero hindi na ako nagtagal do'n at umakyat na ako.

Humiga agad ako at tinitigan ang phone ko. He will text me kapag nakauwi na siya at tatawagan ko agad siya. Nang nakalipas pa ang ilang minuto ay hindi pa rin siya nagte-text kaya umirap ko at nilapag ang phone ko sa kama.

Nagbihis muna ako pero nanatili ang atensyon ko sa cellphone ko, pero hindi pa rin siya nagte-text. Natapos na akong magbihis, nakapag hilamos na ako at tooth brush pero hindi pa rin siya nagte-text.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon