Kabanata 10

141K 4.4K 1.9K
                                    




Sugal

Nakahiga lang ako sa aking kama. Alas-onse na pero nandito pa rin ako. Hindi ako pinatulog ng iniisip ko. Napapikit ako nang naalala ko na naman 'yung sinabi ni Evan kagabi habang nasa wrangler kami.

He was furious pero nang sinabi niya 'yon ay puro kalungkutan lang ang nakita ko. Sincere kaya siya sa mga sinabi niya? Nasabi niya na rin kaya 'yon sa ibang babae?

He was a playboy back then. Ako lang kaya 'yung nasabihan niya no'n? If not, what makes me special then? Pero high school pa siya no'n... ilang linggo na rin naman kami magkakilala. Hindi ko naman masasabing ang babaw ng lahat.

Paano ko naman malalaman na ako 'yung gusto niya at hindi si Yeni? Mas marami silang pinagsamahan ni Yeni kaysa sa amin kaya bakit ko naman malalamangan si Yeni?

Napasinghap ako dahil sa sobrang dami ng iniisip ko. Paano ko kaya haharapin si Evan? Iniisip ko pa lang parang gusto ko nang umatras. Iniisip ko pa lang na magtatagpo ang aming tingin, parang hindi ko na kakayanin.

Tuwing naalala kung 'yung mga mata ni Evan no'ng gabing 'yon ay parang sasabog ako sa kilig, pero at the same time ay nagdadalawang-isip ako kung anong gagawin ko. Parang mas lumamang sa akin na hindi dapat ako kiligin sa sinabi niya.

Kahit sinabi niya 'yon ay may nananatiling parte sa 'kin na wala pa rin akong laban kay Yeni dahil parang hindi pa rin sapat 'yung pinanghahawakan ko kung sakali mang ipaglalaban ko ang nararamdaman ko kay Evan.

Kahit hindi pa naman gano'n kalalim ang nararamdaman ko kay Evan, it's still a feelings kaya dapat itong pinapahalagahan. Napakamot ako sa ulo ko nang mas lalong tumindi ang aking pag-iisip.

NAISIPAN KONG BUMABA ng ala-una pasado para mananghalian. Nagpasalamat ako sa aking tiyan nang nakaramdam ako ng gutom dahil maiiba ang aking iniisip. Pagkababa ko ay walang tao sa sala at wala rin sa dining area.

Baka umalis si Dad at pumunta sa plantation, ang hindi ko lang alam ay kung nasaan si Mommy. Nang nakita ko si Manang Iza na nakaupo sa bar table habang nagbabasa ng dyaryo ay lumapit agad ako sa kaniya.

"Manang Iza, nasaan po sila Mommy?" Tiningnan niya ako at tumayo siya bigla.

"Ang mommy mo, binisita ang plantation ng mga bulaklak. Ang daddy mo naman, nandiyan sa kwarto niya at nagpapahinga. Maupo ka na ro'n at ipaghahanda na kita." Tumango ako at pumunta sa dining table.

Nabibingi ako sa sobrang tahimik ng dining area. Napatingin ako sa upuan kung saan laging umuupo si Evan. Dito kaya siya nag-almusal? Napatingin ako sa labas. Nandiyan kaya siya?

Suminghap ako at umiling. Pwede ba, Reganne, kumain ka muna at isipin mo muna ang sarili mo bago ang iba. Napangiti ako nang pinaghandaan ako ni Manang Iza ng pritong tilapia, sinangag, at buko pandan.

"Thank you, Manang Iza." Ngumiti siya at umupo sa tabi ko.

"Galing pala si Evan kanina rito, hinahanap ka. Sabi ko ay tulog ka pa kaya umuwi na rin 'ata." Napakunot ang noo ko.

"Ano raw po ang sadya at saka wala po ba siya riyan ngayon?" Sumubo ako ng sinangag.

"Wala. Day-off yata ni Evan ngayon. Kung gusto mo ay puntahan mo siya sa bahay nila at para matanong mo kung bakit siya pumunta rito." Ngumisi si Manang kaya umirap ako.

"Pati ba naman ikaw Manang nahawa na kay Mommy?" Humalakhak siya.

"Bakit, bagay naman kayo ni Evan, ha?" Tiningnan ko siya habang dahan-dahang ngumunguya.

Bagay ba kami o mas bagay sila ni Yeni? Pakiramdam ko mas bagay sila ni Yeni dahil tulad ng iniisip ko kanina, mas marami silang pinagsamahan ni Yeni. Pero... hindi ko rin naman sigurado kung ano ba talagang totoong nararamdaman ni Evan.

Oblivion Sea (La Grandeza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon